SDTR: The Road To Forever [2]

163K 3.3K 181
                                    


SDTR: The Road To Forever [2]

Finale Part 2

Ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ko makuha ang sarili ko kung bakit pakiramdam ko ay takot ako sa isasagot niya sa akin.

Baby, please say yes.

Yung mga mata niyang nagpaloko sa pagkatao ko ay nahihilam ngayon sa mga luha niya. Ayokong makitang umiiyak siya, pero ang makitang umiiyak siya dahil sa sobrang kasiyahan ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa puso ko.

"Baby." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, but damn, kinakabahan ako. Planado ko ang lahat ng ito at hindi ko lubos maisip na kapag kaharap ko na siya sa pagkakataong ito ay maba-blangko ang utak ko.

Dad is always right, nakakawala sa sarili kapag yung babaeng mahal mo na ang pinag uusapan. After all the pain, hindi ako makapaniwala na makakarating ako sa pinaka dulo ng lubak na daan ng buhay ko kung saan nandoon yung finish line.

That damn finish line is my Claire.

Ang sarap niyang paghirapan. Lalo na at kaharap ko na siya ngayon kasama ang mga magulang namin.

As I look into her eyes, all the memories came rushing back, starting from the night that I met her, yung gabing nagpabago sa buhay ko.

"Come on, bro. Bagong kasal ka pero parang binagsakan ka ng langit at lupa." Pang aalaska sa akin ni Tyler habang tinutungga ko ang isang bote ng beer.

"Paano kung kinasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal, magdiriwang ka ba?" Pagbabalik ko sa kanya.

Uminom siya ng alak at nagkibit balikat. "Wala pa sa isip ko ang magpakasal."

"Then shut the fuck up." Sabi ko saka sinapak ko siya pero nginisian lang ako ng gago.

"Hindi ka kasi nag iingat, ikaw 'tong panay ang sabi sa akin tapos nauna ka pang mag anak kaysa sa akin." Biglang sabi niya saka tinapik ang balikat ko.

Hindi ako sumagot, tinungga ko ang alak na hawak ko saka humithit ng yosi. Magulo ang utak ko at hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat sa pamilya ko.  Lalong lalo na sa kapatid kong babae, malaki ang paghanga niya sa akin at ayokong masira iyon ng dahil lang sa isang kamaliang nagawa ko.

"Safe daw siya." Garalgal na sabi ko, tumawa siya at umiling. "Pinikot ka! Gwapo mo kasi, bro!"

"Pero, naisip mo ba minsan? Baka hindi sayo yung bata." Aniya, tinignan ko siya ng masama bago ko ibinalik ang tingin ko doon sa mga taong nagkakagulo sa VIP seats kung saan nahagip ko ang inosenteng mukha ng isang babae.

Anong ginagawa ng ganyang mukha dito sa bar? Hindi siya nababagay dito.

"Kamukha ko yung bata mag dadalawang isip pa ba ako? Binilang ko, sa akin talaga yung bata." Patunay ko, hindi ko kailangan ng kahit anong katibayan. Dahil kahit na alam kong walang kung anong pagmamahal na namamagitan sa aming dalawa ni Briana, alam kong magkaibigan kaming dalawa at hindi niya ako lolokohin sa isang bagay. Bullshit, sinubukan kong magmakaawa sa kanya na h'wag ilayo sa akin yung bata but at the end nakinig pa rin siya sa lintik na step father niya.

"Ano bang tinitignan mo dun?" Usisa ni Tyler nang mapansing kanina pa ako nakatitig doon sa VIP seats.

Napabuga siya sa pag inom ng alak. "Dude, mukhang gabi ko ngayon." Sambit niya at pinagkuskos pa ang dalawang palad na para bang may binabalak nanaman siyang kalokohan.

"Claire Lataza is now a lady." Ngumingising patuloy niya na nagpakunot sa noo ko. "Lataza?" Hindi makapaniwalang sambit ko, hinding hindi ko makakalimutan ang pangalang iyon dahil ipinangako ko sa sarili ko na darating ang panahon na mawawala ang lahat ng mayroon siya magmula nang gaguhin niya ang buhay ko.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon