Chapter 6

401 18 0
                                    

Nike's POV

Matapos akong makapag ayos ng nga gamit ay dumiretso na ako sa address na ibinigay ni Max.Kaunting gamit lang ang dinala ko dahil maaari naman akong umuwi o kaya magpakuha sa assisstant ko kung kukulangin man. 


"Bakit kailangang ihatid pa kita? Ang dami-dami mong sasakyan marunong ka namang mag drive pero nagpahatid ka pa sa akin." reklamo ng nakababata kapatid kong si Klaus na tila inaantok pa. My parents owns a car business, since ng mamatay ang mga ito ay iniwan nito ang business nila sa akin na pinalago ko naman.


"I can't bring my car dude and please wag kang reklamo nang reklamo or else I'll cut your allowance for a month." asik ko dito.


"Ang sabi ko nga. Saan nga po tayo pupunta, kamahalan?" mabilis na nag-iba ang mood nito.Takot naman pala mawalan ng allowance.23 years old na ang kapatid ko at nasa huling taon na bilang marine engineer. Limang taon ang tanda ko dito.Simula ng mawala sina mama ako na ang tumayong nanay at tatay sa kanya.Gusto rin sana nitong maging miyembro ng organisasyon pero pinagbawalan ko ito.Alam ko kung gaano kadelikado ang bawat misyong ginagawa namin ayokong mapahamak siya dahil lang sa pag pasok niya rito.

Ibinigay ko dito address na ibinigay ni Max kagabi.


"Lalaki ba ang client no ngayon,ate? " tanong nito mula sa kawalan.

"Yeah."

"Magiging bodyguard ka niya? "He asked again.


"Right.May malaking banta sa buhay niya kaya kinakailangan niya ng proteksyon galing sa organization namin." i answered.

"Don't tell me you're dealing with Lycon's Syndicate again?" He said in disbelief.

Alam ni Klaus ang mga bagay tungkol sa organisasyon namin at wala ako sa kaniyang itinatago maliban na lang sa mga bagay na hindi talaga maaaring ipaalam sa kaniya.


"Then i won't tell you. " sagot ko rito na ikinasimangot nito.


Napangiti ako. Alam kong nag-aalala ito sa akin at sa misyong mayro'n ako.

"Huwag mo ng alalahanin ang trabaho ko.Just focus on your studies,  gusto kong umakyat ng stage kapag nakapag tapos ka na." nakangiting sabi ko rito. Ngumiti ito sa akin at tumango.



"Anyway,  I'll be staying with my client for a month or so. Hangang sa mahuli ang sindikato.Ikaw ng bahala sa bahay,just call me kung magkakaroon man ng problema." Bilin ko dito at tumango naman ito bilang sagot.


"We're here." imporma nito
Lumabas muna ito at pinagbuksan ako ng pinto.


"Take care Ate and Good luck. " masayang sabi nito bago ako niyakap at hinalikan sa noo.


"You too.Huwag kang pasaway kina Yaya kung hindi babatukan talaga kita." banta ko dito na ikinangisi lang niya nago tuluyang pumasok ng sasakyan at umalis.


Eksakto namang pagkaalis ni Klaus ay ang paglabas ni Max mula sa pintuan ng bahay nito. 


"You're fifteen minutes late Miss Villaruel. Alam mo bang isa sa pinaka ayaw ko ang nalalate? " sita nito sa akin.


"And who's that? Boyfriend mo?" dagdag pa nito.


My brows furrowed,"I'm sorry Sir.Na traffic lang ako." sagot ko at hindi pinansin ang huli nitong tanong. 
Hindi na drn ito nag tanong pa at pinapasok na ako sa loob.


"Next time set aside your personal life. Nandito ka dahil binigyan ka ng misyong bantayan ako.Kung ayaw mo sa trabaho mo sabihin mo na ng mas maaga pa.Kaya kong maghanap ng ibang seguridad sa ibang agency." walang emosyong sabi nito.


"It won't happen again,Sir." simpleng sagot ko. Gustuhin ko mang sagutin ang sinabi nito ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Nangako ako kay Clymene at Eireisone na tatapusin ko ang misyon ito at isa pa ayokong magkaro'n ng bad record sa Nostalgia dahil lang sa ugali ng gagong 'to.

"Dalhin mo na ang mga gamit mo sa guest room. And please hurry dahil malalate na ako sa meeting ko dahil sa kahihintay sayo." dagdag pa nito bago ako tinalikuran.


Sinamahan naman ako ng isa sa mga maid nito sa guest room at nagmamadali akong bumaba dahil paniguradong magagalit na naman ito kapag nag tagal ako.


"Lance is still in Greece.Ikaw muna ang mag drive ng sasakyan." utos nito sa akin.



Hindi ako nagreklamo at sinunod ang gusto nito. Pinaandar ko ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa opisina niya.



"Sir, naghihintay na po ang board members sa meeting room." bungad ng assisstant secretary nito sa kanya.
Mababakas sa mukha ni Max ang iritasyon dahil sa pagkahuli nito sa meeting. And it was my fault. 



Well, i didn't ask him to wait for me or sana tinawagan niya ako para hindi na ako naghintay na magising pa ang kapatid ko at nag commute patungo sa bahay niya.



If he's mad then be it. I won't say sorry, not even once.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now