Chapter 60

3K 64 3
                                    

SIXTY


"Hi." Umupo ako sa tabi niya. Nandito kami ngayon sa school garden. "Bakit mag-isa ka yata? Asan sila Pia?"

"Ayun nagpapagaling."

"Ha? May sakit si Pia?!"

"Bakit? Worried ka ba?"

"Natural—"

"Oh shut up Zayn."

"Pat... pati ba ikaw, galit din sa'kin?"

"Zayn, bestfriend ko si Sophia. Mahal kita pero mas mahal ko siya kaya nagawa kong magparaya. Nasaktan mo ko noon ng sobra at nagawa kong mapalagpas yun. Pero ngayon? Pati ang bestfriend ko? Eh para saan pa palang hinayaan kong maging kayo kung paiiyakin mo lang din pala siya?"

"Look, I know what you're thinking but you're wrong. Mahal ko si Sophia—"

"Kaya nagawa mo siyang lokohin? Kahit sa'kin hindi mo nabanggit yang Cleo na yan eh."

"Patricia, please. Hayaan niyo kong magpaliwanag. Hindi si Cleo ang mahal ko, si Sophia."

"Bullshits. Ewan ko ba sa inyong mga lalaki. Sasabihin niyo mahal niyo pero nagagawa niyo namang saktan at paiyakin. Anong klaseng pagmamahal yan? Walang silbi."

Nakita ko mula sa malayo na papalapit si Cleo. Mukhang nakita rin yun ni Patricia kaya tumayo siya.

"Hi!" Masayang bati ni Cleo sa aming dalawa. "Good Morning!"

Inirapan siya ni Patricia. "What's good in the morning if you're here?" Umalis na si Patricia. Binangga pa nga niya si Cleo eh. "Excuse me but you're blocking my way."

Tumingin sa'kin si Cleo. "She's Sophia's friend, right? Did I do something wrong? It seems like she's mad at me. Seems like Sophia's friends are mad at me." Umupo siya sa tabi ko.

"Nope. She's just like that. Don't worry about her. Uhm Cleo I'm sorry but I have to go. Let's just talk some other time." Umalis na ako sa garden at pumunta na sa room. Alam kong nasasaktan si Cleo. Ang daming nagagalit sa kanya kahit wala naman talaga siyang kasalanan.

Nagulat ako nang makita ko si Sophia na nasa classroom. Katabi niya si Ken. Lumapit ako sa kanila. "Sophia may sakit ka ba? Sabi kasi ni Patricia nagpapagaling ka daw eh."

"Ano naman sa'yo kung may sakit siya o wala? Nagawa mo na ngang lokohin at saktan eh. Wag mo sabihing nag-aalala ka pa sa lagay na yan?"

"Ken..." Siniko siya ni Sophia. "Ayos lang ako Zayn. Hindi mo kailangang mag-alala."

Hinigit ko siya sa braso niya. "Please naman oh. Kausapin mo ko Sophia. Makinig ka lang sa'kin, sapat na yun. Pagkatapos mong malaman ang totoo, hindi na kita pipigilan. Hahayaan na kita sa magiging desisyon mo."

"Ewan ko nga Zayn eh. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi."

Hinila ko siya palabas ng classroom. "Saan mo ba ko dadalhin Zayn? Baka dumating na yung teacher natin!"

Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat.

"Ano bang ginagawa mo?"

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. "Pia please. Makinig ka." Nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya at ganun din siya sa'kin. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Ibubuka ko na sana ang bibig ko...

"Burgess!" Napabitaw ako ng di oras kay Sophia nang biglang dumating si Cleo. "What are you guys doing here? Aren't you late for your class?"

"We're just talking." Sagot ni Sophia.

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now