SDTR: Kabanata 47

152K 4.1K 569
                                    


SDTR: Kabanata 47

Binuksan ko ang dalawang mata ko nang marinig kong parang may kausap si Ethan mula sa cellphone niya. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ko nang maramdaman kong nakaunan ako sa ibabaw ng dibdib niya habang ang kaliwang braso niya ay nakapalibot sa balikat ko.

"Yes, paki-cancel lahat ng meeting ko. At ibigay mo lahat ng papers kay Sir.Marcus mo." Dinig kong sambit niya na siguro ay sekretarya niya ang kanyang kausap, "I don't care, just fucking tell them na hindi ako pwede ngayon." Punong puno ng iritasyon ang boses niya na para bang kanina pa siya nakikipag talo sa kausap niya.

"Ako na ang bahalang tumawag kay Dad." Pagtatapos niya, tumingala ako sa kanya at kusang nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Halos matawa ako sa pagkakakunot ng noo at pagkakadikit ng dalawang kilay niya kaya pinag hiwalay ko iyon.

"Ang aga aga nakasimangot ka." Natatawang suway ko sa kanya na siyang nagpangisi naman rin sa kanya.

Itinaas niya ako at inabot niya ng labi niya ang labi ko ng sandaling halik. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang pagmamahal na pinagsaluhan namin kagabi ni Ethan, hinding hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa pakiramdam na iyon.

"Good morning." Bati niya nang matapos ang halik sa akin. Pinadulas niya ang hintuturo niya sa ibabaw ng ilong ko patungo sa labi ko.

"Importante yata yung meeting mo ngayon." Pag iiba ko ng usapan.

"H'wag mo nang isipin yon, baby, nandoon naman si Marcus." Namamaos na sagot niya sa akin.

Ipinatong ko ang kamay ko sa matipunong dibdib niya at pinakinggan ko ang nagwawalang pagtibok ng puso niya. Sobrang lakas at bilis non na para bang walang sino man ang makapag-papakalma ng nararamdaman niya.
Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko kaya naman mas lalo akong yumakap sa kanya ng sobrang higpit.

"I'm sorry." Bulong ko, huminga siya ng malalim at hindi ko alam kung paano niya nagawang idapa ako sa ibabaw niya ng ganoong kabilis!

Sa loob ng makapal na blanket ay nagtatama ang katawan naming parehong walang suot na kahit anong saplot kaya naman hindi maiwasan ang pamumula ng mukha ko.

Pinagtagpo niya ang mata naming dalawa habang inaayos niya ang buhok ko na nakatabig sa mukha ko. "Tama na ang sorry, masaya na ako na marinig mula sayo na mahal mo ako." Malambing na sambit niya.

Ikinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at ginawaran niya ng matamis na halik ang noo ko na siyang nagpawala sa puso ko. "Ethan.." Tawag ko sa kanya nang yakapin niya ako mula sa pagkakadapa sa ibabaw niya, hindi ko maiwasan ang paglunok dahil sa nararamdaman ko ang sa kanya doon sa gitna.

"Baby, I wanna hear you moan my name again." Namamaos na sambit niya at dumausdos ang mainit niyang palad sa baywang ko pababa sa hita ko. Hinampas ko ang dibdib niya at halos magustuhan ng pandinig ko ang halakhak niya.

Gaano ko ba kinasabikang marinig ang maganda at totoong halakhak niya? Isa na siguro ito sa ipagpapasalamat ko araw araw, na marinig ang mga halakhak at ngisi niya sa tuwing gigising ako sa umaga.

"Umagang umaga, Ethan." Suway ko sa kanya pero ang totoo ay naaabala na ako sa paghaplos ng mainit niyang palad sa katawan ko.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya, "I don't care, umaga, tanghali, hapon, gabi. Hinding hindi kita pagsasawaan." Paglalambing niya at maingat na niya akong inihiga sa malambot na kama niya saka niya sinimulang bigyan ng maliliit na halik ang mukha ko, pababa sa leeg ko. 

Ramdam na ramdam ng balat ko ang mainit na paghinga niya sa bawat halik na ibinibigay niya sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang huminto siya sa pagitan ng dibdib ko at ikinulong ng dalawang palad niya ang magkabilang dibdib ko saka marahan at maingat na pinisil iyon.
"Uhm, Ethan." Tawag ko sa kanya na sa tingin ko ay nagustuhan niya dahil mas lalong lumalim ang paghalik niya sa katawan ko at alam kong nag iwan siya ng marka doon.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon