Chapter 35

46.5K 461 77
                                    

Chapter 35

DOMINIQUE'S POV

WAAAAH!!! Anniversary na ng AU ngayon! Naeexcite ako. Hihi.

Nandito na kami sa AU at grabe!!! Ang dami dami dami *repeat 100x* daming tao!!! Hahaha. Hindi nga ako makapaniwala na ganito pala sa AU eh. Sabi sa'kin nila Ash, masanay na raw ako kasi sikat daw talaga ang AU.

"Close your mouth." bigla namang bumalik yung katinuan ko. Chos. Haha. Napatingin ako dito sa lalakeng 'to.

"Ano nanaman ba Paa?" kanina pa yan nangiinis. Parang araw araw yata may dalaw yan ah. Parang nung isang araw lang HHWWM (Holding hands while watching movie hehe) kami---ay! Wala nevermind.

Dinedma lang ako ni Paa at nauna siyang maglakad.

"Hoy Paa! Saan ka pupunta?" tanong ko habang nakasunod pa rin sa kanya.

"Ayoko dito. Matutunaw ako." matutunaw---?

Napatingin ako sa paligid ko. Okay. Sabi ko nga matutunaw siya. Grabe ha! Ganito ba talaga siya kagwapo?

"Kyaaaah!!! Girl! Grabe ang gwapo niya!!!"

"Ano kayang name niya?"

"Ang gwapo niya tapos ang hot pa tapos may muscles pa. Afsksga!!!"

Grabe 'tong mga babaitang ito. Mag-uusap na nga lang kailangan naririnig pa namin este ni Paa!?

Tsaka teka anong sinasabi nila na muscles? Si Paa may muscles? Psh. Eh wala ngang abs yun e---Ay! Ano ba Dom! Ang manyak mo! Waaaah!

"See? Kanina pa ko natutunaw dito. Pinagpiyepyestahan na nila ako."

"Yabang naman neto." bulong ko.

"Tss. Sa'yo pa nga lang natutunaw na ko eh. Pano pa sa kanila? *smirk*" aba talaga namang!!!!

Teka bakit ko ba siya sinusundan!?

"Tss. Bahala ka nga diyan. Ang yabang yabang mo!" sabi ko at tumalikod na.

Lalakad na sana ako kaso...

"Hoy Kislap! Where do you think you're going?" bigla niyang sabi kaya napaharap ulit ako sa kanya. Psh! May pa where do you think your going pa syang nalalaman diyan. Tss.

"May booth din po kasi akong kailangan asikasuhin Master." sabi ko ng sarcastic sa kanya. (Naks! Sarcastic! Hanep!) Haha.

"Buti naman. Para mabawasan naman yung mga tititig sa kagwapuhan ko." sabi niya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Aba talagang!!! Urgh! Ang yabang!

Maglalakad na sana ako kaso...

"Ayeee. I saw that! *poke* *poke*" si Ash lang pala. Nang-aasar nanaman tapos nangingiliti pa. Ayan nanaman po si Babe A, mangungulit nanaman. Simula pa yan nung nanuod kami ng sine. Eh pano kasi... Na...nakita niya kaming magka... Magka-HHWWM! Kaya ayun. Inaasar niya kaming dalawa. Hanubaayaaan!

"H-ha? A-ano bang pinagsasabi mo diyan Babe A?" pagkukunwari kong tanong sa kanya.

"Sus! Deny deny pa. Eh pulang-pula ka na nga diyan oh." sabi niya.

Waaaah!!! Pulang-pula? Ako? Ha? Bakit naman?!

"Tara na nga lang sa booth natin. Kung anu-ano nanaman sinasabi mo diyan eh." sabi ko na lang at nauna sa pagpunta dun sa room namin.

Pagdating namin dun...

Whoaaaah! Grabe! Ang dami namang tao! Ang daming gustong magpatattoo!! Waaaah!

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now