Chapter 17

6.8K 94 7
                                    

SEVENTEEN


Kinakamusta ni Sir yung nalalapit na role playing namin sa Filipino. I told him that everything is going well. Ngayon inaasikaso ko muna yung kakantahin ko. Ako kasi yung napiling maging representative ng section namin sa singing mathematician. Singing contest siya na gaganapin sa school. Dapat one representative lang per year pero ginawa nilang two. One boy. One girl. Sa Friday na ang audition and Wednesday na ngayon at until now hindi ko pa rin alam kung anong kakantahin ko.

Kaya after class I told dad na wag na lang akong sunduin dahil didiretso ako sa mall. Ako lang mag-isa dahil may inaasikaso daw sila Patricia. Pagdating ko sa mall dumiretso agad ako sa Astro Plus. Nagtingin-tingin ako ng CDs dun. And I saw a CD of Taylor Swift. Yung Speak Now na album na lang yung hindi ko pa nabibili. Nakakaasar. May lalabas na na album niya next month tapos hindi ko pa din nabibili 'to. Ayoko pa naman nang nahuhuli ako when it comes to collection thingy. Gusto ko parati akong on time!

I checked my wallet and dahil may dala akong pera (yay!), bibilhin ko na yung album ngayon. Baka makakuha pa ko dito ng kakantahin ko sa audition. Since nag-iisa na lang yung CD, hindi ko na papalagpasin 'to. Kinuha ko yung CD kaso pagkuha ko, may kumuha ring babae kaya ang position namin is pareho naming hawak yung CD. Ugh. Don't tell me maagawan na naman ako ng CD?! Hindi na ko papayag this time.

"Sorry Miss. Pero nauna po ko." sabi ko dun sa babae. Pero pagtingin ko sa kanya, nagulat ako.

"Hey! Sophie! Long time no see. Coincidence. Dito na naman tayo nagkita. Sige sa'yo na yang CD ni Taylor Swift. Since binigay mo naman sa'kin yung CD ng One Direction before eh."

Hindi ako sumagot. Tinitingnan ko lang siya.

"Hey don't tell me... hindi mo na ko natatandaan? I'm Johanna? Remember?"

"Ahh yeah. I... I... remember you. Tinulungan mo pa nga ko nung nahimatay ako eh."

She checked her wristwatch.

"Maaga pa. May kasama ka ba? Is it okay if we hang out today? I'll tell daddy na ihatid ka na lang namin pauwi."

"S-sure.."

Pagkabayad ko ng CD nag-ikot ikot muna kami sa mall.

"Where's your dad?"

"I don't know. Nag-iikot din siguro sila. Don't worry he's with my brother naman eh."

His brother?

"Uhm, Johanna, how old is your brother again?"

"He's 12. Turning 13 next month."

I suddenly remember that his brother is in the same school as mine. I wonder kung anong itsura ng Kuya niya. Is he handsome kaya? Siguro nakakasalubong ko na yung kuya niya sa school pero hindi ko lang alam. Hmm...

"Let's go to the department store Sophie!"

Pagkadating namin sa Department Store siya lang naman yung bumili nang bumili dun. Nagasta ko na kasi yung money ko pambili ng CD.

"Uhm, Sophie, do you want something? Treat kita? You want shoes? Dress? Bags? Socks? Headbands? Acessories?"

"Hindi na. Okay lang." I said as I wave my two hands in front of me.

Habang naglalakad kami nakakita ako ng anime figures (figmas) and nendoroids dun. Naalala ko si Ate. Mahilig siya sa mga 'to eh.

"You want?"

"Uhm nope. Nacute-an lang ako."

"Hay. I'm hungry. Let's go Sophie."

Pumunta kami ni Johanna sa Jolibee at dun kumain. Humanap kami ng uupuan at sabi niya, siya na lang daw ang oorder. Habang nakaupo ako, parang nakita ko si Zayn na dumaan. Siya kaya yun? Baka hindi naman. Ew ba't hanggang dito ba naman Zayn pa rin naiisip ko?! Pwede namang si Ken na lang diba? And worse, hindi ko na lang siya naiisip ngayon—nakikita ko pa! Wew. Malala na 'to. Baka nakahithit na ko ng katol kaya kung anu-ano na ang naiisip at nakikita ko.

Pagkakain namin, niyaya niya ko sa Bookstore. Grabe lang ha. Hindi ba siya napapagod? Ako nga ang sakit na ng paa ko eh. Pero siya mukhang hindi nababawasan ni 1% ang energy. Bumili siya ng mga two siguro o mga three books. Kailangan daw nila sa school. Ayoko pa sanang umuwi kaso pagtingin ko sa phone ko. 7:14 na! Papatayin ako ni Ate nito.

"Omg! I have to go na Johanna. Thanks for this day! Sige, kitakits na lang!"

Hindi ko na inantay yung sagot niya at tumakbo na ko palayo. Pero hinabol niya ko.

"Wait! Hey! Sophie! Remember! SASABAY KA SA'MIN NI DADDY! IHAHATID KA NA NAMIN SA INYO PARA MAS MAPABILIS KA!" sinigaw niya yun. Medyo malayo na kasi ako sa kanya eh. Ay susme. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. Lokang 'to, di na nahiya sumigaw sa loob ng mall.

I stopped. Naisip ko na... kahit nakakahiya, magpapahatid na ko kaysa naman mapatay ako ni Ate. Nung nasa car na kami, nagtataka ko kasi kami lang ni Johanna and yung dad niya yung andun. Kala ko ba kasama nila Kuya niya?

"Uhh... Johanna?"

"Mmm?"

"Where's your brother?" I whispered.

"Nagco-commute lang yun. Since nag-high-school siya nagco-commute na siya lagi. I think sumakay siya ng jeep or bus or trike pauwi. Well, any of those."

"Trike?"

"Yeah. I mean tricycle."

"Ahh... eh bakit nag-co-commute na siya?"

"Dunno. Maybe na-trauma?"

WHAT?!? Anong klaseng trauma naman yun? Weird.

Nung bababa na ko...

"Thanks sa paghatid Johanna and thanks for this day. See you next time!"

"Your most welcome Sophie! Since idol ko naman si Ate Liane and she's your sister you're always welcome! Alam mo, sana makilala ka ng brother ko. You guys are perfect for each other."

"Ikaw talaga. Sige na. Bye na." I smiled at her and tumalikod na ko.

"Wait Sophie. I have something to give you." Huh?

"Here." she gave me a small paper bag. Well... not that small, katamtaman lang.

"Uhh? What's this for?"

"Basta. Sa'yo na lang. Bye! Sana magustuhan mo! Text mo ko okay?"

Then they went off. Ano kaya 'to? Pagpasok ko ng bahay wala si Ate. Psh. San na naman kaya yun? Gabi na. Nag-date pa sila ni Kuya Michael?! Sa may door ng room ko may idinikit si Ate na note.

Hi Sis! Baka mauna ka umuwi sa'kin. I'll go to MOA. May cosplay event today and guest ako. Don't worry, hindi na ko gagala. Uuwi ako as soon as the event finished. Anyway, may in-order akong pizza jan. Kain ka na! Lovelots, your Super Duper Gorgeous Sister. :)

Pumasok ako ng room ang pinlay ko sa DVD player yung CD ni Taylor Swift na binili ko. Hmm... I guess, nakapili na ko ng kakantahin ko for the audition.


CrushMate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon