SDTR: Kabanata 23

122K 3.7K 432
                                    

SDTR: Kabanata 23

Namayani ang katahimikan saaming dalawa ni Briana, nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit ko sakanya. Maging ang mukha niyang tinapunan ko ng juice ay kitang kita pa rin ang pagkapoot saakin.

"Mommy? Mama Claire?" Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Sebastian mula sa tagiliran ko, bumaling ako sakanya at mukhang katatapos lang niyang maligo dahil kita ko ang pulbo sa katawan niya.

"Are you guys fighting?" Tanong niya gamit ang maliit na boses, halos kurutin ang puso ko nang makita ko ang mga mata ni Ethan sakanya.

Lumapit si Seb saaming dalawa at hinawakan niya ang kamay namin ni Briana at pinagtagpo iyon, "Don't fight, sabi ni Daddy bad daw ang nakikipag away." Malungkot na sabi ni Seb na mas nagpatunaw sa puso ko, nakatingala siya saaming dalawa ni Briana.

Pakiramdam ko babagsak nanaman ang luha ko, isang bata ang nakakapag palambot ng puso ko ngayon. Hindi lang siya basta bata na kilala ko, dahil itong batang ito ang anak ng lalaking mahal na mahal ko. Marahan kong hinila ang kamay ko palayo kay Briana at pilit kong pinatatag ang boses ko upang hindi bumagsak ang luha ko.

Tinitigan ko muna si Seb bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang pagiging isang talunan. Heto nanaman ang traydor kong luha, nagbabadiya nanamang tumulo sa pisngi ko. Kung sana mababago ng luha ang panahon ayos lang saakin umiyak ng umiyak. Kung sana mababago ng mga luha ko ang kapalaran ko ngayon hindi na sana ako nasasaktan ng ganito, hindi na sana ako umaasa na sana isang araw magising ako dahil panaginip lang pala ang lahat ng ito.

Lumipas ang dalawang araw at punong puno pa rin ng pait ang puso ko. Para silang isang buong masayang pamilya sa tuwing madadatnan ko sa sala namin, tinatawag ako ni Mama na makihalubilo sakanila pero hindi ko iyon sinusunod dahil ayokong magkunyare na maayos na ang lahat saakin. Si Dad naman tinatangka akong kausapin pero pilit ko siyang binabaliwala, ayokong marinig ang kahit anong sasabihin niya. Anak niya ako, pero bakit hindi ko maramdaman iyon ngayon sakanya? Bakit pakiramdam ko ako ang sampid sa pamilyang 'to? Kung sana lang sa bawat desisyon na ginagawa ng pamilya ko ay isinasali nila ako, hindi sana magiging ganito ang pamilya namin ngayon.

"Nasa taas si Jenica, dalawang araw na nga siyang hindi lumabas." Sabi saakin ni Kuya Justine nang makarating ako sa bahay nila sa Antipolo, napag pasiyahan ko na kasing ako na ang dumalaw sakanya para naman may makausap sa nangyayari sa buhay ko. Ang hirap din pala kapag pakiramdam mo mag isa ka nalang.

Kumunot ang noo ko, "Kuya? Sabi saakin ni Jenica abala siya sa business niyo?" Pagtataka ko, sa dalawang araw kasi na pagtawag ko kay Jenica palagi niyang sinasabi saakin na busy siya at hindi kami pwedeng magkita.

Uminom ng tubig si Kuya Justine at umiling, "Knowing Jenica? Hindi mo yan mapapatambay sa opisina ni Dad," Tumatawang sambit ni Kuya Justine na nagpakaba saakin.

"Mas gugustuhin niyang gumimik gabi gabi, himala nga dahil dalawang araw siyang nanahimik sa bahay. Mabuti na rin yon, napapadalas na rin kasi ang pag inom inom niya." Litanya ni Kuya, mas lalong nabalot ng pagtataka ang isip ko at napangiwi ako.

"May problema ba siya?" Usisa ko, "I don't know, akyatin mo nalang. Aalis na ako, may meeting pa akong hinahabol." Paalam saakin ni Kuya Justine atsaka hinalikan ako sa pisngi. Pero natigilan siya at tinignan akong mabuti, "Siya nga pala, nakikipagkita ka pa ba sa isang Cando?" Biglang singit ni Kuya Justine na nagpakunot sa noo ko, umiling ako bilang sagot.

"Why?" Namamaos na tanong ko, huminga ng malalim si Kuya Justine at umiling iling. "Mabuti kung ganon, layuan mo na siya." Aniya atsaka iniwanan akong nagtataka doon, siguro ay nalaman na rin niya ang tungkol kay Ethan.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon