Chapter 52

4.4K 86 9
                                    

FIFTY-TWO


Sophia's POV

"Niloloko mo naman ako eh."

Tumawa na naman siya. "Hindi. Yan nga talaga yung sagot diyan."

"Ewan nga sa'yo Zayn! Tingin mo sa'kin hindi ako nakikinig kanina sa discussion?"

"Nakikinig ka naman pala eh. Ba't tinatanong mo pa ko?" tumawa na naman siya. Kung di ko lang 'to mahal napikon na ko dito. Pero nakitawa na lang din ako sa kanya.

1 hour ago na kaming dismissed sa class. Kami na nga lang halos ang tao dito. Hindi ako susunduin ng driver namin. Sabi ko magtataxi na lang ako. May assignments kasi kami para bukas. Dito ko na lang ginawa para wala na kong gagawin pag-uwi ko sa bahay. Si Zayn hindi pa din umuuwi para daw sabay na kami.

"Uhm... Pia..." nilagay niya yung isa niyang kamay sa batok niya at yumuko. "Dun muna ko sa may parking ha. Antayin na lang kita sa mga benches dun."

"Huh? Uuwi ka na? Edi sabay na tayo." tatayo na sana ko para ayusin yung mga gamit ko pero pinigilan niya ko.

"No. Dito ka lang. Wag kang bababa at aalis dito hangga't hindi kayo nagkakausap."

"What? Hindi kita maintindihan Zayn."

"Basta." hinalikan niya ko sa noo. "Aantayin na lang kita dun. Dito ka lang ha. Antayin mo siya."

And with that, umalis na si Zayn habang naiwan akong nakatayo don na nakakunot ang noo. Ano bang sinasabi niya?

Umupo na lang ulit ako dun at tinuloy yung assignment ko. Hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag mula sa hagdan papasok sa room.

"Zayn niloloko mo na naman ako. Sabi mo aantayin mo ko sa baba. Halika na dito, tulungan mo ko sa physics. Matatapos na 'to oh. Medyo naguguluhan pa din kasi ako eh." sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin.

"Zayn ano ba." still no answer from him.

"Zayn—" Dugdug. Dugdug. Dugdug. Nagsimulang bumilis yung tibok ng puso ko... dahil sa kaba.

"K-Ken?" He smiled at me. "A-Anong g-ginagawa mo dito?"

Tumabi siya sa'kin. "Pinapunta ko ng boyfriend mo."

"B-Boyfriend? H-Hindi ko boyfriend si Zayn." sabi ko sa kanya ng hindi ako tumitingin. I don't feel comfortable.

"Well..." pinatong niya yung right foot niya sa left legs niya. Sumandal siya sa upuan at nilagay yung both hands niya sa batok niya. "I'm here to... rape you."

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Tumingin siya sa paligid. Lalo akong kinakabahan. "Since... tayo lang naman pala ang tao dito." He looked at me again and smirked even wider. "Tahimik..." he leaned closer to me. Habang ako lumalayo sa kanya. Gusto kong umalis sa room pero hindi ko maigalaw ang paa ko. Takot na takot na talaga ko. For the first time natakot ako kay Ken. Zayn... asan ka na ba kasi? Help.

Hinawakan ni Ken yung braso ko. Pumalag ako pero masyado siyang malakas at hinawakan niya rin yung isa ko pang braso. Sinandal niya ko sa pader. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. He looks serious. Hindi ko mabasa yung iniisip niya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya at natatakot ako sa titig niya.

Before I knew it, nagsimula na kong umiyak.

Nagbago naman yung ekspresiyon ng mukha niya nung nakita niyang umiiyak na ko. "Woah. Woah. Sophia. I'm sorry. I... I didn't mean to say that. That was... just a prank."

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now