SDTR: Kabanata 44

132K 4K 456
                                    

SDTR: Kabanata 44

Sabay sabay kaming kumain nila Ara, Marcus, Ethan at Sebastian. Panay lang ang tawanan namin ngayon dahil sa pagka aliw ni Marcus sa anak niya na ngayon ay natutulog sa stroller pero ngumingiti ngiti.

"Nilalaro siya ng angel niya." Magiliw na sambit ni Ethan, napabaling ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang saya habang pinapanood si Austin na ngumingiti sa pagtulog.

"Ganyan na ganyan si Seb nung 3 to 4 months siya. Minsan nga humahalakhak nalang bigla sa kama!" Kwento niya, napangiti ako dahil hanggang ngayon ay humahanga pa rin ako sa pagiging mabuting ama ni Ethan.

"Natural lang ba yung sa madaling araw iyak ng iyak?" Pangamba ni Marcus na pinagtawanan ni Ara.

"Ano ka ba? Natural lang sa baby yon." Sambit ni Ara na panay ang ngisi sa asawa. Narinig ko naman ang mahinang halakhak ni Ethan.

"Baka puno yung diaper or nagugutom kapag ganun, pero madalas talagang sa umaga tulog ang mga baby. Kaya kapag gabi puyat ka kasi nag iingay sila." Manghang manghang kwento ni Ethan at saka pinisil ang ilong ni Sebastian na abala sa pagkain ng french fries niya.

"Daddy! Daddy! Chicosci will be having a mall tour at SM San Lazaro." Biglang sambit ni Seb lahat kami ay napabaling sa kanya.

"Chicosci nanaman anak." Natatawang sambit ni Ethan, napapitlag ako nang bigla niyang hawakan sa ilalim ng mesa ang kamay ko at ipinatong iyon sa hita niya. Ngumiti ako at hinayaan ko nalang siya sa ikinilos niya.

"Sige na, Daddy. Punta tayo!"

"Nakita mo na sila ah."

"Yes, pero iba pa din kapag kasama ka, si Mam--Tita Claire! Si Tita Ara at Tito Marcus! Mas masaya!" Excited na sigaw niya, humigpit ang hawak ni Ethan sa kamay ko.

"Seb--"

"Punta tayo." Putol ko sa isasagot ni Ethan kay Seb. Halos mamilog ang mata ni Sebastian at hindi ko maipaliwanag ang ngiti niyang abot hanggang tainga niya!

"Four o'clock in the afternoon!" Sigaw ni Sebastian at napatingin kaming lahat kay Austin nang umiyak ito ng malakas dahil kay Seb, nagtakip ng bibig si Seb at humagikhik. "I'm sorry, baby Austin." Sambit niya sa pinsan, tumawa si Ara at saka tumayo upang buhatin ang anak, nakakataba ng puso na makitang masayang masaya na ngayon ang kaibigan ko. Noon kasi ay masasabi kong hindi niya manlang maisip ang sarili niya, dahil para sa kanya ay mas uunahin niya ang pamilya niya, yung tipong kaunti nalang ang mayroon siya. Kaya naman masasabi kong deserving si Ara sa lahat ng blessings na natatanggap niya ngayon.

"You can go, hindi kami pwede ni Ara, masikip dun panigurado, kawawa naman si Austin." Paumanhin ni Marcus sa amin, bumaling sa akin si Ethan na para bang nagtatanong ang mga mata.

"Are you sure?" Usisa niya, ngumiti ako at tumango sa kanya. "Yeah." Sambit ko na mas lalong nagpahigpit sa pagkapit niya sa kamay ko, kaya naman dahan dahan kong pinagsalikop ang daliri naming dalawa na siyang napansin kong nagpapula sa mukha ni Ethan, mabilis siyang uminom ng sprite niya na may cherry syrup at napaubo pa siya ng kaunti.

Hindi ko alam pero napapangiti ako sa nagiging epekto ko sa kanya.

"Come on! Daddy! Mauubusan tayo ng seats!" Sigaw ni Sebastian at saka nanakbo siya sa loob ng mall! Marami ng tao ang nag aabang at masasabi kong talagang inaabangan ang Chicosci kahit pa medyo hindi na uso ang banda ngayon.

Pagdating namin doon sa gitnang pwesto ng mall kung saan gaganapin ang mall tour ng Chicosci ay sarado na ang VIP seats at may mga nakaupo na. Hindi na rin makikita ni Sebastian ang buong miyembero ng Chicosci, bumaling siya sa amin at lumabi siya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon