SDTR: Kabanata 41

163K 3.7K 444
                                    


SDTR: Kabanata 41

Iminulat ko ang mata ko at naramdaman kong may nakahawak sa kanang kamay ko. Pinagmasdan ko iyon at nakita ko ang natutulog na si Ethan sa tabi ko habang nakayuko doon sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Nandito na ako ngayon sa unit niya at hindi ko na alam kung paano ako nakarating dito matapos akong mawalan ng malay sa grand opening ng coffee shop.

Unti unting tumulo ang luha ko nang muli ko siyang mapag masdan. Dahan dahan kong iniangat ang isang kamay ko upang abutin ang buhok niya.

"I..I'm sorry." Umiiyak na bulong ko, hindi ko akalain na sa isang iglap lang ay makakalimutan ko ang lahat ng tungkol sa lalaking mahal na mahal ko.

Sinaktan ko siya ng sobra sobra. Kahit naman siguro ako yung makalimutan niya ay masasaktan din ako. Pinilit kong punasan ang luha ko nang maramdaman ko ang maingat na pag kilos niya, napabalikwas siya ng upo nang makita niyang gising na ako. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko na naging dahilan upang lumundag ang puso ko.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala. "May masakit ba sayo? Saan? Tell me--" Aligagang aniya at umupo na siya sa gilid ng kama.

Hinayaan ko lang siya, pinag masdan ko lang kung paano siya mag alala sa akin. God, miss na miss ko ang taong ito.

"Claire, baby." Namamaos na bulong niya at saka inayos niya ang magulong buhok ko. Yung paraan ng pagtawag niya sa akin ay mas lalong naghatid ng saya sa puso ko lalo na ngayong...

Naaalala ko na ang lahat sa aming dalawa.

"Okay lang ako." Bulong ko.

Mariin niyang ipinikit ang mata niya at hinalikan ang ibabaw ng kamay ko. "Nag alala ako sayo, damn it." Bulong niya, hinayaan ko lang siya sa mga ikinikilos niya.

I'm sorry, Ethan kung masasaktan pa rin kita. Hindi ko pwedeng sabihing naaalala ko na ang lahat dahil natatakot akong mapalayo ulit sayo. Napaka makasarili ko ba?

Hindi ko lang lubos matanggap na mas pinili ng pamilya ko na mabuhay ako sa isang kasinungalingan sa loob ng apat na buwan.

Pinipiga ang puso ko dahil hindi ako lubos na makapaniwala na sariling pamilya ko rin ang tatrydor sa akin. Siguro nga ay iniiwasan lang nila na masaktan ako, pero sa ginawa nila ay mas lalo lang akong nasaktan, sirang sira na ako at hindi ko alam kung saan ko sisimulang buuin ang sarili ko.

Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pag-click ng camera niya. Nginitian ko siya at hindi ako makapaniwala sa pagkinang ng mga mata niya dahil sa ngiting ibinigay ko sa kanya, muli niyang itinaas ang camera at nagsimula siyang kuhanan ako ng kuhanan.

"Tama na." Natatawang suway ko sa kanya, ngumisi siya at ibinaba ang camera. Lumang camera ang gamit niya, ang sabi niya sa akin ay iyon daw ang camera pa ng Daddy niya noong nagsisimula palang itong maging sikat na photographer.

"It's been one week, ayaw mo pa bang bumalik sa Baguio?" Biglang sambit niya, nag iwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik ko ang tingin ko doon sa city lights. Nasa rooftop kami ng tower ng condo niya dahil nagkaroon ng problema sa electricity ang buong building kaya naman dito kami nagpapahangin ngayong gabi.

Hindi ko pa rin inaamin sa kanya na alam ko na ang katotohanan, pero sinigurado kong mababawasan ko ang sakit na dinaramdam niya sa pamamagitan ng paglagi ko sa tabi niya.

"Natatakot ako." Sagot ko sa kanya, "Alam mo yon? Hindi ko alam kung tama pa bang bumalik ako sa lugar kung saan pakiramdam ko makukulong ako sa kasinungalingan." Bulong ko, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin, bumaling ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. Hinayaan kong pagsalikupin niya ang daliri naming dalawa na naghatid ng kaunting init sa palad ko.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon