Chapter 37

5.1K 99 11
                                    

THIRTY-SEVEN


"Sophia, why are you crying?"

Nagulat ako sa sinabi ni Rico at nataranta din ako kaya napahawak agad ako sa pisngi ko. And voila! Basa. Umiiyak na nga ko ng hindi ko namalayan.

"Ah. Na carried away lang. Ang ganda kasi ng kanta eh." Nakangiti kong sagot pagkatapos kong punasan yung luha ko. Hindi naman nagtagal lumabas na din si Sir. Bukas na lang daw magpeperform yung mga classmates kong hindi pa tapos dahil wala nang oras.

Bumalik na ko sa upuan ko. Pagkaupo na pagkaupo ko eh dinumog ako ng mga classmates ko. Tinatanong nila kung nakakarelate daw ba ko sa kanta at kung may lovelife na daw ba ko. "Nadala lang talaga ko. Ang ganda kasi ng kanta." Sabi ko sa kanila. Di naman nagtagal tinigilan na din nila ko at dumating na din yung teacher for the next subject.

Nung breaktime naisipan ko na sa room na lang kumain. Nagbaon kasi ako para in case na tamarin akong pumunta ng canteen.

"Be, tara kain na tayo."

"Maya na bebe ko. Baka hindi ako kumain. May gagawin pa ko eh. Sama ka na lang sa mga kaibigan mo." Nakangiti niyang sagot kay Patricia.

Umalis na si Pat kasama si Yssa at Toni. Nagpaalam pa nga sila sa'kin. Ang sweet nila noh? Hindi pa nga nagiging sila may term of endearment na sila. Kung wala lang akong feelings toward Zayn baka kinilig na ko.

"Pia. May tatanong ako." Nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Zayn.

Dugdug. Dugdug.

"Ano yun?" Walang gana kong sagot.

"Bakit ka umiyak kanina?"

"Nadala nga lang ako." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. Sa kabilang side kasi ako nakatingin kaya nakatalikod ako sa kanya.

"Pia. Uhh... may.... may gusto ka ba sa'kin?"

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"WALA." Diretso kong sagot. Kung alam mo lang... Zayn...

"Sigurado ka?"

Tumingin na ko sa kanya. "Oo. Alam mo hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo para sabihin na may gusto ako sa'yo. Dahil kung magkakagusto ko sisiguraduhin ko na ikaw ang huling tao sa mundo na magugustuhan ko."

"Oh. Relax. Masyado kang defensive. Nagtatanong lang naman ako eh."

"Eh pang out of this world kasi yang tanong mo."

"Pero... seryoso? Wala ka ngang gusto sa'kin?"

"Wala nga. Tigilan mo na nga ko." Sabi ko sabay tingin ulit sa bintana.

"Sophia... kung wala kang gusto sa'kin, bakit biglang nagbago yung pakikitungo mo after Valentine's Day? Bakit... iniiwasan mo ko?"

"Porket iniiwasan may gusto na agad?" Mataray kong sagot sa kanya.

"Edi inamin mo din na iniiwasan mo nga ko."

"Hindi kita iniiwasan. Busy lang ako."

"Busy? At saan naman? Dun sa Ken na yun?"

"Wala kang pakialam." Sabi ko sabay tayo.

"Teka... saan ka pupunta?"

"Sa CR. Nakakainis ka kasi kausap."

"Teka Sophia..."

Dugdug. Dugdug.

Hinawakan niya yung kamay ko. Kung pwede lang habangbuhay na lang niya kong hawakan. Gusto ko man, binawi ko din kaagad yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Baka kasi makita pa ng mga classmates ko at makarating pa kay Patricia. Ayoko namang kung ano pa ang isipin niya.

"Sophia please... wag kang ganyan. Magkaibigan naman tayo diba? Wag mo kong iwasan... masakit..." and with that tumulo na naman ang luha ko pero pinunasan ko din agad. Buti na lang hindi ko humarap sa kanya.

"Tama na Zayn." Mahina pero matigas kong sinabi. Di ko alam kung narinig niya. Pero malamang hindi. Kung yung malakas nga na tibok ng puso ko para sa kanya hindi niya marinig eh. Yung mahina ko pa kayang bulong?

Lumabas na ko ng classroom at nagpunta ng CR. Buti na lang walang masyadong tao. Naghugas ako ng kamay at binasa ko yung mukha ko. Pagkatapos tinitigan ko yung sarili ko.

"Kaya mo 'to. Malalagpasan mo din 'to Sophia. Hindi mo dapat hayaang agawin ng pag-ibig ang kaligayahan mo." Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko sa harap ng salamin. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong maging matatag.

"Wag mo kong iwasan... masakit..." naalala ko yung sinabi niya kanina. Masakit? Nasasaktan ba siya dahil umiiwas ako sa kanya? At bakit naman siya masasaktan? Mahal din ba niya ko? May nararamdaman din ba siya para sa'kin? Tss. Ano ba naman tong iniisip ko. At sinabi niya kanina na magkaibigan kami. Maliaw na malinaw. "MAGKAIBIGAN."

"Sophia can we talk?" Seryosong sabi sa'kin ni Patricia pagkapasok ko sa room. Kinabahan tuloy ako bigla.

"A-Ano yun? M-May sasabihin ka?"

"Yes. Tungkol kay Zayn."

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Biglang lumakas na naman yung kabog ng dibdib ko. Di ko alam kung dahil sa kaba o dahil narinig ko yung pangalan ni Zayn.

"A-Ano namang tungkol sa kanya?"

"Mamaya. Sa dismissal time."

"Sige." Sagot ko tapos bumalik na din siya sa upuan niya dahil dumating na yung teacher namin.

Hindi ako makapagfocus. Kinakabahan ako. Tungkol saan kaya yung sasabihin niya? Tungkol kay Zayn pa. Alam na kaya niya? Hindi. Pero ano... bakit... UGH. Malalaman ko din naman yun mamaya. Pero kinakabahan talaga ko.


Parang ayokong magdismissal.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now