SDTR: Kabanata 5

203K 4.1K 522
                                    

SDTR: Kabanata 5

Umayos ng tayo si Ethan at pilit niyang iniiwasan ang mga mata ko.

"Pumasok ka na sa loob,magpahinga ka na." Aniya habang nakatungo, bumaba ako sa motor niya at hinawakan ko ang braso niya, nanlaki ang mata ko nang mapansin kong tumayo ang balahibo niya.

"Claire!" Hiyaw niya, lumayo ako sakanya at napalunok ako ng sunod sunod.

"B-bakit ka ba natatakot? Hindi dapat Ethan, dahil kung pakiramdam mo nahuhulog ka na, hindi mo kailangang pigilan yan." Sabi ko sakanya, hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para sabihin sakanya iyon, pero kung hindi ko naman sasabihin sakanya sigurado akong pagsisisihan ko.

Tinignan niya ako ng sobrang lalim.

"Hindi mo naiintindihan." Seryosong sabi niya atsaka sumakay na siya ng motor niya, pipigilan ko sana siya pero mabilis niyang pinaandar ang motor niya.

"Kasalanan 'to ng magkaibigan eh, hindi tuloy pumasok yung kambal." Narinig kong bulong ng isang babae mula sa likod ko, may klase na ako ngayon at simula nang pumasok ako wala akong ibang naririnig kundi ang pag absent nung dalawang magkapatid.

Wala si Ara, kaya wala akong kasama ngayon dito sa school, hanggang ngayon hindi ko matanggap sa sarili ko na ginulo ko ang tahimik na buhay ng kaibigan ko, pero sana...maging maayos sila ni Marcus, dahil sa tingin ko may pupuntahan yung tadhana nilang dalawa.

Panay pa rin ang bulungan ng dalawang babae sa likod ko, panay ang sabi nila na nasa loob naman daw pala ang kulo namin ni Ara, ngumuso ako at umiling iling. Palibasa kasi nagpapaka trying hard sila para lang mapansin ng magkapatid.

Sa pagkakaalam ko sinundan ni Marcus si Ara sa Lucban, pero si Ethan, hindi ko alam kung bakit wala siya ngayon.

Gusto ko siyang itext pero may pumipigil saakin na h'wag. Hindi ko maintindihan kung bakit natatakot siyang mahulog saakin. Huminga ako ng malalim at nagsulat nalang ako nang nagsulat ng pangalan ni Ethan sa likod ng notebook ko, nakakabaliw mahalin ang isang Cando. Bakit ganito?

Panay rin ang kagat ko sa ibabang labi ko dahil naaalala ko kung paano dumampi ang mainit na labi ni Ethan sa labi ko, nakakalasing ang halik niya, maging ang bango ng pangangatawan niya nakakawala sa sarili. Yung mga mata niyang napakalalim tumitig, yung pag asta niya na para bang napaka misteryoso niyang lalaki. Gusto ko pa siyang makilala, gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sakanya, ultimo pinaka maliit na bagay gusto kong malaman.

"Claire!" Napatigil ako sa paglalakad nang may sumigaw mula sa likod ko, katatapos lang ng klase ko at plano ko ng sumakay ng taxi. May kotse naman ako pero isa akong dakilang tamad sa pagmamaneho, atsaka isa pa pinapangarap ko talagang ipagmaneho ako ng isang Ethan Luke Cando kaya hindi na ako nagdadala pa ng sasakyan.

Lumingon ako para tignan itong nilalang na 'to. "Bwisit!" Bulyaw ko, pero nginisian niya lang ako at lumapit siya saakin.

"Tapos na ang klase mo? Tara hahatid na kita." Anyaya niya, hinawakan kong mabuti ang libro ko at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Kaya kong umuwi mag isa." Bulyaw ko sakanya, ngumisi siya at umiling iling.

"Dali na," Aniya at hinila niya ang kamay ko, pero nakipag hilahan ako sakanya.

"Ano ba Jerome!!" Hiyaw ko sakanya, huminto siya at tinitigan niya akong mabuti.

"Sige na, gumimik tayo nila Justine. Hindi mo ba ako namiss kasama?" Natatawang sabi niya na mas lalong nagpainis saakin.

"Hindi kita namiss, dahil magnanakaw ka!"

Humalakhak siya, "Come on Claire, hanggang ngayon hindi ka pa rin maka move on na ako ang first kiss mo? Ano ba? Dumampi lang naman ang labi ko sa labi mo ng higit limang segundo." Litanya niya na nagpalaki sa dalawang mata ko, pakiramdam ko nag init ang mukha ko dahil sa kahihiyan ko!

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon