SDTR: Kabanata 39

148K 4.1K 269
                                    


SDTR: Kabanata 39

"Happy birthday, Claire!" Sigaw nilang muli na nagpabalik sa akin ng katauhan ko, lumapit sa akin si Jerome para pahipan ang kandila kaya naman hinipan ko iyon at halos magtatalon sa tuwa si Jenica.
"Early celebration ng birthday mo! Sayang nga lang at nasa Manila si Kuya Justine, tara na sa dining area nagluto si Tita Pola ng pagkain bago siya pumunta sa inyo kanina." Anyaya ni Jenica at saka hinila na nila ako papunta sa hapag, masyadong maraming pagkain kaya naman halos mabusog na ako kahit na tignan ko pa lang ang lahat ng iyon.

"Gaga! Bakit hindi nalang si Claire ang pagdesisyonin natin, tutal naman birthday niya yon." Sambit ni Jamille habang kumakain na kami ng chocolate ice cream matapos ang mabigat na tanghalian, kanina pa kasi nangungulit si Jenica na gusto niyang pumunta ng Sagada dahil sa napanood niyang movie noong isang araw.

"Sige na, Claire." Pagpupumilit niya.

"Ah, kayo nalang siguro. Tama na sa akin yung isang beses lang magcelebrate." Sagot ko sa kanila na nagpababa ng balikat ni Jenica, napansin ko naman ang titig sa akin ni Jerome kaya naman iniwasan ko iyon.

Noong nakaraang buwan ay plano naming kumain sa mga masasarap na restaurant dito sa Baguio sa darating na birthday ko, pero pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana dahil sa mga nalaman ko mula sa sakit ko.

Buong pamilya ko ay may alam tungkol sa kalagayan ko, ako lang ang kaisa isang hindi nakakaalam samantalang katawan ko ito. Kung ipagdiriwang ko man ang kaarawan ko ay ayokong magmula ito sa kasinungalingan, ayokong maging masaya dahil lang sa isang kasinungalingan.

"Gabi na ah, bakit hindi ka pa pumasok sa kwarto." Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Jerome mula sa likod ko, kanina pa ako nakatayo dito sa patio nila Jamille at nag iisip ng napaka raming bagay. Nag iisip kung hanggang kailan ako mabubuhay sa kasinungalingang pinili ng pamilya ko.

Niyakap ko ang sarili ko at humarap ako kay Jerome, pinagmasdan ko ang mukha niya, pero ni isang alaala ay walang bumabalik sa isipan ko. Nakakainis dahil kahit anong gawin ko ay wala akong maalala.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Natatawang aniya, sandali akong lumunok, gusto kong magtanong sa kanya, gusto kong itanong kung may alam ba siya sa buhay ko at anong parte ba ang mayroon siya sa buhay ko. Pero natatakot ako dahil kung may malaking parte siya sa buhay ko ay dapat noong unang pagkikita palang namin ay sinabi na niya sa akin ang katotohanan, o baka naman kasabuwat siya ng pamilya ko sa kasinungalingang dala dala ng buhay ko ngayon?

"Hindi naman, iniisip ko lang kung ano ba ako sa nakaraang buhay ko." Bulong ko, napansin ko ang pagkunot ng noo niya.

Ngumiti ako sa kanya, "Hindi ba't may kasabihan nga na, nabuhay na tayo noon. Hindi ka ba nacu-curious sa naging buhay mo noon? Masarap sigurong alalahanin kung ano ka dati." Mapait na sambit ko, pinilit ko pang siglahan ang boses ko pero alam kong bigo ako upang gawin yon.

Ngumiti siya at naglakad papunta sa gilid ko, namulsa siya at huminga ng malalim. "Siguro sa dating buhay ko isang matalik na magkaibigan tayo." Ngumingising aniya na nagpabaling sa akin sa kanya.

Tumingin din siya sa akin at mas ginandahan niya ang ngiti sa akin, "Marami siguro tayong naging memories na alam kong kaiinisan mo, isa siguro akong bully na sasalungat sa lahat ng kagustuhan mo dahil ayokong masaktan ka, pero kalaunan alam kong kakampihan kita dahil hindi ka matatanggihan nito." Itinapat niya ang kamao niya sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kung saan nandoon ang kanyang puso saka siya humugot ng napakalalim na paghinga.

Claire, what happened 4 years ago? Bakit lahat ng tao sa paligid mo ay takot na masaktan ka?

Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso ko at hinarap niya ako sa kanya saka tinitigan sa mga mata. "Matulog ka na." Simula niya at hinaplos ang braso ko.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon