SDTR: Kabanata 27

174K 3.9K 490
                                    


SDTR: Kabanata 27

Halos hindi pa rin humihinto sa pagwawala ang puso ko ngayong naglalakad na ako papalapit sa sasakyan ni Dad. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin sa labi ko ang paghaplos ng labi niya, maging ang mainit na palad niya pakiramdam ko nakahaplos pa rin sa balat ko.

"Ready?" Tanong ni Dad nang makasakay na ako sa kotse, tumango ako bilang sagot. Pareho kami ni Mama na nakaupo sa back seat, naramdaman ko ang pagtitig saakin ni Mama pero hindi ko na lang pinansin iyon.

"Sa Antipolo kami mag di-dinner ni Claire, naghanda ang Dad para sakanya." Basag ni Mama sa katahimikan, magmula kasi nang umalis kami kanina sa venue ng hotel ay tahimik lang kami. Napapaisip tuloy ako kung nag uusap ba si Mama at Dad kanina sa sasakyan nung wala pa ako.

Tumingin si Dad sa rear mirror at nakita ko ang nakakahabag na emosyon sa kanyang mga mata.

"Galit saakin ang Dad." Ani Dad at huminga ng malalim. Si Lolo ang tinutukoy ni Daddy, ang Dad ni Mama. Masasabi kong may galit nga sakanya ang Lolo dahil sa mga desisyon na ginawa niya noong nakaraan. Pero sa tingin ko naman ay magagawa siyang patawarin ni Lolo alang alang saakin.

"He wants to talk to you, alam mo kung paano magalit ang Dad." Bulong ni Mama na hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana. "I will." Sagot ni Dad.

Nang makarating na kami sa Antipolo kaagad akong sinalubong ni Jenica at Kuya Justine ng yakap. "Congratulations, Teacher Claire!" Hiyaw ni Kuya at hinalikan ang ulo ko. Niyakap din ako nila Tito Jess, kapatid ni Mama na Dad nila Jenica.

Panay ang halakhak namin pero natigilan sila nang makita ang pagbaba ni Dad mula sa sasakyan.

"Paul John." Ma-awtoridad na tawag ni Tito Jess sakanya.

"Hon, katatapos lang ng Graduation ni Claire." Suway ni Tita Kristine sa kanyang asawa.

"I know, Tine. Gusto ko lang siya makausap. Paul John, nasa office si Dad." Seryosong sabi ni Tito, marahan na tumango si Dad at sumunod kay Tito Jess.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba para kay Dad, sigurado akong panay pagkamuhi ang matatanggap niya kay Lolo at Tito Jess, pero magagawa ko naman silang makausap. Gusto kong mabuo ang pamilya namin kahit na alam kong may bahid na ito ng kalungkutan.

"Let's go, nag luto ang Dad para sa paborito niyang apo." Pagwawala ni Tita Kristine ng usapan, pumasok na kami sa loob at tinulungan namin sila Mama na maghain.

"Nagkita kayo?" Biglang untag ni Jenica saakin na nagpatigil saakin. "What?"

Umiling siya at itinikom ang bibig. Nagkibit balikat nalang din ako saka kumuha ng mga plato at tumungo sa dining area kung saan naririnig kong nag uusap si Tita Kristine at Mama.

"Sigurado ka ba jan, Tanya? Baka masaktan ka nanaman, lalo na si Claire." Mahina ang boses ni Tita Kristine pero rinig na rinig namin iyon ni Jenica, tinapik ni Jenica ang balikat ko para siguro pagaanin ang loob ko.

"Kung ako lang Tine, buo na ang loob ko na iwanan si Paul John, kahit pa may pagmamahal pa rin ako para sakanya, kaya ko na siyang bitawan ngayon. What's holding me back is Claire. Gusto ko siyang bigyan ng buong pamilya." Malungkot ang boses ni Mama na nagpapiga sa puso ko.

"Maiintindihan ka naman siguro ni Claire, at saka isa pa, 21 years ka na nagtitiis kay Paul John. 21 years ka na nagpapanggap sa harap ni Claire na masaya at buo ang pamilya niyo kahit hindi. 21 years of pain is not good, Tanya, papatayin mo ba ang sarili mo sa sama ng loob?" Napasinghap ako at hindi ko na nagawa pang pigilan ang pagpatak ng luha ko! Niyakap ako ni Jenica mula sa likuran ko at nabitawan ko ang platong hawak ko na naging dahilan ng pagkagulat nila Mama!

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon