BS #29: PAYONG KAIBIGAN

202K 4.3K 516
                                    

BS #29: PAYONG KAIBIGAN

*****************

MELISSA QUIZON

Palabas na sana ako mula sa kusina nang makita kong magkaharap ang mag-ama sa sala. Nagtago ako sa pader na malapit sa kanila para marinig ang kanilang pag-uusap. Tingin ko ay kagigising palang ni Reid dahil magulo pa ang buhok nito. Iniwan ko kasi sila para magluto ng tanghalian.

Napatingala si Reid ng hawakan ni Wright ang kamay nito.

"Maliliit ng gagamba, umakyat sa sanga." He sings while gapping Reid's hand. Napangiti si Reid nang makaramdam ito ng kaliti dahil sa ginagawa ni Wright sa kamay niya. "Dumating ang ulan, itinaboy siya. Sumikat ang araw, natuyo ang sanga. Maliit na gagamba, ay laging masaya!"

Dinukwang ni Wright si Reid. Itinaas nito ang pajama ni Reid at binugahan ng hangin ang tiyan nito. Napakasarap sa pandinig ang tawa nito. Ang tawa nilang dalawa. Hingal na hingal silang pareho nang tumigil sa ginagawa. Nakahiga na sila pareho sa sofa bed at nakaunan ni Reid sa braso ni Wright.

"Daddy, marunong ka po bang tumugtog ng piano?" Magalang na tanong ni Reid.

Pinunasan nito ang pawis sa noo ni Reid at hinalikan doon. "Hindi, e. Tuturuan mo ba ako?"

Biglang umupo si Reid. Tumango ito. "Opo. Sa isang kundisyon."

Umupo rin si Wright. Ipinatong nito ang isang kamay sa nakataas na hita at ang isa naman ay nakatukod sa sofa. "Kahit ano."

"Magpakabait ka po. 'Wag mong paiyakin ang Mommy ko. Kasi si Mommy, love na love ko. Love din kita per-- Ay! Nadulas!"

Tumamis ang ngiti ni Wright. "Ano? Love mo na ko?"

Nag-iwas ng tingin si Reid. Namumula ang pisngi nito. "O-Opo. Ang bilin sa amin ng teacher ko, kailangang mahalin ang magulang. Daddy kita kaya mahal din kita. Kaso, bawas love points kasi po pinaiyak mo si Mommy kanina."

"Babawi ako, Anak. Pangako."

Itinaas ni Reid ang kanyang kamao at itinikwas ang hinliliit nito. "Sabi ni Ate Bobbie, kapag daw nag-pinky promise, hinding-hindi pwedeng bumali ng pangako. Kaya, Daddy, kapag napako ang pangako mo, magagalit na po ako sayo. Hindi na po kita kakausapin at hindi na rin po ako lalapit sa iyo."

"I won't let that happen." He said softly.

They pinky-promised. Ginulo ni Wright ang buhok ni Reid. Tumayo si Reid at tumalon para makababa ng sofa. Hinili nito patayo si Wright papunta sa Grand Piano na matatagpuan sa gilid ng magarang hagdanan. Umupo sila pareho sa harap niyon. Itinaas ni Wright ang cover at itinapat agad ni Reid ang mga kamay sa piano keys.

"Ito ang basic, Daddy." Hindi inaalis ni Reid ang kanyang paningin sa Piano. Nagsimulang gumalaw ang mga daliri nito. "Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do. Try mo po."

Ginaya ni Wright ang ginagawa ni Reid. Mukhang masaya ito sa atensyong binibigay sa kanya ng anak namin.

Nag-umpisa silang mag-usap sa harap ni Grand Piano. Maski si Bobbie ay bumaba para panuorin sila Reid, minsan ay nakikisali rin ito. Buong araw ay tinuturuan siya ni Reid ng mga alam nito. Minsan ay magtatanong ito sa akin kapag may nakakalimutan siyang keys tapos ay agad ring tatakbo kay Wright para ituro iyon dito.

Kinabukasan ay maaga itong gumising para ihatid kami ni Reid. Nakaupo ako sa passenger seat at si Reid naman ay naka-seatbelt sa back seat. Si Bobbie kasi ay naihatid na sa school niya.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon