Chapter 15.

340 12 0
                                    

"We're here. " wika ni Lance ng huminto amg sasakyan sa isang bahay.  Mapapansin ang kakaibang estruktura nito na tila hinango sa mga bahay noong panahon ng pamamayagpag ng Europe. Simple lang ito ngunit makikita ang bawat detalye na mahilig ang owner sa mga estruktura noon.  Pagpasok mo sa loob ay tila nasa isang museo ka dahil sa mga artifacts at iba pang mga bagay na makikita mo ilang dekada na ang nakakalipas.  Sa isang sulok ay makikita ang isang tila library na naglalaman ng ibat ibang makalumanh libro maging mga usong libro ngayon. 

"Wow. " hindi ko mapigilang humanga sa nakikita ko sa loob ng bahay.

"It is quite unique right?"  Nagulat ako ng biglang magsalita si Max sa likod ko. 

"Yeah.  Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong bahay." sagot ko habang inililibot ang mga mata ko sa buong bahay.

"Isa siyang archeologist and historian kaya hindi ka na nakakapagtaka na pati ang bahay niya gawing niyang pang sinaunang panahon.  Mabuti na nga lang at hindi niya ginawang imbakan ng mga buto ng sinaunang tao itong bahay niya. " pagbibiro ni Lance na binato lang ni Max ng hawak nitong damit na ikinatawa ni Lance.

Malapit nga talag sila sa isat isa.

"Shut up Lance! " asik nito sa lalaki na ikinatawa lang nito.

Agad namang naputol ang pag uusap usap namin ng may mag doorbell sa labas mg bahay na agad namang pinuntahan ni Lance.

"Miss Nike may naghahanap sa iyo sa labas. " wika ni Lance ng makabalik ito.  Baka ito na ang mga gamit ko na ipinadala ni Clymene.  Agad naman akong nagtungo sa labas kasunod si Max at naabutan ang isang lalaking tila bagot na bagot.

"Sabi ni Clymene kapag hindi ko ito naibigay sayo within 58 minute's ay hindi niya ako bibigyan ng misyon for 1 year. " nakabusangot na wika ni Aelous. Isa sa mga magaling na lalaking agent ng Nostalgia, kapatid din ni papa ang ama nito kaya naman ay pinsan ko ito.

"Well, kilala mo siya. May isang salita ang taong iyon.  Anyway, thanks. " sagot ko dito. Tumango lang ito at walang pasabi sabing tumalikod at sumakay sa sasakyan nito bago pinaharurot paalis ang sasakyan.

"Who is he? " tanong ni Max na nasa likuran ko.

"Aelous. Isa sa agent ng Nostalgia. " sagot ko at sinimulang buhatin ang mga gamit ko. 

"Hayaan mo na yan.  Si Lance na ang bahala sa mga gamit mo. " wika nito.

"No. Kaya ko naman. "

"Then let Lance help you. " pagpupumilit nito na hindi ko na pinigilan sa gusto.

"bakit kaya hindi ikaw ang mag akyat niyan? Utos ka ng utos. " balik na sagot ni Lance dito na ikinatawa ko.  Sinamaan lang ito ng tingin ni Max at nag simula ng iakyat ang mga gamit ko. 

"I'm hungry Lance.  Bumili ka nga ng makakain natin. " utos ni Max kay lance matapos naming maiakyat ang mga gamit ko. 

" I'm hungry Max.  Bumili ka nga ng makakain natin. " pang gagaya ni Lance dito habang naka upo sa sofa.

"Lance!! " hiyaw ni Max dito habang pinagbabato ng unan si Lance.

"I'll cook. " sabat ko sa usapan ng dalawa.   Agad namang tumingin ang dalawa sa akin na may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"what? " they asked in chorus.

" I said i'll cook.  May laman ba ang ref ninyo? " tanong ko dito at naglakad papunta sa ref nito.

"Ops.  wala ata akong maluluto dito. "  natatawang wika ko at humarap sa dalawang lalaking ngayon ay nagmamadaling tumayo. 

"Let's buy some ingredients. " suhestyon ni Max na agad naming tinutulan ni Lance.

"Hindi ka pwedeng lumabas lalo na ngayong gabi na.  May i just remind you Max na may banta ang buhay mo. " babala ni Lance dito.

"He's right.  Alam mong kailangan mong mag ingat sa bawat galaw mo. Hindi natin alam kung ano ang maaaring gawin ng sindikato sayo.  " sang ayon ko. 

"Ako ng bahala sa mga groceries ninyo.  I'll call someone to buy at bayaran na lang natin siya. " suhestyon ko dito na agad naman nilang sinang ayunan.  Agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Styx.

Makalipas lang ang isang oras ay dumating na ang inutusan ni Styx para sa mga groceries na binili at agad kong inihanda ang mga gagamitin sa lulutuin ko.

"Dinner is ready. " tawag ko sa dalawang lalaki na tutok sa panunuod.  Daig pa ng dalawa ang mga batang ginutom ng isnag linggo dagil sa bilis ng mga itong kumain at halos maubos ang aking mga niluto.

"Delicious! "

"I'm full. "

"You should cook again Miss Nike. " wika ni Lance na nginitian ko lang. 

" Can i ask a question? " pag iiba ko sa usapan namin at binalingan si Max.  Tumango naman ito.

"Kailan mo pa nalaman na pagbabanta sa buhay mo? " tanong ko ng seryoao dito.  Kailagan kong malaman lahat ng detalye upang masiguro ko ang kaligtasan nito

"A month ago.  Noong una ang akala namin ay isang biro lang iyon hanggang sa dumating sa point na they almost killed me. " Max said

"Kung hidi agad nakaiwas si Max sa sasakyang balak siyang sagasaan ay siguradong patay na siya ngayon. " dagdag pa ni Lance.

"A week after that incident,  may nagpasabog ng sasakyan ko noong nasa Greece ako kasabay nun na tumawag ang di ko kilalang tao. He said na kapag hindi ibinigay ng tatay ko ang gusto niya ay papatayin ako nito.  " wika nito habang nakakuyom ang mga kamao habang tahimik lang akong pinapakinggan ang mga sinasabi nila.
" Maraming koneksyon ang tatay ko mula sa matataas na tao. Marami din siyang ari arian. Isnag rason kung bakit gusto ng sindikato na magkaroon ng shares sa mga kompanya niya para maging mas mapadali ang operasyon at mapalawak at mapayaman ang sindikato nila.  Ginamit nila ako para mapapayag ang tatay ko dahil alam nilang ako na lang ang nag iisang legal na anak ng Head ng mga Sandoval.  Bukod duon ay matagumpay na din ako sa mga business ko kaya humihingi din sila ng malaking pera sa akin upang hindi nila ako patayin, bagay na hinding hindi ko gagawin.  Sapat na ang koneksyon ko at ng tatay ko para mapanatili ang seguridad ko. " mahabang wika nito.  Tumango tango ako sa mga sinabi nito bago nagsalita ng mga maaaring gawin.

"Kailangan kong makita lahat ng schedules mo ngayon at sa mga susunod pang buwan from meetings, events at lahat ng bagay na gagawin mo na labas sa bahay mong ito. Kailangan masigurado natin na ligtas lahat ng pupuntahan mo. " sabi ko dito na naintidihan namin nito kaagad.

"Lance,  ibigay mosa kanya lahat ng schedules ko. " utos nito kay lance na agad naman nitong sinunod.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now