Chapter 35

5.4K 94 20
                                    

THIRTY-FIVE


Patricia's POV

Tanghali na ko nagising dahil gabi na din kasi ako nakatulog. Nagskype pa kasi kami ni Zayn. Nakakatuwa nga yun eh kasi pagkapatay ko ng computer sa phone naman kami nag-usap. Nasorpresa talaga ko sa ginawa niya kahapon. At the same time kinilig. Ayan napapangiti na naman tuloy ako. Haha.

Una kong naisip kahapon si Sophia. Akala ko kasi siya ang gusto ni Zayn. Nagworry din ako na baka masaktan si Bes sa ginawa ni Zayn pero hindi naman siguro. After all, I'm sure na wala siyang gusto kay Zayn.

Nagmahal na ko noon kay Ken and wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ulit yung puso ko para kay Zayn. Pero ayoko pang maging kami. Ayoko munang magpaligaw. Bata pa kami at kung mahal niya talaga ko makakapaghintay siya.

About me and Ken, magkaibigan pa din naman kami. At alam kong mas sasaya siya kay Sophia. Bagay nga sila eh and I think may feelings din si Sophia towards Ken.

Kinuha ko yung phone ko. May unread message. Pagbukas ko galing kay Zayn. Automatic na napangiti ako. I think mahal ko na nga 'to. At sa mga ginagawa niya, mas lalo ko pa siyang minamahal.

Sophia's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana. Hay di ko pala nasara yung kurtina kagabi. Medyo asar akong tumayo at sinara yung kurtina. Kahit naman kasi inaantok pa ko alam kong di na ko makakabalik sa pagtulog. Pagkatapos kong ayusin yung kurtina, sunod ko namang inayos yung kama ko. Pero bigla akong napatigil at napatingin sa sarili ko.

Naka-uniform pa ko. Nakatulog ako ng naka-uniform. Ibig sabihin...

Totoo. Totoo lahat ng nangyari kahapon at hindi yun isang panaginip o bangungot.

Napaiyak na naman ako. Yung mga ala-ala kahapon na pilit kong kinakalimutan kagabi bumabalik na naman. Sana di ko na lang naalala. Sana panaginip na lang lahat. Sana di na muna ko nagising. Hindi ko namalayan na naluluha na naman ako.

Kinuha ko yung kaisa-isang picture ni Zayn na nasa akin. Yung picture na nakuha ko noon kay Johanna. Kumuha ko ng tape at dinikit ko yun sa pader.

"Bakit?! Bakit ako nasasaktan ng ganito dahil sa'yo?! I hate you Zayn! I hate you!" Mukha akong timang na kinakausap yung picture niya. Kumuha ko ng lapis at dinuro ko yun sa mukha niya. "I hate you! Bakit kasi ikaw pa?! Pa-fall ka eh! Pa-fall!" Sa sobrang gigil ko nabali yung lapis at nabutas na rin yung picture ni Zayn.

"Bakit kasi ikaw pa?! Bakit... Bakit..." patuloy pa din akong umiiyak. Hinablot ko na yung picture ni Zayn at tinapon sa basurahan. Pero lalong nadagdagan yung inis ko dahil hindi na-shoot. "Argh!!! Bwisit!!!" Lumapit ako sa picture ni Zayn at crinumpled ko yun. Di pa ko nakuntento at pinilas pilas ko pa yun tapos tinapon ko na sa basurahan. Umiiyak pa din ako kaya napaluhod na lang ako.

Naisip ko... kung umamin ba ko kay Zayn noon pa... magkakaganito ba? Mababago ba yung sitwasyon? Tss. Ano ba namang klaseng tanong yan Sophia?! Malamang hindi! Umamin ka man noon hindi mo mababago na si Patricia yung mahal niya! Si Patricia yung gusto ng mahal mo! Matagal tagal din akong umiyak hanggang sa wala nang mailabas yung mga mata ko. Napagod na ko.

Tumayo na ko at naligo. Nagpalit na din ako ng damit dahil siguradong papagalitan ako nila Mommy kapag nalaman nilang natulog ako ng naka-uniform. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili humarap ako sa salamin at ngumiti. Mga 3 minutes ko din yung ginawa. Kailangan hindi nila makita yung nararamdaman ko. Masayahin akong tao at ngayon lang ako magpapanggap na masaya dahil sa isang lalaki.

Lalaki. What a reason.

Pinili kong magstay pa ng 30 minutes sa kwarto ko kahit na gutom na gutom na ko. Hindi kasi ako naghapunan. Pinili kong wag munang bumaba agad para pagbaba ko hindi na masyadong mugto yung mata ko at para hindi na halatang umiyak ako. Pagbaba ko nakakain na sila. Nasa living room sila at nagkwekwentuhan about sa nangyari sa "Valentine's Day" nila. Si Ate pa nga yung naabutan kong nagkwekwento at mukhang masaya sila. Buti pa sila.

"Good Morning Princess!" Bati sa'kin ni Daddy. Nginitian ko na lang sila. Gutom na gutom ako pero ewan ko ba dahil konti lang yung nakain ko. Pagkakain ko umakyat na ulit ako sa taas.

Buong araw lang akong nasa kwarto. Inaaliw ko na lang yung sarili ko sa panonod ng TV, pagbabasa, pagkain, pagtulog, pagtugtog ng gitara at pagco-computer. Kasalukuyang nagbabasa ako ng Math Book ng biglang pumasok si Ate. Medyo nainis ako dahil hindi man lang siya kumatok pero okay lang. Si Ate naman yun eh.

"Bakasyon na aral pa din?" Bungad niya sa'kin.

"Ate, hindi pa vacation. 1 month pa kaya. Saka malapit na rin ang finals."

"Whatever." Akala ko lalabas na siya pero umupo siya sa may paanan ng kama ko. Sa harap ko. Nakadapa kasi ako. "May problema ka noh?"

"Huh? Wala noh." Sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin.

"Meron nga. Hindi ka makatingin eh." Tumayo ako at pumunta sa may bookshelf. Pinalitan ko ng English book yung Math Book na binabasa ko.

"Wala nga. Kulit naman eh."

"Okay. Basta di pa rin ako convinced. Dun lang ako sa kwarto ko. Kapag handa mo nang sabihin sa'kin yan katukin mo ko." Pagkasabi niya nun lumabas na siya.

After 3 minutes lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa kabilang pinto.

"Ate... Ate..." nakakadalawang tawag pa lang ako nang binuksan ni Ate yung pinto.

"Ate..." niyakap ko siya saka ko umiyak. Medyo nagulat si Ate pero pagkatapos nun hinimas lang niya ko sa likod at sinarado niya yung pinto. "Tara upo tayo." Sabi niya saka kami umupo sa kama niya.

"Ate... ang sakit... ang sakit sakit..." hindi ko alam kung ilang beses pero paulit-ulit kong sinasabi yan kay Ate. Hindi naman siya nagsasalita at hinihimas lang niya yung likod ko.

"Ano bang nangyari?" Kinuwento ko kay Ate lahat. Pagkatapos ko ngang magkwento naiiyak na din siya. Siya daw kasi ang nasasaktan para sa'kin.

"Ate kasalanan ko 'to eh. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Masyado kong nag-assume."

"Sis wag kang umiyak. Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi ka naman mag-a assume kung wala siyang mga sinabi sa'yo na dahilan para mag-assume ka eh. Wala ka namang kasalanan. Nagmahal ka lang."

"Mahal? Crush lang ba 'to o love na? Masyado pa kong bata diba para magmahal? Masyado pa kong bata para maging brokenhearted at masaktan dahil sa pag-ibig."

"Wala namang edad pag nagmahal. Walang pinipiling edad, tao, oras at panahon ang pag-ibig. Wala namang nagsabi na bawal magmahal kapag bata pa." Nagpause siya saglit. "Siguro... kaya lang nila sinasabi na bawal pa, dahil kadalasan na hindi pa ganoon kamature ang utak kapag bata pa. Kaya iniisip nila na.. hindi capable sa love."

"Ate naiinggit tuloy ako sa inyo ni Kuya Michael. Buti pa kayo masaya sa relasyon niyo. Buti ka pa, mahal ka din ng mahal mo."

"Wag ka mainggit Sis. Hindi din naman madali ang pumasok sa isang relasyon eh. Hindi rin madali ang ganito."

"Ate salamat ha. Kung wala ka, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

Buti na lang may karamay ako.


Ang swerte ko na siya ang naging Ate ko.


CrushMate [COMPLETED]Where stories live. Discover now