Chapter 25

6.2K 91 8
                                    

TWENTY-FIVE


Ken's POV

Magkasama kami ngayong naglalakad ni Sophia. Hindi ko pa nga alam kung saan ko siya dadalhin eh. Inunahan ba naman ako ng Mommy at Ate niya na magyaya sa kanya.

"Ken? Malayo pa ba?"

"Malapit na tayo."

"Eh kanina pa kasi tayo naglalakad eh. Saka medyo masakit na rin yung paa ko. Pwede bang sumakay na lang tayo?"

"Wag na. Malapit na naman tayo eh."

Tiningnan ko siya saka ko ngumiti. Nauuna ako maglakad sa kanya. After a while nakarating na rin kami sa pupuntahan namin.

Sa park.

Actually, wala akong maisip na lugar, aside sa park or sa mall. Since mas malapit kami sa park nag-decide ako na dito muna siya dalhin. Umupo kami sa mga benches dun para magpahinga. Sigurado ako na napagod ang isang 'to sa paglalakad.

"Bes diyan ka lang ha. May bibilhin lang ako."

I said then tumayo na ko. Yang tawagan namin, sa totoo lang si Sophia ang nag-isip niyan eh. Pumunta ko sa mga bangketa sa gilid ng park. May tindang iba't ibang street foods dun. Bumili ako ng kwek-kwek, tokwa, isaw, at juice para sa'min ni Sophia.

Pagkalapit ko sa kanya, nakita kong naglalaro siya sa cell phone niya.

"Sophia."

"Uy bes." napatigil siya sa paglalaro at napatingin siya sa hawak ko. "Ano yan?"

"Pagkain." I smiled at her. "Try mo." sabi ko sabay abot sa kanya ng isaw.

"Uhh... bes... H-Hindi kasi ako nakain ng uhm... ano eh... s-street foods."

"Kaya nga susubukan diba?"

Ngumiti ng pilit sa'kin si Sophia. Siguro naiinis na 'to sa'kin kasi pinipilit ko siyang pakainin kahit ayaw niya. Pero kinuha naman niya sa'kin yung isaw. Tinitigan niya ito ng medyo matagal. Inamoy, and at last, tinikman. Kumagat siya ng maliit at nginuya niya ng dahan-dahan.


***


"Ancharap naman nitcho besh." sabi ni Sophia habang punong-puno ang bibig niya ng isaw. Pinapanood ko lang siyang kumain.

"Sabi sa'yo eh. Aayaw-ayaw ka pa nung una." nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko.

"T-Teka? San tayo pupunta?" hindi siya sumagot. Nagulat na lang ako nang makita ko na nasa tapat na kami ng mga bangketa.

"Wow! Ken! Ang daming pagkain oh! Tara try natin isa-isa!" sabi niya habang tuwang-tuwang tinuturo yung mga pagkain. Binili ko si Sophia ng tokwa, isaw, kwek-kwek, juice, barbecue, fishball, kikiam, at kung anu-ano pa na maituro niyang pagkain. Anak ng. Mabubutas ata bulsa ko sa best friend kong 'to eh.

Pagkatapos niyang tikman lahat ng tinda, nagpapalibre pa din siya ng isaw sa'kin.

"Hindi pwede. May pupuntahan pa tayo. Kaya hindi pa pwedeng maubos ang pera ko ngayon, okay? Next time promise ibibili kita ng isang sakong isaw."

"Eeeehhh Bes! Sige na... ang sarap eh. Gusto ko pa. Last na talaga."

"Nako. Eh pang-ilang last mo na ba yan ha?" sumimangot lang siya sa'kin.

"Saan pa ba tayo pupunta ha?"

"Basta."

"Wag mong sabihing maglalakad na naman tayo ha?! Nako Ken! Pagod na mga paa ko."

"Don't worry. Sasakay tayo ng taxi."

Dumiretso na kami sa mall.

"Omg! Mag-sho-shopping ba tayo?" tuwang-tuwang tanong sa'kin ni Sophia.

"Mukha ba kong nagsho-shopping?" sarcastic kong tanong sa kanya. Nakita ko namang sumimagot siya ulit.

Pagkababa namin sa mall, hinila ko ni Sophia sa Department Store. Nag-ikot ikot lang kami dun tapos bumili siya ng keychain at ng mga abubot. Hay. Bakit ba ang hilig mag-aksaya ng mga babae sa mga walang kwentang bagay? Pagkatapos niyang mamili eh nagpaalam siya sa'kin na mag-c-cr daw muna siya. Umupo na lang ako sa isa sa mga upuan sa food court pero ilang minuto na ang nakalipas eh hindi pa din siya nabalik. Eto ang isa ko pang hindi maintindihan sa mga babae eh. Bakit ba ang tagal nila mag-cr? Gaano ba kahaba ang oras na kailangan nila bago sila makalabas ng banyo?


Sa bear cuddler na lang kita aantayin bes. Ok? :)

- Message Sent


Naglakad na ko papunta sa bear cuddler. Mahilig kaya si Sophia sa stuff toys? Siguro. Lahat ata ng babae eh. Papalapit pa lang ako, may natatanaw na ko na isang pamilyar na mukha na nasa loob ng bear cuddler. At bigla na lang bumilis ang pintig ng puso ko. Sabi na nga ba eh... Siya pa rin... Lumapit ako sa kanya.

"Hi."

"K-Ken?" nagulat siya ng makita niya ko.

"Hey. It's been a while. Kamusta ka na?"

"Ha? O-Okay lang. Sige a-alis na ko ha."

"Wait." hinila ko yung braso niya.

"We need to talk."

"Ha? Uhm about what?"

"About us."

"B-But... there's nothing... about us."

"Do you still love me?" iniwas lang niya yung tingin niya sa'kin.

"Ken!"

"Pat!" napatingin kami pareho sa tumawag sa'min. Si Zayn and Sophia.

"What are you doing here?!" sabay nilang sabi pagkakita nila sa isa't isa.

"Kasama ko siya! Bakit ba?!" sabay ulit nilang sabi pagkaturo sa'min ni Patricia.

Inalis ni Patricia yung kamay ko sa braso niya at pumunta siya kay Zayn. Sumunod naman ako at pumunta kay Sophia.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Zayn kay Patricia.

"Sa arcade! Maganda dun! Mag-eenjoy ka pa!" singit ni Sophia.

"Hoy Red Girl, wag ka nang magsalita diyan! Di naman ikaw tinatanong ko eh! Ano Tricia?"

"S-Sige. Sa arcade na lang."

"Yey! Pwede ba kaming sumama? Ken tara sama tayo sa kanila." sabi niya sabay hila kay Patricia.

Nauunang maglakad sina Patricia at Sophia habang kami naman ni Zayn ang nahuhuli.

"Nagde-date ba kayo?" sabay naming tanong sa isa't isa.

"Kami ni Sophia? Just... a friendly date. Kayo ni Patricia?"

"Kilala mo siya? Close kayo? Uhm... hindi kami nagde-date. Ah, oo date nga 'to... Ah hindi... ano pala. Hang-out lang."

"Ah."

Pagkatapos nun, wala nang nagsalita sa'min. Sinusundan lang namin yung dalawang babae. Mukha namang ang hirap pakisamahan nito. Kaya pala ganun na lang ang inis ni Sophia sa kanya noon eh. Eh ngayon kaya close na sila? Mm... mukhang hindi. Mukhang lagi pa ngang nagtatalo eh.

Ang tagal ko nang gustong kausapin ni Patricia. Hanggang ngayon siya pa rin yung mahal ko. Sana makapag-usap kami ngayon.


Sana mahal niya pa din ako.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now