SDTR: Kabanata 48

151K 3.7K 401
                                    

SDTR: Kabanata 48

Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi ko pa rin mapigilan yung luha ko! Hindi ko naisip na darating yung panahon na iiyak ako dahil sa sobrang kasiyahan. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya at kita kong naghihintay siya ng kasagutan ko.

"Baby." Pag aalalang tawag niya sa akin, ngumiti ako sa kanya saka tumingkayad ako upang maikulong ng dalawang palad ko ang magkabilang pisngi niya at maingat kong hinalikan ang labi niya, kasunod non ang pagpikit ko nang tugunin niya ang halik ko sa kanya.

Pumulupot ng mahigpit ang braso niya sa baywang ko saka mas lalo naming pinalalim ang paghahalikan naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ng puso ko, ayoko na sanang matapos 'to. Dahil kung matatapos ang sayang nararamdaman naming dalawa ay hindi ko na alam ang gagawin ko pa.

"It's a yes..." Namamaos na bulong niya at kasunod non ang sunod sunod na pagbusina na nagpabaling sa akin doon sa likod ko. Nakahawak pa rin si Ethan sa baywang ko pero rinig ko ang pag ngisi niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko doon sa kulay puting pick up car si Tyler na nasa loob ng driver seat na ngayon ay may pilyong pag ngisi at si Sebastian na nasa pick up compartment na may hawak hawak na kulay pulang lobo at isang kulay puting tela na may nakapintang...

"Congratulations, soon to be Mrs.Cando!"

Halos humalakhak ako dahil sa pagsigaw ni Sebastian ng nakasulat doon! Pinunasan ko ang luha ko at muli akong humarap kay Ethan upang bigyan siya ng halik sa labi na mabilis niyang tinugon! Magkakasunod na pagbusina naman ang ginawa ni Tyler upang abalahin kaming dalawa!

"Sira ulong Tyler." Ngumingising bulong ni Ethan at mas lalong pinag igihan ang paghalik sa akin!

"Hoy! Mahiya naman kayo sa bata!" Sigaw ni Tyler na siguro ay bumaba na sa sasakyan. Ngumisi ako at humiwalay ako kay Ethan, inakbayan niya ako saka naglakad kami palapit sa kanila.

Lumapit naman si Ethan kay Sebastian upang kargahin ito at maibaba.

"Good job, little man!" Ngisi niya sa anak niya at hinalikan niya pa ito sa pisngi saka kinuha niya ang lobong hawak hawak ni Seb.

"Mama Claire!!" Excited na sigaw niya at yumakap siya sa binti ko, umupo ako upang magkapantay kaming dalawa. Ngiting ngiti siya sa akin at kahit pawis na pawis siya dahil sa init ay nagagawa pa rin niyang maging bibo sa harapan namin. Pinunasan ko ng kamay ko ang pawis sa noo niya at inayos ko ang buhok niya.

"Thank you so much, Sebastian." Sambit ko, pero binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa tungki ng ilong ko at umiling iling siya.

"No, thank you, Mama Claire! Because you said yes!" Excited na sigaw niya, ngumiti ako at pinisil ko ang pisngi niya.

"Tsk, mana talaga sa akin 'to. Matalinong bata." Narinig kong sabi ni Tyler, tumingala ako sa kanya at nginitian ko siya na siyang ginantihan din naman niya. Ngayon ko lang napansin na terno sila ng suot ni Seb, pareho silang naka-black tshirt na v-neck na medyo hapit sa katawan at naka-blue jeans saka sapatos na kulay itim.

"Ulol." Singhal ni Ethan kay Tyler.

Tumayo ako at napansin kong may tinatanggal sa tali ng lobo si Ethan, napaangat ang labi ko nang makita kong dalawang singsing iyon.

Lumapit naman si Seb kay Tyler at naglaro silang dalawa na para bang nagsusuntukan pero puro halakhak nilang dalawa ang naririnig ko.

"Hey.." Tawag sa akin ni Ethan saka hinila niya ako sa kamay ko upang maiharap sa kanya, natanggal na niya yung singsing doon sa tali.

"I promise, aayusin ko ang lahat sa pamilya mo, at pagkatapos, pakakasalan na kita." Bulong niya habang sinusuot sa akin ang singsing, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, heto nanaman at parang lumulutang nanaman ako sa ere.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon