Chapter 32

5.4K 83 14
                                    

THIRTY-TWO


"Sige na Bes, mag suggest ka na."

"Hindi ko nga alam Ken."

Nakakainis naman oh. Kanina si Zayn kinukulit ako sa classroom kung anong magandang way dahil balak na daw niyang umamin dun sa 'girl' na sinasabi niya bukas. Valentine's Day na kasi bukas. Eto namang si Ken nanghihingi din ng advice. Sus. Sa'kin pa nanghingi?! Malay ko ba sa mga ganyan?! Lalaki ba ko?! Ni ako nga wala pang love life eh!

"Sige na Bes please?" ang kulit ni Ken!

"Uhh. Kantahan mo. Haranahin mo. Bigyan mo ng surprise gift or handwritten na love letters. Yun na lang. Wala na kong maisip eh." pagkatapos nun bumalik na din kami sa kanya kanya naming room dahil malapit ng magtime.

Pagkadating ko dun, nilapitan ko ang mga best friends ko. Matagal-tagal ko din 'tong pinag-isipan and I finally decided. Sasabihin ko na sa kanila na may gusto ako kay Zayn. I mean best friends ko naman sila at may tiwala ako sa kanila. Hindi ko na din kasi kayang itago to eh.

"Girls I have something to tell you." sabay naming sabi ni Patricia. Huh? May sasabihin din si Pat? Ano kaya yun?

"What is it?" sabi naman ni Yssa at Toni.

"S- Sige mauna ka na Pat."

"Ha? Sige ikaw na Sophia. Hindi naman masyadong importante ang sasabihin ko eh."

"Ha? Hindi rin naman masyadong importante yung akin eh. Sige na ikaw na muna."

"Sige na nga. You know what girls, tutal Valentine's Day na naman bukas... I think it's the right time to tell you this. I think... I am falling for this guy. And medyo matagal tagal ko na din 'tong nararamdaman sa kanya."

"Who?! Kanino?!" sabay sabay naming sabi.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Naririnig ko na naman yung lakas ng tibok ng puso ko. Pero parang kakaiba 'to. Parang dahil to sa... kaba? Takot? Ewan ko...

"Zayn."

"What?! Really?! Omg Patricia! We're so happy for you!" sabi ni Toni.

Hindi agad nag sink-in sa utak ko yun. Si Pat? May gusto kay Zayn? Parang biglang lumubog yung puso ko. Yung gusto ko? Gusto din ng best friend ko? At dahil sa dumating na nga ang next teacher namin nagsibalikan na kami sa kanya kanya naming mga upuan. Sa sobrang saya nila para kay Patricia nakalimutan na din ata nilang may sasabihin din ako.

Buong araw na naman akong hindi makapag focus sa class. Sabi ng adviser namin pwede daw na di na kami masyadong magdala ng gamit bukas dahil half day lang daw ang class namin pero required pa din daw kaming pumasok for the whole day. Wala namang party. Ewan ko kung anong meron.

Sabi ni Ate every year daw may mga booth tuwing Valentine's Day.

Serenade booth- Kung saan pwede ka magpaharana sa mga magagaling kumanta sa school.

Gift booth- Magbabayad ka and kapalit nun ang mga school council ang magbibigay ng regalo mo para sa taong gusto mong pagbigyan.

Letter booth- Para din tong gift booth. Yun nga lang letters naman ang ipapabigay mo.

And last is wedding booth- Kung saan pwede kayong magpakasal kunwari ng bf/gf mo.

Mukha namang exciting pero ewan ko kung bakit parang ayokong pumasok kinabukasan. Parang may hindi kasi ako magandang kutob eh. Pero hindi naman pwedeng umabsent ako dahil lang dun.

***

Bumangon na ko mula sa pagkakahiga sa kama. Inayos yung hinigaan ko, nagtoothbrush, naligo, nagbihis, check ng gamit and bumaba na ko para magbreakfast.

"Dad? Nasan si Ate?"

"Sinundo ng boyfriend niya."

"Ahh. Oo nga pala. Valentine's Day ngayon."

"Oo anak. May dinner date kami ng Mommy mo later."

"Wow! That's so sweet Daddy!" Ang sweet naman ng parents ko! Ilang years na silang kasal at magkasama pero di pa din nakupas yung sweetness and love nila sa isa't isa. Sana pag nagkaasawa ko ganyan din kami. Pero masyado pang maaga para isipin ko yun.

Hinatid na ko ni Daddy sa school. Halos di din naman kami nagklase nung umaga. Tss. Mga dalawang teachers lang ata yung nagpunta sa room tapos may pinalecture lang na notes. Nung lunch, kumain kami ni Ken sa canteen. As usual.

"Bes handa na ko."

"San?"

"Aamin na ko sa kanya."

"Kanino?"

"Basta. Salamat sa advice mo ha. Mamaya sosorpresahin ko siya. Sana magustuhan niya yung gagawin ko."

"Nako. Ang swerte ng babae Bes. Sigurado ko magugustuhan ka niya. Gwapo kaya ng best friend ko." I gave him an encouraging smile.

After naming kumain aakyat na sana ko ng room nang nakarinig ako ng ingay. Nakatayo din lahat ng classmates ko at pinapaligiran nila si Zayn. Ano yun?

"It's her hair and her eyes today . That just simply take me away. And the feeling that i'm falling further in love makes me shiver. But in a good way."

Lah. May nakanta. Si Zayn? Anong pakulo 'to? Ah. Ngayon nga pala siya aamin. Sino kaya yung babaeng yun? Nagsimula akong kabahan.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"All the times i have sat and stared. As she thoughtfully thumbs through her hair. And she purses her lips, bats her eyes as she plays, with me sitting there slack-jawed and nothing to say coz i love her with all that i am."

Dugdug. Dugdug.

Papalit palit ang tingin niya sa'kin at sa gitara niya. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ako kaya yun? Para sa'kin ba yang kanta niya? Bakit sa akin siya tumitingin?

"And my voice shakes along with my hands. Coz she's all that I see and she's all that I need and i'm out of my league once again."

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Tinapos niya muna yung kanta bago siya tumayo at nagsalita. Tumingin muna siya sa'kin at pagkatapos, ibinalik niya yung tingin niya sa mga kaklase ko.

"Guys. I know na kilala niyo ko bilang si Zayn Bautista na pilyo. Maingay. Makulit. Hindi nagseseryoso. Unang beses ko 'tong ginawa para sa isang babae. And I want you to know that I am proud sa babaeng gusto ko. Di ko alam kung love na ba 'to but I don't care."

Nagsimulang magbulungan yung mga classmates ko. Siguro iniisip nila kung sino yung babaeng tinutukoy ni Zayn.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"And she's here. In this classroom. She's standing. In front of me." ibinalik na naman niya yung tingin niya sa'kin.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Patagal ng patagal lalong lumalakas yung tibok ng puso ko. Ako nga kaya yun? Nakaramdam ako ng kasiyahan. Lumakad na siya. Papalapit... papalapit.a. sa'kin... Omg. Eto na ba yun?


DOES HE LIKE ME TOO?


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now