Epilogue

40.7K 786 275
                                    

Epilogue

DOMINIQUE'S POV

Maraming taon na ang lumipas. Maraming nangyari, mga pangyayaring nagpaluha at nagpasaya sa'kin, maraming nabago, mga pangyayaring hinding-hindi ko makakalimutan at maraming nagbago, mga nagbago sa buhay ko na kailanma'y hindi ko akalain na mangyayari ito.

Ngayon isa na ako sa mga sikat na painter sa buong Pilipinas. Naging successful ako at natulungan ko ang mga magulang ko na makaahon sa hirap. Napag-aral ko ang mga kapatid ko at may sarili ng negosyo ang mga magulang ko. Mayroon na rin akong sariling shop kung saan doon nakalagay ang lahat ng mga gawa ko. May namamahala ng shop na yun at yun ay ang kapatid ko na si Jake. Mayroon na rin akong sariling opisina bukod sa shop.

Ang mga babes ko at ang Exotic Lions? Ayun may kanya-kanya na ring lovelife at career pero yung iba career pa lang ang nahahanap nila, si lovelife? Ayun wala raw forever. Bitter yung iba eh.

Ako? Tinatanong niyo ba kung kumusta ang lovelife k---

"Ma'am, nandito na po tayo." pasensya na di ko natuloy yung ikwe-kwento ko sa inyo. Mamaya na lang siguro.

"Sige po Manong, salamat." sabi ko sa driver ko. Oo may kotse ako pero simula nang mangyari ang bagay na nagpadurog ng puso ko na halos wala na akong kinain sa loob ng ilang buwan? Ngayon kinalimutan ko na ang magdrive ng kotse. Natatakot kasi ako na baka mangyari nanaman ang nangyari noon...

Bumaba na ako. Napakalawak ng lupain dito. Makakalanghap ka ng sariwang hangin. Pero sa kabila ng sariawang hangin, ramdam na ramdam mo ang lungkot sa paligid. Marami akong nakikitang mga krus dito. Oo nasa isang sementeryo ako. Dadalawin ko siya. Ang isa sa mga nagpasaya ng buhay ko/

Kung sino?

"Prince, nandito na ako. Sana okay ka lang diyan sa langit. Alam mo ang lungkot dito. Bakit mo kasi ako iniwan? Diba marami pa tayong pupuntahan? Marami pa tayong gagawin, marami pa tayong pwedeng gawin na magkasama tayo." Napaluha na lang ako bigla habang nagsasalita. Hanggang ngayon ang di pa din ako nakakamove on. Masyadong siyang maagang nawala.. Nilapag ko yung dala kong bulaklak para sa kanya.

"Pasensya ka na kung ngayon na lang ulit ako nakadalaw. Masyadong maraming ginagawa sa shop." Nakangiti ngunit malungkot kong sabi. Alam ko, maraming nagbago nung nawala siya. Halos hindi ako makatulog gabi-gabi nun. Iniisip ko na lang na katabi ko siya sa pagtulog. Haaay. Mababaliw na ata ako.

*ring*

Biglang nag-ring yung phone ko. May nagtext kasi mula sa opisina. Kinakailangan na raw ako doon.

"Prince, una na ako. Miss na miss na kita ng sobra. Babalik ako next time. Sana maayos ka kung nasaan ka man." at muli nanamang tumulo ang mga luha ko.

Sumakay na agad ako sa kotse at sinabi ko kay Manong na kailangan na naming pumunta sa opisina.

Nang makarating ako sa opisina ko sumalubong agad sa akin ang napaka-cute na bata at magandang si Dax.

"Mommy!!!" bigla siyang tumakbo papalapit sa'kin at niyakap ako. Naku! Eto talagang baby ko, kala mo naman ilang buwan kaming hindi nagkita.

Baby ko siya at ang papa niya?

"Papa! Papa! Nandito na si Mommy!" tawag niya kay Kian.

"Dax don't shout. May mga nagtatrabaho rito baby. Be quiet please?" saway ni Kian kay Dax at nagpakarga ito sa kanya.

Haaay. Napaka-spoiled-brat neto kay Kian eh. Si Kian kasi sinanay din. Tsk.

"Nandito na pala ang baby ko. Halika nga dito Dom." tawag sa'kin ni Kian. Lumapit ako sakanya at akmang hahalikan na sana niya ako sa pisngi ng may biglang dumating...

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon