SDTR: Kabanata 18

144K 3.4K 425
                                    

SDTR: Kabanata 18

Napangiti ako nang mabuksan ko ang unit ni Ethan, binigay niya kasi saakin kagabi yung password ng unit niya bago niya sabihin saakin kung saan ang floor ng unit ni Ara. Nagkausap na kaming dalawa ni Ara sa wakas, at doon ako natulog sakanya kagabi. Namiss ko siya ng sobra, tinatamad nga siyang pumasok ngayon sa studio dahil ngayon nalang ulit kami nakapag-kita. Pero syempre may schedule na siya eh.

Nadatnan kong natutulog si Ethan doon sa mahabang sofa, naka-top-less nanaman siya habang nakapajama. Nakatakip sa mukha niya ang isang libro. Mukhang nakatulugan niya ang pagbabasa.

Marahan akong lumapit sakanya at napangiti ako nang mabasa ko ang title ng binabasa niyang libro.

'What a Son needs from His Dad' na sinulat ni Michael A. O'Donnell. Talaga nga namang gustong gusto niyang maging mabuting ama kay Sebastian.

Marahan kong tinanggal iyon sa pagkakatakip sa mukha niya at napangiti ako dahil ang himbing himbing ng tulog niya. Mapayapa na para bang wala siyang iniisip na problema, yung mapilantik niyang pilik mata na talaga namang hinahangaan ko, yung matangos niyang ilong at yung medyo namumula niyang labi na masarap halikan.

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya at tumungo ako para maabot ang labi niya ng labi ko, mukhang nagising ko siya sa halik ko dahil nagmulat siya at pipikit pikit niya akong tinignan. Marahan niyang kinusot ang mata niya bago niya ako hinila at idinapa sa ibabaw niya. Napangiti ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya saakin pero iniiwasan niyang mabangga ang tattoo ko dahil medyo masakit pa iyon.

"Kanina ka pa?" Tanong niya sa namamaos na boses, "Hindi naman, kararating ko lang." Sagot ko sakanya.

Tumingala ako para matitigan ko siya, nakapikit pa rin siya at mukhang antok na antok. "Nagkausap na kayo ni Ara?" Tanong niya habang nakapikit pa rin.

"Uhm. Okay na kami, tinanong niya nga ako kung paano ko nalaman kung saan siya nakatira, pero nginitian ko lang siya." Sagot ko sakanya.

"Wala nang tampo?" Tanong niya ulit, umiling iling ako kahit nakapikit pa rin siya. Marahan niyang iminulat ang mata niya at tinitigan ako.

"Mukhang puyat na puyat ka ah?" Natatawang sabi ko sakanya, ngumiti siya.

"Yeah, anong oras na akong nakauwi kaninang madaling araw. Tinapos ko yung report kay Dad." Sagot niya saakin, umalis ako sa pagkakadapa sakanya at hinila ko siya para gawing unan ang hita ko atsaka marahan kong hinilot ang sintido niya.

"Baby..." Bulong niya habang nakapikit.

"Masyado mong pinapagod ang sarili mo, magpahinga ka naman minsan. Pagod ka na nga sa school tapos mas lalo ka pang mapapagod sa pagtatrabaho." Suway ko sakanya, masyado kasi niyang pinapagod ang sarili niya, kung minsan nakakalimutan na niyang alagaan yung kalusugan niya.

"I'm alright baby." Sagot niya saakin, "Kahit na, tignan mo nga yang itsura mo puyay na puyat ka." Naiinis na sabi ko sakanya, hinuli niya ang kamay ko at marahan na pinaghahalikan iyon. Pagkatapos ipinatong niya ang kamay ko sa ibabaw ng kaliwang bahagi ng dibdib niya, sobrang bilis ng tibok non na para bang may isinisigaw na kung ano.

"Okay lang ako baby. Saka kailangan kong gawin 'to. Alam mo naman kung bakit diba? Para kay Sebastian, para sayo." Paliwanag niya saakin na nagpakurot sa puso ko.

"Naiintindihan ko Ethan, pero isipin mo naman ang sarili mo." Pag aalala ko sakanya, ngumiti siya at tumango. "Yes boss!" Nginisian niya ako at muli niyang hinalikan ang kamay ko.

"Anong oras klase mo?" Tanong niya, "3 o'clock." Sagot ko sakanya.

Tumingin siya sa wall clock, alas onse palang naman ng umaga. "Kain tayo sa labas." Yaya niya saakin, natigilan ako. Ewan ko ba, parang may kung anong pumipigil saakin na h'wag kaming mag-date sa labas. Oo, dahil na rin sa takot na baka makita kami ni Briana, ayoko namang palalain pa yung magiging kaso ni Ethan.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon