SDTR: Kabanata 28

176K 3.7K 364
                                    

SDTR: Kabanata 28

Marahan akong pinakawalan ni Tyler nang marinig ko na ang sunod sunod na pagmumura ni Ethan mula sa likod ko! Kusang nagwala nanaman ang puso ko dahil lamang sa boses niya na tumatagos sa buong katauhan ko.

Kinindatan ako ni Tyler bago pa siya tuluyang tumalikod at humaglpak ng malakas na paghalakhak. Nanatili akong nakatalikod, ni hindi ko magawang humarap sa kanya upang pagmasdan siya dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko na itapon sa mga bisig niya at damahin ang yakap niya.

Tyler is right, kailangan kong alisin lahat ng pangamba ko sa pagkakataong ito. Kailangan kong sulitin ang mga oras na makakasama ko siya kung saan ang alam ng mga tao sa paligid namin ay kami ang karapat dapat. Handa kong suwayin ang batas ngayong araw na ito para lamang makasama ko siya ng walang pag aalinlangan.

Napasinghap ako nang madama ng kamay ko ang mainit niyang palad at marahan akong iniharap sakanya, kunot noo niya akong pinagmamasdan ngayon at nagulat ako nang punasan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya.

"Why are you crying?" Garalgal ang boses niya na nagpaangat sa labi ko, umiiyak ako?

Umiling ako at para akong bata na nagkulong sa mainit na bisig niya! Itinungo ko ang ulo ko sa dibdib niya kung saan dinig na dinig ko ang malakas na pagwawala ng puso niya. I missed this feeling, yung tipong sobrang lapit niya at damang dama ko yung init ng katawan niya, yung mabangong pangangatawan niya na sa tingin ko ay kailanman hindi naalis ang kabanguhan. Naramdaman kong ikinulong niya na rin ako sa buong bisig niya at kasabay ng pagpikit ng mata ko ang sunod sunod na pag bagsak ng luha ko.

God, I really love him. At pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kung hindi ko gagamitin ang oras na 'to para sulitin na makasama ko siya. Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

"Baby, stop crying." Bulong niya, pero mas lalo lang nag unahan ang luha ko dahil sa malambing na pag aalo niya. "Miss na miss kita." Humahagulhol na bulong ko na nagpaestatwa sakanya.

"Fuck, I miss you too. I miss you so fucking much, baby." Malalim ang paghinga niya at mas lalong humihigpit ang pagyakap namin sa isa't isa na para bang ayaw naming pakawalan ang pakiramdam na 'to.

Ramdam ko ang pagtitig ng mga tao sa paligid namin, pero wala na akong pakialam. Ang importante saakin ngayon ay yakap yakap ko siya.

Tumahimik kaming dalawa at hinayaan nalang namin na sumunod ang mga katawan namin na sumayaw sa likod ng malambing na boses ni Ara na kumakanta na ngayon.

~~ I am thinking of you
In my sleepless solitude tonight
If it's wrong to love you
Then my heart just won't let me be right
'Cause I've drowned in you
And I won't pull through
Without you by my side~~

Gustong magsumbong ng puso ko kay Ethan, gusto kong isigaw lahat ng dinadala nito dahil alam kong sakanya lang magiging kalmado ang puso ko.

Tama si Tyler, kung hindi ko iiwanan ang lahat ng hinanakit ko ay mahahayaan ko nanamang lumipas ang isang araw na hindi ko manlang makakayakap si Ethan at ayokong mangyari iyon. Gusto kong sulitin ang bawat segundo sa oras na ito dahil alam kong pagkatapos nito ay hindi nanaman siya saakin, dahil alam kong pagkatapos nito ay muli ko nanamang mararamdaman ang pagkasabik ko sakanya.

~~ I'd give my all to have
Just one more night with you
I'd risk my life to feel
Your body next to mine
'Cause I can't go on
Living in the memory of our song
I'd give my all for your love tonight~~

Ngayong kasama ko siya, kaya kong ibigay sakanya ang lahat ng mayroon ako. Lahat lahat. At kung sakaling dumating yung panahon na magkikitang muli kami, sa panahon na yon alam kong magiging malaya na siya, at sa panahon na din yon magiging malaya na rin ang puso ko na mahalin siya ng walang pangamba.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon