Chapter 34

5.1K 80 12
                                    

THIRTY-FOUR


Yung nakita ko?

Si Ken.

Kasalukuyang tinotono niya yung gitara niya pero nung nakita niyang nandun na ko, tumingin siya sa'kin at ngumiti. Nagsimula na siyang magstrum sa gitara niya.

"Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka."

Bakit ganun? Parang unang phrase pa lang ng kanta gusto ko na siyang patigilin.

"Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkakandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba."

Pilit kong pinipigilan yung emosyon ko. Pinupunasan ko na din ang mga luha ko bago pa sila tuluyag tumulo.

"Meron pang dalang mga rosas suot nama'y maong na kupas at nariyan pa ang barkada nakaporma nakabarong sa awiting daig pa ang minus one at sing along."

I can't handle my feelings anymore. Tuluyan ng bumagsak yung mga luha ko. Hindi ko na sila mapigilan.

"Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin. Sa'yong tigin ako'y nababaliw giliw. At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso. Sa isang muting harana para sa'yo."

Tumayo na si Ken at lumapit sa'kin. Pinunasan niya yung luha sa pisngi ko.

"Wag ka na umiyak. Nagulat ka ba? Sinunod ko lang yung advice mo. Tatapusin ko pa sana yung kanta pero di ko kayang tingnan na umiiyak ka." Sumenyas siya kay Dann na iabot yung isang malaking teddy bear at yung chocolates pati bouquet ng flowers. "Alam ko naman na di mo 'to kayang bitbitin lahat. Mamaya na lang pag-uwi natin?"

Niyaya ako ni Ken sa rooftop. Umiiyak pa din ako pero hindi na kagaya ng kanina. Mas mahinahon na ko. Ilang minutes na kami dun pero di pa din ako nagsasalita.

"Uy." Tawag sa'kin ni Ken. Di ko pa din alam yung sasabihin ko. Ayoko siyang saktan. Ayokong saktan yung best friend ko.

"Bes magsalita ka naman diyan." Di pa din ako umiimik.

"Sophia galit ka ba? Uy."

"Ken... bakit? Bakit ako?"

Tumingin siya sa'kin ng nakangiti.

"Hindi ko din alam. Basta mahal kita Sophia. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ko pabalik. Pero sana... bigyan mo ko ng chance."

"Bata pa tayo." Diretso kong sagot sa kanya.

"Alam ko. Handa naman akong maghintay."

"Pero Ken..."

"Sophia nagmahal na ko noon. Naranasan ko nang masaktan. At ikaw yung tumulong sa'kin para makalimutan ko yun. Mahal kita."

Sa sinabi niya mas lalo akong nasaktan.

"Pero Kenneth ayaw din kitang saktan."

"Kung kinakailangan kong maramdaman ulit lahat ng sakit na naramdaman ko noon, ayos lang. Willing akong masaktan sa pangalawang pagkakataon."

"Ken naman eh." sa mga sinasabi niya napaiyak na naman tuloy ako.

"Ano ka ba. Wag ka nang umiyak. Ayokong umiiyak ka." Pinunasan niya ulit yung pisngi ko at nagulat ako dahil... hinalikan niya ko... sa noo.

"I love you Sophia. Happy Valentine's Day. Mahal na mahal kita." Sabi niya sabay ngiti sa'kin.

Hindi naman nagtagal umuwi na din kami. Bawal na kasi magstay sa school kapag 6 o'clock na. Since hindi ako masusundo ni Dad, nag-offer si Ken na ihatid na ko. Siyempre tumanggi ako. Pero mapilit siya kaya wala na din akong nagawa.

Pag-uwi ko nang bahay walang tao. Naalala ko na may date nga pala ang parents ko at sa tingin ko may date din si Ate at si Kuya Michael. Gusto pa nga ni Ken na samahan muna ko pero tumanggi na ko. Sabi ko magpapahinga na ko.

Pag-akyat ko sa kwarto ko lumabas na naman. Yung mga emosyon at luha na kanina ko pang pinipigilan. Hindi ko alam kung bakit ganito. Diba nga dapat kiligin pa ko? Pero hindi eh. Imbis na matuwa ako lalo lang akong naiiyak. Sa mga sinabi at ginawa ni Ken lalong bumigat yung puso ko. Ayokong masaktan pero ayoko ding makasakit. Lalo na at si Ken pa. Mahalaga siya sa'kin. Mahal ko siya, bilang kaibigan. Bilang best friend lang.

Buti na lang Friday ngayon. Dahil kung may pasok bukas hindi ko alam kung paano ko pa sila haharapin. Ang mga bestfriends ko, si Ken, si Zayn, at ang sarili ko.

Isang araw lang pero ang daming nangyari. Naaalala ko na naman lahat. Mula sa panghaharana ni Zayn kay Patricia hanggang sa pag-amin ni Ken sa'kin. Di ko na alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ilang oras pa kong umiyak basta ang alam ko, nakatulog na lang ako ng di ko namamalayan.


Sana panaginip lang 'to. Para pag gising ko, makalimutan ko na 'to lahat. At mawala na ang sakit.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now