Chapter 19

319 12 0
                                    

kinabukasan ay maaga akong nagising dahil hindi naman ako halos nakatulog dahil sa pag iisip ko ng mga nangyari kagabi.
Dumiretso ako sa kusina at naabutan dito si Lance na naghahanda ng kape niya.

"Good morning Miss Nike " bati nito.

"Good morning.  Tulog pa ba siya?" tanong ko dito.

"Probably.  Lasing na lasing siya kagabi. He keep saying that you two kissed." painosenting wika ni Lance na ikinaubo ko. 

"He's really drunk para gumawa ng mga kwento na hindi naman nangyari. " sagot ko dito habang naghahanda ng aming almusal. 

"He almost kissed me last night Miss Nike.  Inaakala niya ata na ako ikaw.  Kamuntikan ko na siyang masuntok kung hindi lang lasing ang gagong yun. " nandidiring wika nito na ikinatawa ko. 

"but he seems happy. Are you sure na walang nangyari kagabi bago kayo umuwi? " nanunudyong tanong nito na tila may gustong marinig mula sa akin.

"nothing. Naabutan ko lang naman siyang nakikupaglandian sa mga babae sa bar kagabi. " sagot ko.

"tapos anong ginawa mo? Did you slap him?  o baka sinabunutan mo yung mga lumalandi sa kanya? " parang batang wika nito sa akin na humihingi ng sagot sa mga tanong niya.  Parehong pareho talaga sila ng boss niya puro kalokohan ang nasa isip.  Naiiling na lang akong pinagmasdan ito at hindi sinagot ang tanong. Bagkus ay nagsimula ma akong lutuin ang breakfast namin.

"Miss Nike!  ano na? What did gou do? " pangungulit padin nito.  Nakikita ko sa kanya si Klaus,  my younger brother na hindi tumitigil hangat hindi nasasagot ang mga tanong niya.    Mas matanda lang siguro si Lance dito ng tatlong taon.  Kumusta na kaya ang batang yun?  Ilang linggo ko na din siyang hindi nakakausap.

"Miss Nike! " hiyaw ni Lance na ikinagulat ko. 

"Shut up Lance!  Go.  Wake him up bago pa ako maasar sayo at hindi ka pakainin.  " pananakot ko dito na ikinasimangot nito.

"Fine Fine.  Siya na lang ang tatanungin ko.  " sagot naman nito.

"And by the way." lumingon muna ito bago nakangiting nagsalita.

"I saw how happy he was. Kahit lasing siya alam kong masaya siya.  So,  I'm asking you a favor.  Please dont avoid him again baka tuluyan ng mabaliw ang gagong iyon kapag iniwasan mo pa ulit.  Ayoko kong magkaroon ng baliw na boss just so you know Miss Nike. " wika nito bago ako tinalikuran. 

'Hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko ngayon Lance,  pero sa ngayon I'll do my best para maprotektahan at mapasaya siya. '

Nang matapos akong magluto ay inihanda ko na ang aming almusal.  Makalipas din anh ilang minuto ay bumaba na ang dalawa habang nag aasaran. 

"You punk!  muntik mo na akong halikan kagabi makakadiri ka!" hiyaw ni Lance dito habang inaalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Max.

"Really?  Dapat manghinayang ka dahil kung nagkataon natikman mo ang mala mansanas kong labi. " pang aasar ni Max dito na halos yakapin na si Lance na nagpupumiglas.

" Get Off Max! Mandiri ka sa mga pinagsasabi mo. " asar na wika ni Lance na lalonh ikinatawa nito.

"Matamis naman talaga ang labi ko diba Nike? " nakangising wika nito habang nakatingin sa akin na ikiinit ng mukha ko..  Nanlalaki naman ang mga matang tumingin si Lance sa akin.  Hinilot ko ang sintido ko dahil sa takbo ng usapang ito. 
damn.  Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now