Chapter 15

7.2K 93 8
                                    

FIFTEEN


Natapos ang exam week and balik na naman sa regular school days. Normal na ulit ang mga araw. Hindi na ko masyadong magkwekwento kasi wala namang mahalaga masyadong nangyari. As usual, sabay kami kumain ni Ken most of the times. Kami ni Zayn, lagi pa ring nagtatalo. May times nga na muntik na kaming mapalabas dahil kahit nagdi-discuss ang teacher namin eh nagbabangayan kami. Sila naman ni Patricia mas naging madalas mag-usap. Ewan ko pero nababanas ako kapag nakikita ko silang magkasama. Bakit? Ewan ko din. Hindi ko alam sa sarili ko.

Nakapaskil na din sa Bulletin Board ang ranking ng bawat sections. Ako ang top 1. Lahat kami ng friends ko nasa ranking. Si Yssa pang 3rd. Si Patricia pang 6th and si Toni pang 10th. Yung pang-2nd? Maniwala kayo o sa hindi, SIYA. Siya yung pang-2nd. Ni hindi ko nga alam kung pano naging top 2 yung lalaking yun eh. Mukha ngang hindi siya nakikinig sa klase at mukhang walang interes sa pag-aaral.

"Hey! Congrats Sophia! Top 1 ka na naman ah!"

"Thanks girls. Congrats sa'ting apat. Nasa ranking tayong lahat!"

"Yeah. We should celebrate! Ano mamayang dismissal? Sa mall?"

"Sige ba. We should double celebrate!"

"Err. Double?"

"Yeah. Magpapalitan tayo ng seating arrangements today right?"

"Oh. Yeah."

"And the great thing is that, makakalayo na rin ako sa Zayn na yan."

Pag-akyat namin sa room. Kamalas-malasan, siya agad ang nakita ko. Eh pano ba naman? Nakatayo sa pinto. Argh. "Good Morning Toni! Morning Yssa! Morning Patricia! Oh! Good Morning Red Girl!"

"Shut up. You ruined my morning." Nilagpasan ko na siya at dumeretso sa chair ko. Siguro dapat ko nang i-enjoy ang moment dahil sooner or later iiwan ko na 'tong upuan ko. Fine. Ako na ang madrama.

"Galing mo Pia ah! Akalain mo yun ikaw ang top 1 natin?" he said habang nakangiti siya ng napagkalawak.

"Dati pa naman na ko nagrarank as 1st kahit nung grade school."

"Ahh. Ganun ba? Galing natin noh? Pasalamat ka sa'kin. Kung di kita pinapakopya edi sana pang top 2 ka lang. Dapat ako yung 1st."

"What? Kelan pa ba ko nangopya sa'yo? Never! Kahit pakopyahin mo pa ko, hindi ako kokopya sa mali mali mong sagot!"

"Huy grabe ka ha."

"Well, asarin mo ko hanggang gusto mo dahil malapit na tayong maghiwalay."

"Bakit? Makikipag break ka na sa'kin?" Binatukan ko siya. Kung anu-ano pinagsasabi eh. "Aray! Oy! Masakit yun ah!"

"Ikaw naman kasi eh! Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka! Nasobrahan ka ata sa self confidence eh!" Tinitigan niya ko at nagseryoso yung mukha niya.

Dugdug. Dugdug.

"Alam mo ang cute mo pag nagagalit ka."

Dugdug. Dugdug.

Wth. Anong nangyayari sa'kin?!

"Pero mas cute ka pa din kapag nagba-blush."

AY TOFU. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko nung sinabi niya yun. Bwisit na lalaki! Nag-iinit tuloy ang mukha ko.

"Shut up! Pwede ba Zayn! Tumahimik ka na nga!"

"Okay Class. Let us now arrange your seating arrangements. It will be according to your ranking."

!@#$. Anak ng asdfghjkl naman oh! Pag minamalas ka nga naman!

"Oopss. Pano ba yan Pia? Ikaw pa din pala ang seatmate ko this 2nd grading?"

Lord why? Why??!?!?!

***

"Oh? Ba't ayaw mong galawin yung pagkain mo diyan?" Napansin ata ni Ken na wala akong gana dahil tinititigan ko lang yung pagkain ko. "Badtrip ka noh? Alam mo ang pagkain kinakain, hindi tinititigan." Hindi lang ako umimik. "Sige ka, kukunin ko yan."

"Okay."

"OH?! Seryoso? Eh ang takaw takaw mo tapos ngayon papamigay mo na lang basta basta pagkain mo?"

"I'm not in a good mood Ken."

"Bakit ba?" sabi niya sabay subo ng kanin.

"Eeeeehhhh! Kasi eh! Si Zayn! Siya pa rin katabi ko this 2nd grading!"

"Oh? Eh ano? Ano namang gusto mong gawin ko? Magmakaawa sa adviser niyo na palitan ang seat plan? Sophia, wag mo na lang kasi pansinin. Lalo lang yan magpapapansin eh. Mag-focus ka na lang sa activities mo dito sa school. Oh speaking of, galing mo ah! Top 1! As expected." he said then he smiled. Ehhhh! ANO BA KENNNN!!!! Lalo tuloy kitang nagiging crush eh. ASDGSLKFD cute mo talaga.

"Thanks. Ikaw din naman ah? Congrats. Top 1 ka sa section niyo, right?"

"Yep. Pinag-iigihan ko. May inspiration kasi eh."

"Wow ha? Sino naman?"

"Secret."

"Ganyan ka na. Kala ko ba best friends tayo?"

"Uhm. Next time ko na lang sasabihin sa'yo."

"Ngayon na! Please? Secret lang naman natin eh."

"Ayaw."

"Kahit clue lang?"

"Ayaw nga."

"Bilis na kasi. Pleaaaase?" sabi ko sabay pacute sa kanya.

"Ay nako. Nako. Oo na nga. Pero 3 clues lang ah?"

"Yay! Sige! Game!"

"Hay nako. Isip bata talaga." Umiling-iling siya. "1st clue, babae siya."

"Ghad. Natural naman noh! Alangan namang lalaki eh hindi ka naman siguro bading noh?"

Tumawa siya. "2nd clue, dito siya nag-aaral."

"Anong year?"

"Uhm. First year din."

"First letter ng name niya? Anong section?"

"Ops! Ops! Ops! Tatlong clue na yun. Sabi ko hanggang tatlo lang."

"Ano ba yan." Sumimangot ako.

Ngumiti siya. "Hayaan mo na. Sasabihin ko din naman sa'yo next time eh."

"Dapat ako una mong sasabihan mo ah!"

"Yes Ma'am." Tapos nagsalute pa siya.

Ayokong mag-assume pero sana ako yung crush ni Ken. Di, joke lang. Crush ko siya pero okay lang kahit di niya ko crush. Hindi naman ako naghahangad na gustuhin niya din ako pabalik. Naks. Hindi ko din alam kung bakit occasionally bumibilis yung heart rates ko kapag nandiyan si Zayn. Hindi naman ako ganito dati. May sakit na ba ako sa puso? Oh sadyang nahahigh-blood lang ako kay Zayn kaya ganun?!?


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now