Chapter 38

5.7K 169 26
                                    

THIRTY-EIGHT


Nung dismisssal time niyaya ako ni Patricia na kung pwede daw makisabay siya sa pag-uwi since di naman kalayuan sa'min ang bahay nila and para din daw makapag-usap kami at masabi niya na sa'kin yung dapat niyang sabihin tungkol kay Zayn. Kinabahan na naman tuloy ako. Sana hindi niya alam. Sana. Paulit-ulit kong dinadasal. Kilala ko kasi si Patricia. Tahimik at mabait yan pero may pagkaselosa din.

Habang inaantay namin si Dad sa parking lot...

"Bes, about dun sa sasabihin ko..."

"A-Ano nga yun? Tungkol kay Z-Zayn? A-Anong tungkol sa kanya?"

Hindi siya sumagot agad kaya naman lalo akong kinakabahan.

"Kinausap kasi niya ko kanina. Tungkol sa'yo..."

"T-Tungkol sa'kin? A-Ano namang sasabihin nun tungkol sa'kin?"

"Sabi niya... may gusto ka daw sa kanya. Totoo ba yun Sophia?"

"Ano?!"

Bakit naman yun sinabi ni Zayn?! Gusto ba niyang mag-away kami ni Pat?! Saka hindi pa nga ako umaamin sa kanya eh! Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko kay Patricia ngayon. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa. Ano namang nakakatawa?

"Come on. I'm just kidding. Nakakatawa ka talaga." Tumawa naman siya doon. "Alam ko namang wala kang gusto dun." Nakahinga ako ng maluwag. Sigh. Akala ko alam na niya eh.

"Ang totoo niyan tatanungin sana kita kung may problema kayong dalawa."

"Kami? Ni Zayn? Eh lagi naman kaming may problema nun eh."

"Bes, di ko alam kung anong problema mo sa kanya pero kasi kinausap na ko ni Zayn at ang sabi niya iniiwasan mo daw siya. Hindi daw niya alam kung may nagawa o nasabi siyang masama para gawin mo yun. Kaya pinakiusapan niya ko na kausapin ka."

"Ha? Eh h-hindi naman ako galit sa kanya. Ang totoo niyan eh... ano... uhm... kasi..."

" Alam ko na! Siguro iniiwasan mo si Zayn dahil nagseselos si Ken ano?!"

Alam na rin kasi nila na MU kami ni Ken. Kahit ilang beses kong sabihin na magkaibigan lang kami eh ayaw nilang maniwala.

"Ha... O-Oo. Ganun na nga. N-Nagseselos si Ken."

"Wow. Ang sweet naman. Kinikilig ako sa inyo! Eeeee... Matanong ko lang. Ano nga bang status niyo?"

"Ha? Status? Magkaibigan nga kami."

"Weh?"

"Ano ba... W-Wala pa sa isip ko yan. Ba't ba ayaw niyong maniwala."

"Eh di kasi kapani-paniwala. Pero gusto mo din ba siya?"

"H-Ha? Ano ba Bes... sabing wala pa sa isip ko yan eh."

"Okaaay. Kunwari convinced ako eeehhh! Basta bagay kayo!"

Hihirit pa sana ko kaso dumating na si Daddy at gaya nga ng sabi ni Pat eh sa amin siya sumabay pauwi. Kahit papano gumaan yung pakiramdam ko dahil alam kong hindi pa nila alam na may nararamdaman ako para kay Zayn at hindi ko hahayaang malaman nila yun.

***

Finals na tomorrow. Kaya eto eh todo-todo aral ako. Two weeks ago pa nung nagsimula akong mag-aral. Gusto ko kasing maperfect yung mga major subjects namin. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng tumunog yung cellphone ko.

Johanna calling...

Si Johanna? Kapatid ni Zayn? Ang tagal ko na tong hindi nakikita at nakakausap ah. Bakit naman kaya siya tumawag.

CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now