Chapter 48

4.9K 101 30
                                    

FORTY-EIGHT


Mahirap iwasan si Zayn. Nasa iisang school lang kami pumapasok, nasa iisang classroom lang kami, at higit sa lahat partner ko pa siya sa MAPEH. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin. Hindi ko din alam kung dapat ba kong maniwala sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung mahal nga ba talaga niya ko. Natatakot akong masaktan ulit. At ayokong masaktan si Ken at si Patricia.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa may court. 2nd week pa lang ng pagtuturo namin pero feeling ko ang tagal tagal na. Parang ang bagal ng oras. Gusto ko nang matapos 'to... Sana matapos na 'to...

Pagdating ko dun nandun na si Zayn. Pero wala pa din yung mga 1st year. Umupo ako sa bleachers kung saan siya nakaupo. Pero pinili kong umupo ng medyo malayo sa kanya. Ayoko sa lahat ng ganito. Yung naiiwan kami na kaming dalawa lang. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng mga freshmen na yun?!

"Sophia..."

"Oh?"

"Iniiwasan mo ba ko?"

"Hindi."

"Iniiwasan mo ko eh."

Tumingin ako sa kanya. "Alam mo naman pala eh. Bakit nagtatanong ka pa?" Inalis ko din yung tingin ko sa kanya.

"Galit ka pa rin ba?"

Hindi ako sumagot.

"Kung dahil 'to dun sa sinabi ko... Sophia gusto kong malaman mo na kahit magalit ka pa sa'kin, hinding-hindi ko babawiin yung sinabi ko. Mahal kita at totoo yun. It took me a long time bago ko yun narealize."

Tumingin ulit ako. "Ganun na lang? Bakit ba parang ang dali ng lahat para sa'yo Zayn? Bakit para sa'yo, parang wala lang? Palibhasa hindi ikaw yung nasaktan!"

"Madali? Ganun na lang? Sophia nahihirapan din naman ako!"

"Alam mo, hindi ko kayo maintindihang mga lalaki. Bakit ba kailangang malayo at mawala pa kami sa inyo bago niyo marealize na mahalaga pala kami sa inyo at mahal niyo pala kami? Ang tatanga niyo kasi. Ang bubulag at ang mamanhid niyo. At isa pa parang ang careless niyo. Wala kayong pakialam kung makasakit kayo ng iba basta ang mahalaga sa inyo yung mga sarili niyo! Ang seselfish niyo!"

"Hindi naman lahat ng lalaki ganun. Hindi ako ganun Pia."

"Wow! Hindi ka ganun? Si Ken hindi ganun! Pero ikaw? Base sa pinapakita mo ngayon parang wala ka lang pakialam kung masaktan si Patricia."

"Hindi ko naman siya gustong saktan. Hindi ko pa lang kayang sabihin sa kanya sa ngayon."

"Wag na Zayn. Wag mo nang sabihin sa kanya kahit kailan. Wag mo na siyang saktan. Ayos na naman lahat eh. Please Zayn wag mo nang guluhin."

"Hindi ako nanggugulo. Sinusubukan ko ngang iayos 'to eh."

"Ewan ko Zayn. Basta ang alam ko masaya na ko ng ganito. Masaya na ko kay Ken. Pasayahin mo na lang si Patricia. Baka masyado ka lang naguluhan dahil matagal kayong hindi nagkita."

"Sigurado ko sa nararamdaman ko Sophia. Mahal kita."

"Hindi."

"Bakit ba ganyan kayong mga babae? Maguguluhan kayo kapag hindi namin sinabi sa inyo ang totoo naming nararamdaman pero kapag sinabi na namin sa inyo, hindi naman kayo maniniwala."

"Ang tagal mo na kasi dapat yang sinabi. Hindi ngayon. Wrong timing kasi kayong mga lalaki."

Hindi na siya nakasagot sa'kin dahil nagsidatingan na yung mga first year. Nagfocus na lang ako sa pagtuturo sa kanila para hindi na magulo yung isip ko kay Zayn.

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now