Chapter 10

8K 117 11
                                    

TEN


Ang tagal naman ni Yssa.

Nagpabili kasi ako sa kanya ng pagkain sa canteen dahil ayokong bumaba. Alam niyo na girls, masakit ang puson ko. Nakakatamad nga kumilos eh pag ganito. Parang ang bigat sa katawan at gusto ko na lang humiga o matulog maghapon. Bumaba na ko para puntahan si Yssa sa canteen dahil sa tingin ko eh mga 10 years later pa bago siya makakabalik. Pero nasa corridor pa lang ako naririnig ko na nagkakagulo sa hallway. Ang ingay naman! Ano ba yan... may artista ba?

"Oo nga. Kawawa nga eh."

"Nako ang tapang pa naman nung Kate."

"Kaya nga. Saka napaka war freak."

"Kawawa naman. Freshman pa lang yun diba?"

"Oo. Yssabelle ata pangalan nun eh."

Yssabelle? Oh god. Pagkarinig ko nun, hinawi ko lahat ng tao na nakaharang sa'kin. Hindi man ako sigurado, pero masama ang kutob ko na si Yssa yun. Nang makarating ako sa gitna. Nakita ko si Ate Kate na nakapaibabaw kay Yssa at si Yssa naman nasa ilalim ni Ate Kate. Sinasabunutan siya ni Ate Kate. Takte naman oh. Ni hindi ba talaga siya marunong lumaban?! Pwes ako ang lalaban para sa kanya.

"Hoy! Tama na nga yan!"

Napatingin naman sa'kin si Kate. Oo si Kate. Hindi Ate Kate. Walanghiya siya. Sinasaktan niya ang kaibigan ko kaya hindi ko siya gagalangin.

"Pwede ba wag kang mangialam!"

Pagkatapos nun sinabunutan niya ulit si Yssa. Nakita kong umiiyak na si Yssa kaya lalo akong nanggigil. Kinaladkad ko yung buhok ni Kate at sinabunutan ko siya para kay Yssa.

"Hoy! May pakialam ako dahil kaibigan ko siya! At alam kong wala siyang ginagawa sa'yong masama!" Tinulak niya ko ng malakas. Kaya napaupo ako.

"Ouch..." Ang sakit ng likod ko. Ang lakas niya ha. Grabe. Napaka-war freak ng babaeng 'to. Agad naman akong tumayo at susunggaban ko na sana siya kaya lang...

"Ahh, ikaw pala yung kapatid ni Liane. Tama ba ko? Ms. Santos?"

"W-What? Kilala mo ang Ate ko?"

Tumawa siya. "Eh pano namang di ko makikilala ang Ate mo, sikat yun noh. Sikat sa kalandian. Akalain mo yun, inagaw niya sa'kin yung boyfriend ko? Tsk. Sayang kaibigan ko pa man din siya. Tinapon niya na lang 'yun ng basta-basta."

Nun ko lang na-realize na Callanga nga din pala ang surname ni Kuya Michael. Meaning, ang Kuya ni Yssa, at ang boyfriend ni Ate ay iisa. Akalain mo yun? It's a small world after all.

"HOY! PWEDE BA! WAG MONG MATAWAG-TAWAG NA MALANDI ANG ATE KO! NAGING SILA NI KUYA MICHAEL DAHIL NAGMAMAHALAN SILA! HINDI KAGAYA MO! AYAW NA NGA SA'YO NG LALAKI, HABOL KA PA DIN NG HABOL! NGAYON SINONG MAS MALANDI SA INYO NI ATE HUH?!" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Sa bagay. Hindi na ko magtataka kung maghahabol ka. Eh mukha ka namang aso eh." Pagkasabi ko nun, nag-"Oww" yung mga nanonood sa'min at nanlaki yung mata niya. Alam ko nainis siya dun sa sinabi ko. Pero siya naman kasi eh. Kung makapagsalita siya sa Ate ko. Ayoko pa naman sa lahat yung ginaganon yung Ate ko at yung mga kaibigan ko.

Lumapit siya sa'kin at sinampal niya ko ng malakas. "Ouch." I uttered under my breath. Hindi ko pinahalata masyado sa kanya na masakit yung pagkakasampal niya kahit alam ko sa sarili ko na namumula na yung pisngi ko.

"I know na matapang ka. Mas matapang ka sa Ate mo. And I am thankful for that. But be careful sa pagpili ng kaibigan ha? Baka yung isa sa kanila yung siya pang umagaw ng kaligayahan mo." WTF. Sinusubukan niya ba talaga ko?! "But anyway thankful ako sayo. Pinapahalagahan mo yung mga kaibigan mo. Sana ganyan din yung Ate mo." Pagkasabi niya nun, umalis na siya. Habang ako naiwan sa kinatatayuan ko.

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now