Chapter 45

307 12 0
                                    

Nagpatuloy ang paguusap sa pagitan ng Nostalgia at CHAIN.  Binigyan ni Clymene at Carter ng kanya kanyang responsibilidad ang bawat agent at bawat miyembro ng CHAIN sa gagawing pag ataki. Bawat taong nasa loob ay seryong nakikinig sa ipinapaliwanag ng dalawa. 

Napangiti ako sa nasasaksihan ko.  Parang bumalik kami sa dati.  Noong panahong naalala pa kami ni Carter. Palaging sila ni Clymene ang gumagawa ng plano at palaging tagumpay ang kinakalabasan nito kaya nakakasigurado akong magtatagumpay kami.

"Nike, Styx, Naevius, Erebos,Zylus,Tres,Khalid,Levin, Clymene at ako.  Kami ang bahala sa pagpasok sa loob. " anunsyo ni Carter na agad na tinutulan ni Max.

"It's too dangerous for Nike,  lalo na at isa siya sa target ni Rojan. " ani nito.

"It's fine Max.  At isa pa iyon naman talaga ang balak kong gawin. " sagot ko dito.

"It's too dangerous Nike! Mapapahamak ka! " asik nito.

"Walang misyong hindi mapanganib Max.  Lahat ng misyong pinasukan ko mapanganib. " naiinis na sagot ko dito.  Lahat ng taong nasa loob ay papalit palit ang tingin sa aming dalawa.

"Stop risking your life Nike!  Hindi ka bayani. " galit na din na wika nito na lalong ikinainis ko.

"Can you just stick to the plan?!  Hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko, so please enough! " galit na na wika ko dito.

Damn it!  Minamaliit niya ba ang kakayahan ko dahil sa hindi ko siya naprotektahan noon?
Bullshit!

"Nik---"

"Tama na Max. " awat ni Eireisone dito.

"Eirei. " may babala sa boses ni Max pero hindi ito pinansin ng pinsan.

"Alam ni Nike ang ginagawa niya.  Huwag mo siyang pangunahan dahil matagal ng umiikot ang buhay siya sa mundong ito." matalim na sagot nito sa Pinsan na ikinatahimik ni Max at ng buong silid.  Masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Max ng naupo ito na sinuklian ko din ng matamis na ngiti.

Eirei and I both know how to shut him up.  Maliban sa amin ni Eire ay wala ng nakagagawa ng bagay na iyon.

"Proceed with the plan Carter. " wika nito kay Carter.

"Ang iba, alam na ninyo kung anong gagawin ninyo. Naibigay ko na kanina ang pasikot sikot kung saan naroon ang Lycons. Lahat ng pinto ay si Erhen ang bahala kaya ano mang oras ay maari tayong makapasok. " Carter said. 

"Siguraduhin ninyong walang masasaktang inosenti lalong lalo na ang mga hostages. Ara, Sebastian, at Ford kayo ng bahala kay Lance.  Alam niyo na kung saan siya makikita. " dagdag pa ni Clymene na ikinatango ng mga ito.

"Tapos na ang plano kinakailangan na lang nating mag handa.  May dalawang araw pa tayo para pag aralan ang bawat galaw natin at ng sindikato. CHAIN will be staying here for a while hangang sa araw ng pag ataki. "wika nito.

"Dumating na ang iba pang kakailanganin natin. " wika ni Eireisone na hawak ang telepono niya kasabay nito ang pagpasok ni Chaos.

"Hey.  Wanna check it? " nakangiting wika nito ng makapasok sa silid ng pinagpupulungan. 

"Shit. I want see it. " nakangising wika ni Naevius bago ito sumunod kay Chaos na sinundan naman ng iba pang agent at iba pang miyembro ng CHAIN.

Tanging ako, si Clymene, Carter, Eiresone, Max, Styx at Erebos lang ang naiwan sa loob.

"
Sigurado ka bang magiging ligtas ka sa gagawin mo Villaruel? " wika ni Max na nakaupo habang nakatingin sa kawalan.

"Max, stop asking. " Eiresone said.  Mukhang naasar nadin ito sa pinsan.

"I'm just asking Eirei." matabang na wika nito.

"Yes.  I will. " sagot ko.

"Better be. " wika nito bago tumayo at lumabas ng silid.

"Pagpasensyahan mo na,  nag aalala lang siya. " wika ni Eirei ng nakangiti.

Why would he even worried? Wala namang dahilan para mag alala pa siya akin.

"Let's check the different fire arms at anng iba pang kailangan natin. " aya ni Clymene. 

"Eireisone. " bangit ni Carter sa pangalan ni Eirei dahilan para mapatigil kami sa paglalakad.  Maging si Erebos ay nagtaka din.

"May i talk to you for a while?" wika nito.  Kumunot ang noo ni Eirei bago tumingin sa amin.

"Let's go. " si Clymene na ang nagsalita ng mapansin nitong wala sino man sa amin ang balak magsalita.

"Susunod na lang ako.  Tell Chaos na may kakausapin lang ako. " bilin nito sa amin bago kami lumabas. 

Maging ako ay nagtaka kung bakit gustong makausap ni Carter si Eireisone.  Kanina din nung dumating ito ay si Eireisone agad ang hinanap nito. 

Tinignan ko si Clymene na nasa tabi ko. Alam kong maging siya ang nagtataka din pero walang mababakas na pagtataka sa mukha nito.  Clymene is great pagdating sa pagtatago ng totoo niyang emosyon.

"May kakausapin lang ako sandali. " wika ni Clymene bago ito humiwalay sa amin.

"Styx! " hiyaw ng isang lalaki mula sa likuran namin.

"Oh God!  Have mercy on me! " wala sa sariling wika ni Styx bago ito tumakbo na sinundan ni Tres na tumawag dito.

Parang aso at pusa talaga ang dalawang yun.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now