Chapter 7

8.2K 114 9
                                    

SEVEN


Omg. Kanino ba 'tong kwarto? Nakaninong bahay ba ko? Baka mamaya nakidnap na ko, tapos papatayin nila ko at kukunin ang internal organs ko at ibebenta nila sa malaking halaga bago itatapon ang katawan ko sa dagat tapos baka umiyak sila Mommy, Daddy, Ate, Toni, Patricia, Yssa, Kuya Michael at ang mga classmates ko, mga iba ko pang friends and yung mga relatives ko. Tapos baka may fans din ako hindi ko lang alam, baka umiyak din sila. At malaki rin ang possibility na umiyak lahat ng taong nakakakilala sa'kin dahi; mawawala na si Sophia Mae Alonzo Santos at dahil mababawasan na naman ng maganda sa mundo.

Okay.. oo na.

Ako na ang OA. Ako na ang malawak ang imagination.

"Gising ka na pala." Nagulat naman ako. Buti di ako napasigaw. Wew.

"Who are you?"

"Hindi mo na ba ko naaalala?" She looks familiar, pero hindi ko talaga matandaan kung saan kami nagkita.

"Mhhm... sorry hindi talaga eh."

"Ako yung girl na nakabili ng One Direction album! Remember? I'm Johanna Marie. Just call me Johanna." Oh. Siya pala yun... Johanna Marie? Siya ata yung nag-add sa'kin sa fb dati? Oo siya nga. Yung mutual friend ni Zayn. Magkaano-ano kaya sila?

"Johanna thanks for helping me. By the way, I'm—"

"Sophia Mae Santos." How did she know?

"Err. Paano mo nalaman?" Stalker ko ba siya? Haha. Lahat na lang eh noh, ginawa kong stalker ko.

"I added you on facebook. Nalimutan mo na agad?" Ay oo nga pala. Kakasabi ko lang eh.

"Ah." Medyo tumawa ako para hindi awkward. "Oo nga pala. Ahm, ano bang nangyari sa'kin?"

"Papasok kasi ako dapat sa mall, then I saw you na para kang nahihilo. Bigla kang nahimatay and I just told my driver to bring you home."

"Oh. Okay... Thanks again!"

"You're welcome. Wait lang Sophie ah. May kukunin lang ako sa baba."

"Sophie? Just call me Sophia. Yun lang naman ang tawag nila sa'kin eh."

"No. Okay lang. I'll call you Sophie. I want to make a nickname for you. Para you know... Unique!" she smiled. Okay? Pareho sila ni Zayn. Kung makita ko silang dalawa ng sabay, pag-uuntugin ko talaga sila. Kung anu-ano tinatawag sa'kin eh.

Pagkababa ni Johanna, inikot ko muna yung room niya. Ang cute ng room niya. Color pink and orange. Yung room ko color purple and pink. Yung kay Ate naman yellow. Maraming gamit si Johanna. Parang lahat ng gusto niya nabibili niya. Iba rin yung accent niya. Siguro galing 'tong States or Australia. May Hello Kitty collection din siya.

"Hey! Inakyat ko na yung dinner mo."

"Ay kokak!" Ano ba yan. Magugulatin pa naman ako. Nakakahiya! Tumawa lang siya.

"Thanks! Nakakahiya naman sa'yo. Inakyat mo pa."

"Hindi, okay lang." ngumiti na naman siya. Wait... DINNER?!? OMG! ANONG ORAS NA BA? Pagtingin ko sa wall clock, god! 7:15 na! Patay ako nito! Hinanap ko kagad yung bag ko. Andun kasi yung cellphone ko.

"Your bag is over there." Tinuro niya yung bag sa side table. Napansin niya rin siguro na hinahanap ko yung bag ko. Pagkakuha ko ng phone ko 25 text messages and 17 missed calls! Puro galing kay Ate at kila Yssa, Toni and Patricia. Hinahanap nila akong lahat.

"OMG. Sorry Johanna but I have to go na. Nice meeting you!" Paalis na sana ko pero pinigilan niya ko.

"Wait. Hindi ka pa kumakain eh. After eating this saka ka na lang umalis."

"Ah... eh... I'm really sorry talaga Johanna eh kasi... hinahanap na ko ni Ate eh. Papagalitan ako nun. Saka nag-aalala na yun sa'kin for sure."

"Ganun ba? Edi hatid ka na lang namin ng driver ko! Please?"

"Ha? Eh wag na. N-Nakakahiya naman."

"Ano ka ba! Wag ka nang mahiya noh! Friends na naman tayo at saka parang eto na lang yung thank you gift ko kasi pinaubaya mo yung album sa'kin!"

Ano ba yan. Pinaalala pa talaga niya ha? Dahil sa makulit talaga ang lahi nitong babaeng 'to eh pumayag na ko. Tutal hindi rin naman kalayuan ang bahay namin dito eh. Nasa Ave Maria St. pala ang house nila. Bigla ko tuloy naalala si Zayn. EW.

Eto si Johanna, daldal ng daldal sa'kin. Para naman 'tong bata. Well, kung tutuusin bata pa nga. She's grade 6. She was born on Australia and stayed there for 10 years. Ngayong grade 6 lang siya nag-transfer here sa Philippines.

"Bakit lumipat kayo dito?"

"First, dahil nabu-bully ako dun lagi and nung nag-vacation ako here in Philippines, nagustuhan ko siya because it's a great country. Kaya I asked daddy na dito na kami mag-stay. Second, dahil namatay yung mommy ng Kuya ko which is stepmom ko. My real mom passed away when I was born."

"May kuya ka?"

"Yeah. He's in high-school. Ikaw? High-school ka na din ba?" Weird. Bakit wala yung Kuya niya dun sa house nila?

"Yeah. Uhm..." Naghesitate pa ko kung itatanong ko pa ba o hindi... "Hindi ka man lang ba malungkot na namatay yung step mom mo?"

"Of course I was sad. But we're not that close. Pero my brother, kahit na bihira kami magkita dati, were super close!" Kaiingit naman. Ako din eh, gusto kong magka-Kuya. Kaya pati boyfriend ni Ate Liane, ginagawa kong Kuya.

After few minutes, nakarating na kami sa house. Pinagalitan na naman ako ni Ate. Pagdating pa nga namin, umiiyak siya eh. Sobra daw kasi siyang nag-alala. Pero kinuwento naman ni Johanna ang lahat lahat so no need to worry. Maya-maya nagpicture taking silang dalawa. Idol daw kasi ni Johanna si Ate Liane. Gusto din daw niyang mag-cosplay when she grows up. Ganun ba talaga kasikat ang Ate ko? I mean sa magazines and cosplaying events lang naman siya nalabas ah? She's not that popular. Well uhm... siguro? But anyway, I'm proud of my sister.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now