Chapter 11

7.9K 105 3
                                    

ELEVEN


"Oh? Wala ka bang naiwan?"

"Wala na po Ate."

"Yung baon mo? Yung jacket mo? Yung payong mo? Wallet mo? May pagkain ka na ba diyan?"

"Opo Ate. Ano ka ba naman? Malaki na ko! Hindi na ko grade school!"

"Okay. Hatid na kita sa sakayan ng taxi?"

"Ate!"

"Oh okay. Relax. Sabi ko nga ikaw na lang. Sige na! Bye sis!"

"Bye Ate!"

I looked at my wrist watch. 7:00 am na. 8:00 am kami aalis sa school. Why? Ngayon na po kasi yung theatre showing namin ng Ibong Adarna. Sa wakas naman makakapanood na din kami. Paulit-ulit kasing sinasabi yan sa'min ni Sir sa Filipino time eh. Excited na ko! Yay!

Ine-expect ko na pagdating ko sa school, ako pa lang ang tao or student dun since maaga pa naman. Or kung di man, baka konti pa lang ang mga students. Pero pagdating ko... woah! Andun na lahat ng classmates ko. I mean, hindi pala lahat. Kasi wala pa si Zayn. Psh. Ba't ba di pa ko nasanay? Eh lagi namang late yung mokong na yun.

After 15 minutes siguro, dumami-dami na rin yung mga tao at andun na din si Zayn. Pinasakay na kami sa bus since lahat ng students ay nandun na rin. Aircon yung bus. And Thank God ang seating arrangement sa bus ay naaayon sa aming choice. Si Toni ang katabi ko then sa kabilang side naman si Patricia at Yssa. Ayos. Hindi ko makakatabi ngayon si Zayn. Ako yung nasa may window ng bus. Gusto ko kasi na nakikita ko yung labas habang nasa loob ako. Nung umandar na yung bus, yung iba nagkakainan na. Bawal kasi ang food sa venue eh. Kainis. Puro pagkain pa naman yung laman ng bag ko. Iiwan ko na lang siguro dito later yung bag ko. Pwede naman yun eh. Hindi naman siguro 'to mawawala. Besides dadalhin ko din yung ticket ko, and yung cellphone at wallet ko.

Sinalpak ko na sa tenga ko yung iPod ko. Mukhang magiging masaya ang araw na 'to. Pero sa kasamaang palad, may sumira ng araw ko. Paglingon ko sa likod ko, nasa likod ko nakaupo si Zayn. What the eff? Pero hinayaan ko na lang. Hindi ko na lang pinansin. Since medyo mahaba-haba pa yung biyahe, natulog muna ko. Then the next thing I knew is ginigising na ko ni Toni. Andito na pala kami.

Bumaba na kami isa-isa. Sabi ng teacher namin, safe naman daw na iwan yung bags namin sa bus since yun din naman yung sasakyan namin pauwi. So, iniwan ko na lang yung bag ko. Pinapila na kami and nung ako na yung nasa entrance...

Nanlamig yung katawan ko.

YUNG TICKET KO.

Yung ticket ko! Nasan na?! Hala! Omg. Sana nasa bus. Sana hindi ko nawala. Ang tanga mo Sophia! Ang tanga tanga mo! Sa dinami-dami ng kakalimutan mong dalhin yun pa?! Ghad!

"Ah Kuya, naiwan ko po sa bus yung ticket eh. Kukunin ko na lang po muna." Sabi ko dun kay Manong Guard.

"O sige po Ma'am. Pero bilisan niyo po ha. Magsisimula na po ang play in 5 minutes."

Kumaripas na ko ng takbo nun. Nakakaasar nga eh, nasa loob na kasi sina Yssa, Patricia, at Toni. Ako kasi yung nasa hulihan ng pila ng class namin kaya nasa loob na silang lahat. Asar naman oh! Bakit ba kasi sa hulihan pa ko pumila? Pati teacher namin nasa loob na din. WAAAAAHHH. Hindi ko pa naman alam kung paano pabalik sa parking lot! Mga 2 or 3 minutes na din siguro akong palakad-lakad pero sa laki nitong lugar, hindi ko na talaga maalala yung dinaanan namin kanina. Wala na ring tao dito, malamang nasa loob na silang lahat. Nakakainis! Ang tanga ko talaga. I'm so stupid. Gusto ko nang umiyak. Umupo na lang ako sa lapag. At sinandal ko yung chin ko sa knees ko. Para kong bata na napahiwalay sa magulang.

"You're so stupid Sophia! You're very stupid!" Kinuha ko yung bato na nasa harapan ko at binato ko yun.

"Woah. Muntik na kong matamaan ha. Next time tingin ka muna sa pagbabatuhan mo bago ka magbato ng kung ano." Huh?

Pagtingala ko. I saw him. No. It's not Zayn. Hindi ko siya kilala. Pero naka-uniform siya ng kagaya ng uniform ng guys sa school. So meaning? Schoolmate ko siya? Duh! Obvious naman Sophia noh! Ang tanga mo talaga.

"Bakit andito ka pa sa labas? Magsisimula na yung play ah."

"H-Hinahanap ko y-yung bus namin. Naiwan ko kasi y-yung ticket ko eh."

"Ahh. Let me guess. Hindi mo mahanap yung bus niyo noh? Tara samahan kita sa parking lot."

"S-Sige."

Habang naglalakad ako, I mean kami, napaisip ako kung bakit nasa labas pa din siya.

"Hey. Bakit wala ka pa sa loob?"

"Ah yun ba. Wala lang. Tinatamad akong manood kaya gumawa ako ng excuse na may naiwan ako sa bus kahit wala naman."

"Are you insane? Nagsasayang ka lang ng pera."

"Ahm hindi naman. May gusto lang akong makita, kaya lumabas ako."

Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Ang weird ng mga lalaking nakikilala ko...

Nung nakuha ko na yung ticket, tumingin ako sa watch ko. Malamang nagsisimula na yung play. Pero at least makakahabol ako. Hinatid niya ko sa may entrance. Ayaw pa nga niya pumasok eh. Sa labas lang daw siya. Ano ba yan! Para namang timang 'tong lalaking 'to. Pinilit ko siya na pumasok na din para hindi masayang yung binayad niya. Saka baka sakaling mag-enjoy din naman siya noh. Pagkapasok namin sa loob, nagsisimula na yung play. Buti kakasimula pa lang kaya naintindihan din naman namin yung kwento. Kami na lang yung magkatabi and medyo nasa back seat na kami. Sa dami kasi ng mga tao, hindi ko na alam kung nasaan yung mga classmates ko.

Mga two hours din siguro yung show and nung palabas na kami, nag-thank you ako sa kanya at nagbye na rin siya. Dahil nasa likuran kami, kami yung unang lumabas. Inantay ko na lang makalabas yung mga classmates ko. And kinuwento ko sa kanila yung guy na tumulong sa'kin.

"Talaga? Cute ba siya? Omg. Swerte mo girl. Pakilala mo naman siya sa'kin."

"Ang landi mo talaga Toni."

"By the way, what's his name?"

"Uhh..." Nalimutan kong tanungin yung pangalan niya. Ang engot mo talaga Sophia!

"What? Don't tell me Sophia, nalimutan mong tanungin ang name niya? But don't worry baka naman, may next time pa."

"Sinong pinag-uusapan niyo?" Pagtingin ko, nakikisali naman si Zayn sa usapan. Tsismoso talaga.

"None of your business Zayn. It's a girls' thing."

"Wow? Ang sungit ha. Bakit? Meron ka ba ngayon? Red Girl?" Asdfghjkl!!! Anong sinabi niya?! Bwiset talaga!!!

"Grrr. Shut your mouth up Zayn! I hate you!"

"The more you hate the more you love." and then he smirked.

Pagkasabi niya nun, pumunta na siya sa bus. Bwisit na lalaki. Okay na sana yung araw ko eh. Kundi lang niya sinira. Anyway, umaasa ko na makikita ko ulit si Mr. 'ewankokunganongpangalan' guy. Besides, schoolmates naman kami, and mukha namang mas okay siya kay Zayn. Wait. Bakit ko ba siya kinukumpara sa monster na si Zayn na yun in the first place? Eh di hamak naman na mas mukhang mabait si Mr. Mystery Guy kesa sa kanya noh! At yun? Gentleman! Eh siya? Manners pa nga lang bagsak na!


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now