SDTR: Kabanata 8

182K 3.7K 834
                                    

SDTR: Kabanata 8

Nanatili akong nakatitig sakanya, dahan dahan siyang lumingon saakin at hindi ko kinaya ang mga titig na ibinigay niya sa akin.

Ngumiti siya ng mapait at umiling iling.

"Anong kagaguhan nanaman ba 'tong ginagawa ko?" Mapait na sabi niya, isinuot niya sa bulsa niya ang isang kamay at tumingin siya sa langit.

"Fck." Bulong niya.

"Hindi dapat kita dinadamay. I'm sorry." Natatawang sabi niya pero ramdam ko ang pagka galit niya sa sarili niya sa tono ng pananalita niya.

Kasalanan nga bang mahalin ang isang Cando? Pero bakit parang tama sa pakiramdam?

"Gusto ko rin magkasala, kung ikaw lang din naman yung mamahalin." Bawi ko sakanya, tumingin siya saakin at halos magulat siya sa iminungkahi ko.

Sinenyasan ko ang driver ng taxi na hindi na muna ako sasakay kaya naman umalis na ito.

"Claire.." Tawag niya saakin.

"Kung gugustuhin ko naman magagawa ko Ethan, pero masakit yon sa part ng asawa mo." Bulong ko, alam ko kung anong pakiramdam na lokohin ka ng taong pinakasalan mo kahit hindi ko pa nararanasan, dahil nakita ko iyon kay Mama.

"Gustong gusto ko Ethan.." Sabi ko sakanya.

"Pero ikaw na rin naman ang nagsabi diba? Mali, maling mali na ipagpatuloy pa rin nating dalawa 'to." Ngumiti ako ng marahan pero sobrang pait, panay rin ang pagkirot ng puso ko ngayon dahil tinatanggap ko ang katotohanan na hindi siya para saakin.

Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at mahigpit na pinisil iyon. "Nahuli lang ako ng ilang oras nung birthday ko diba?" Hindi ko alam na kusang tumulo na yung luha ko nang sabihin ko sakanya iyon.

"Kung mas napaaga siguro yung pagkikita natin hindi ka naman magpapakasal hindi ba?" Umiiyak at tumatawa ako ngayon habang kinakausap ko siya, marahan niya akong hinila at halos kumawala ang puso ko nang ikulong niya ako sa bisig niya.

"Mali lang yung panahon Claire, maling mali." Halos mamaos ang boses niya dahil sa pinipigilang pag iyak.

Tinanggap ko ang yakap niya ng sobrang higpit bago ko pa siya tuluyang binitawan.

"P-pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan diba?" Tumatawang tanong ko sakanya.

Hindi siya sumagot saakin.

"Please Ethan, kahit iyon nalang pagbigyan mo ako." Pakiusap ko sakanya, ikinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at marahan niyang pinunasan ang luha ko.

"K-kahit ayaw ng puso ko na maging kaibigan ka, gagawin ko. Kung anong gusto mo Claire." Nakangiting sabi niya saakin pero ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat ngiti niya.

"Thank you." Sagot ko sakanya, mabilis na akong pumara ng taxi.

Sasakay na sana ako pero hinila niya ako at halos pigain ang puso ko nang halikan niya ako sa noo.

"Friends?"

"Y-yes." Bulong ko, pinagsalikop niya ang daliri naming dalawa at siya na ang nagbukas ng pinto ng taxi, bago niya ako tuluyang pinasakay isang marahan na pagpisil sa kamay ko ang ginawa niya.

Narinig ko pang pinag ingat niya ang taxi driver bago pa ito tuluyang umandar.

Ayaw tumigil ng luha ko sa katutulo, ang tanga tanga mo Claire, hiniling mo pa talaga na maging kaibigan mo siya? Paano ka makaka-move on kung hindi mo magawang putulin ang koneksyon na mayroon sa inyong dalawa?

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon