Chapter 46

5.1K 92 14
                                    

FORTY-SIX


"Hey! Natahimik ka na diyan?"

"H-Ha? A-Ano... K-Kasi..."

"Nagulat ka noh? Bumalik ako?"

Lumapit siya sa akin.

"Did you miss me? I know you do."

Sinipa ko siya, di naman ganun kalakas.

"Ouch!"

"Hanggang ngayon loko-loko ka pa din!" I turned my back and nagsimula na kong maglakad pabalik sa room. Iniwan ko na lang siya dun.

"Wait Pia!"

"What?!"

"Sabay na tayo. Hindi ko pa din alam kung saan ang room natin eh."

"Tss."

Tapos nun wala nang nagsalita sa'min. Nasa likod ko lang siya hanggang sa makarating kami sa room.

"BEBE KOOOOO!!!"

Pagkadating pa lang namin sinalubong na agad siya ni Patricia ng yakap. Naglambitin pa nga 'to sa leeg niya. So she really missed him huh? Can't blame her. Mahal talaga kasi nila ang isa't isa. Sigurado nga ako na si Zayn namiss din niya ng sobra ang bestfriend ko. Mahal niya eh.

"Ahck! P-Pat-Patricia... I-I c-can't breathe!"

"Ay. Sorry. Namiss lang kasi talaga kita eh." then she kissed Zayn on his lips.

Lahat kami nagulat. Kahit si Zayn. I mean... normal lang naman na mamiss niya ng sobra si Zayn eh pero ang halikan siya?! Sa lips pa?! At sa harap pa naming lahat na mga classmates niya?! Gusto kong magalit pero alam kong mali. Una dahil wala akong karapatan at pangalawa nakatali na ko sa iba.

"S-Sorry bebe!" Patricia said. Mukhang nagulat din siya sa nagawa niya.

"Uhh." tiningnan ako ni Zayn. Parang gusto niyang makita kung ano yung reaction ko tapos binalik din niya yung tingin niya kay Pat. "I-It's okay."

Hindi ko na sila hinintay matapos. Bumalik na ko sa upuan ko. Naninikip yung dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako makapaniwala. Nandito na ulit siya. Bumalik siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko pero may nagsasabi sa loob ko na sana hindi na lang siya bumalik.

Nilapitan ako ni Ken.

"Babe?"

"Yeah?"

"Uhm, wala lang. Okay ka lang ba?"

"Oo naman." I answered without looking.

"Parang hindi."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Bumalik na siya ah."

"I know. And so?"

"Wala lang. Naisip ko lang kasi diba... nalilink kayo dati nung first year? Akala pa nga ng mga classmates natin... gusto niyo ang isa't isa pero lagi naman kayong nag-aaway. And then it happened na si Patricia naman pala yung gusto niya." tumingin siya kay Zayn at Patricia. "Tingnan mo oh." ngumuso siya. "Bagay sila."

Tiningnan ko silang dalawa. Oo nga, bagay sila. Naiinggit ako. Bakit ba ganito pa rin ako? After two years ganito pa din ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama. Nasasaktan pa rin ako. Oo na. Inaamin ko na. Mahal ko pa siya. Mahal ko pa si Zayn. Pero mali eh. Maling-mali.

"Oh? Bakit malungkot ang mukha mo? Naiinggit ka sa kanila?" Ken asked.

"Tss. Bakit naman ako maiinggit?"

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now