Chapter 27

6.8K 96 24
                                    

TWENTY-SEVEN


Ken's POV

Pagkalabas namin ng arcade, dumiretso kami sa isang seafood restaurant. As usual, si Sophia na naman ang namili ng kakainan namin. Okay lang naman sa'min kasi lahat naman pala kami ay mahilig sa seafoods.

Naupo kami sa isang table dun with four seats. Nilapitan kami ng waiter at kinuha niya yung mga order namin. Nung nakuha na niya ay umalis na siya at sinabi sa'min na antayin na lang daw namin yung order namin. Kaharap ko si Patricia. Ang katabi ko si Sophia. Si Zayn ang katabi ni Pat at magkaharap sila ni Sophia.

Maya-maya lang dumating na yung order. At sabay-sabay kaming napa-WOW. Hindi namin first time kumain sa restaurant na 'to pero iba pa rin talaga kapag nasa harap mo yung mga paborito mong pagkain plus gutom kami at pagod dahil sa paglalakad at sa paglalaro sa arcade.

"Hoy. Wag mo kong titingnan habang kumakain ah." sabi ni Sophia kay Zayn na nasa harap niya.

"Psh. As if naman gusto kong makita ang itsura mo habang kumakain." sagot ni Zayn. Inirapan lang siya ni Sophia.

Nagsimula na rin kaming kumain.

"Patricia. Gusto mo nito? Try this. Masarap 'to." sabi ni Zayn sabay kuha ng shrimp at akmang ilalagay na niya sa plate ni Patricia.

"No!" napatingin sila sa'kin nung sumigaw ako.

"Bakit?" takang tanong ni Zayn.

"Allergic siya diyan."

"Wow. Alam mo din Bes? Paano?" sabi sa'kin ni Sophia.

"Ha? K-kasi—"

"Nagkakwentuhan kami saglit sa Bear Cuddler kanina. Nakwento ko sa kanya na may allergy ako sa hipon." sagot ni Patricia.

"Ah. Close kayo?" tanong ni Zayn.

"Ha? Hindi ah. Kanina ko lang siya nakausap. Pero dati ko na siya nakikita kasi you know... best friend siya ng best friend ko. Plus he's in the same school nung elem. Pero actually kanina lang talaga kami nagkausap. Diba Ken?"

"Ha? O-Oo."

Sabi ko at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Habang kumakain kami siyempre di mawawala yung kwentuhan. Kwentuhan tungkol sa school, sa mga hilig namin, sa mga ayaw namin, at sa kung anu-ano pa. Hanggang sa matapos kami kumain. Nag-antay lang kami ng ilang minutes then umalis na rin kami.

"Hay grabe. Nabusog ako ng sobra!" Sabay dighay ni Sophia.

"Yuck. Kababaeng tao, ang lakas dumighay."

"Pakialam mo ba?!" Ayan na naman sila. Wala talagang panahon na hindi ko nakitang nag-aaway sila sa tuwing magkasama.

"Ikot tayo!"

"Ano?! Hindi ka ba napapagod?! Chocolate ba ang kinakain mo oras-oras at hindi nababawasan ang energy mo?! Akala ko pagkagaling sa arcade at pagkakain natin pwede na tayong umuwi. Nako Sophia. Pagod na kami."

"Hala. Edi magsine na lang tayo!"

"No."

"Okay. Kahit kailan ang KJ mo inzayn. Sige na nga next time na lang magsisine kami ni Ken!"

"Edi magsine kayo."

"I hate you!"

"Bakit? May nasabi ba kong masama? Sabi ko lang naman eh di magsine kayo. May masama ba dun?"

"Wala! Tara na nga! Magsiuwi na tayo."

"Sa wakas! So, hatid na kita Patricia?"

"S-Sure."

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now