Chapter 18

7K 92 7
                                    

EIGHTEEN


Third week of September ngayon and sa Monday na namin gagawin yung Ibong Adarna. Today is Saturday and ngayon yung magiging last practice namin. Hindi ko na sila pinag-practice bukas para naman makapagpahinga sila before the day of our perfomance. Sa school ang venue namin ngayon since yung teacher namin sa Filipino ang nagpaalam sa mga guards na sa school kami magpa-practice.

Walang pasok si Daddy today and he asked me na ihahatid na daw niya ko sa school. Siyempre hindi na ko pumayag. Hayaan ko na lang magpahinga si Daddy and magkaroon naman sila ni Ate ng bonding time sa bahay. 1:00 yung time ng practice namin. Dapat 2:00 yun pero sure naman ako na pag sinabi kong 2:00, 3:00 na sila dadating. Hay, mga pilipino nga naman. 12:45 umalis na ko ng bahay. Nag-taxi na lang ako since, hindi naman ganun kalayo yung school sa bahay at para mabilis akong makarating. Baka kasi pag naglakad ako eh pagdating ko dun, pawis at hingal na ko.

Pagdating ko sa school, binati ko agad yung mga guards. Binati rin naman nila ako. Ang tahimik ng school. Wala kasing tao. Feeling ko, ako lang ang tao sa mundo. Ang tahimik. Nakakabingi. Sarado yung mga rooms and yung canteen pati library. Basta sarado lahat except lang sa practice room kung saan kami magpa-practice. Malayo pa lang ako nakita ko na na medyo nakaopen yung door kaya alam kong may tao na. Pero hindi pa maingay. Meaning baka isa o dalawa pa lang yung tao. Habang papalapit ako, may naririnig akong nag-uusap. Nagtatawanan sila. Binuksan ko yung pintuan and I saw them.

Zayn and Patricia.

Ewan ko pero parang biglang nainis ako. Hindi ko alam kung bakit. Napatingin naman sila sa'kin.

"Kayo pa lang?" I asked.

" Wala pa yung iba eh." Zayn said.

Umupo na ko sa tabi ni Pat. Nung dumating ako biglang tumigil sila sa pag-uusap. Bigla silang tumahimik. So? Did I ruin their moment? Tss. I broke the silence.

"Kanina pa ba kayo nandito?"

"Well, maybe mga 15 minutes. Sabay kaming dumating." Patricia said.

"Ahh."

Nagsalita ako nang nagsalita dun at kinwentuhan ng kung anu-ano si Patricia. Basta nag-usap lang kami ng nag-usap about random things. Si Zayn naman, tahimik lang sa tabi. I know, na o-op siya.

"Bibili lang ako ng pagkain sa labas. Babalik ako agad." he said coldly. Pagkaalis niya, nagsalita naman si Patricia.

"Ayan... umalis tuloy. Kawawa naman si Zayn. Dapat kasi sinali natin siya sa conversation natin. Na-op ata."

"Ano bang pinag-uusapan niyo kanina? Nagtatawanan pa kayo."

" Not that important. Kung anu-anong bagay lang. Hindi pala siya boring kasama noh? Ano bang kinaiinis mo sa kanya Sophia? Eh mukhang okay naman siya. He's fun, hindi boring, comfortable kasama and—"

"Edi kayo na magbest friends. Sorry for ruining your oh-so-sweet-and-happy-conversation." I told sarcastically while rolling my eyes. I can sense bitterness in my voice. TEKA, BAKIT AKO NABIBITTER?!

"Grabe ka. Ito naman. Sinabi ko lang na mabait yung tao, nagselos ka na. Kayo pa rin naman nila Yssa and Toni ang best friends ko noh."

Di nagtagal nagdatingan na din yung iba. Hanggang sa naging complete na kami. I looked at my watch. Psh. It's already 2:10 sabi ko na nga ba eh. 1:00 ang usapan, anong oras na sila nagdatingan.

"Okay guys, before tayo mag-start mag-practice, count muna tayo."

"1"

"2"

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now