Chapter 1

15.4K 198 29
                                    

ONE


Truth to be told, never pa akong naiinlove. What can you expect? Twelve pa nga lang ako eh. Pero crushes... siyempre meron. Hihi. Pero hindi rin naman din nagtatagal. Kung may nagtatagal man, panigurado yung sobrang unreachable. Mga tipong Daniel Padilla, Sean O'Pry o Brad Pitt. Basta.

Hinatid na kami ni Daddy papasok sa school. Magiging schoolmates na naman kami ni Ate Liane. First year ako at siya naman ay graduating na. Hindi ako mapakali nasa sasakyan pa lang. Sobrang aga ko ring gumising. Hindi naman halatang excited ako noh?! Sino ba namang hindi?!?

First day high.

OMG. This.Is.It. I am officially a high-school student!!!

You take a deep breath as you walk through the doors it's the morning of your very first day..

Naiimagine ko pa na isang telenovela ang buhay ko at nagpplay sa background yung kanta ni Taylor Swift na Fifteen.

Nasa hallway pa lang ako, nakita ko na agad yung childhood best friends ko na sina Patricia and Toni.

"Sophia!!!" they hugged me.

"Hello Girls!" I hugged them back.

"OMG! High-school na tayo!"

"I know right. Where's our room?"

"Tara. Dun tayo sa second floor."

Pumunta na kaming tatlo sa room. Maaga pa lang pero marami ng tao. Siyempre. Pag-first daw lang naman masisipag pumasok ang students eh. Habang inaayos pa ng adviser namin yung seat plan, nagdaldalan lang muna kami.

"Okay class. Since it's already 8:00 and I guess, all of you are already here, I'll arrange your seating arrangements."

Sabi ng adviser namin na hindi ko pa alam ang pangalan. Matapos ang pag-aayos ng seating arrangements (at sa kasamaang palad ay wala akong katabi), ay nagpakilala na kami sa harap isa-isa tapos, nagpakilala na ang adviser namin.

"I'm Mrs. Cruz and I will be your adviser. I'm a kind teacher and I've been teaching the students of this Academy for more than ten years. I'm kind if you're a good student, but don't expect me to give you a high grade if you're lazy. I hate lazy students."

Matapos ang paglilitanya ng teacher ko, eh next subject na. Hahaha! Ang bilis. Nung mga sumunod na subjects wala naman kaming ginawa. Puro nagpakilala lang yung mga teachers. Hinintay ko na lang maglunch time dahil kanina pa ko ginugutom.

"Toni, Sophia, tara na, punta na tayo sa canteen."

"Ibili niyo na lang ako. Tinatamad akong bumaba."

Pagkatapos kong sabihin yung gusto kong pagkain at pagkababa nila Toni at Patricia, yumuko lang ako sa desk ko. Hay. Nakakaantok. Mga 5 minutes na ang nakalipas hindi pa rin nakakabalik sa room yung dalawa. Asan na ba yung mga yun? Ganun ba kalayo ang school canteen namin sa room namin? Hindi naman siguro sila tatawid ng bundok diba? Ugh! Asan na ba yun? Nagugutom na ko!

Bumaba na ko at pumunta sa canteen. Medyo malaki ang school kaya hindi ko pa kabisado ang pasikut-sikot. Buti na lang may map ako ng school sa handbook ko. Naglalakad ako nang biglang...

"ARGH! Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Are you blind or something?!"

Isang lalaki ang nakabangga sa'kin.

Wow great. What a typical situation in a typical love story.

Di bali nga sana kung bangga lang pero tumapon sa uniform ko yung tray niya. Kaasar! May sabaw pa naman yung ulam niya. Pati yung juice niya, natapon din sa'kin.

"S-Sorry m-miss. K-Kasi nagmamadali po ko eh. P-Pasensiya na po talaga."

Pagkatapos nun, kumaripas na siya ng takbo. Ano ba yan? Ganun na lang yun? Paano yan? Wala pa naman akong dalang extra clothes! Arghhhh!!! Asar akong naglakad pabalik sa room namin. Takot akong mapagtinginan pa ng ibang students dito. Baka kabago-bago ko pa lang eh, mapahiya na agad ako. 1st year pa man din ako! Kaso pag-akyat ko sa room nagulat ako ng andun din siya. At nakaupo pa siya sa vacant chair... sa tabi ng upuan ko.

"Excuse me? Bakit ka nandito?" I told him with crossed arms at tinaasan ko siya ng kilay. Pero bago pa siya nakasagot ay dumating na si Toni at si Patricia.

"Hey Sophia, eto na yung pinabili mong--oh? New friend?" Toni said while she had her evil smile on her face.

"What happened to you Sophia? Bakit basa yung uniform mo?"

"Eh kasi naman Patricia, may nakasalubong akong BULAG kanina." I emphasized the word 'Bulag'. "Kaya ayun! Natapon sa'kin yung pagkain niya at ni hindi man lang siya nag-sorry." sabi ko habang pinaparinggan ko yung gwapong lalaki na nakaupo sa tabi ng chair ko. Ugh?! Gwapong lalaki?!? What am I thinking?!? Fine. Oo na. He's cute. Pero... I hate him! Dinumihan niya yung uniform ko!

"Huh? Bulag? May bulag ba dito sa school?" Takang-takang tanong ni Paticia. Pero bago pa ko maka-react sa sinabi niya, nagulat ako sa ginawa nung lalaking nakatapon ng pagkain sa uniform ko. Kinuha niya yung scarf niya, tumayo at pinunasan niya ko. I mean, yung part na basa sa uniform ko.

"W-What are you... d-doing?" nauutal kong sabi sa kanya. Eh kasi naman noh! Nakakagulat kaya yung ginawa niya. Sa'yo kaya gawin yun, di ka magulat?

"Pinupunasan ka. Obvious ba?" Hah! Pilosopo! I hate this guy! Pinapakulo niya ang dugo ko!!!

"Oh, Zayn andito ka na pala?" sabi ni Ma'am pagkakita niya sa lalaki. So? Zayn pala ang pangalan niya? Cool name.

"Ms. Santos, he will be your seatmate for the 1st grading." WHAT?!? Siya?!? Pag minamalas ka nga naman. Mas gugustuhin ko pang wala akong katabi kesa diyan sa inzayn na yan. Okay, no such word. Ano ba yan... kung anu-ano na lang ang naiimbento kong salita.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now