Chapter 34

43.7K 487 80
                                    

Chapter 34

SEAN'S POV

"Oh apo! Napadayo ka dine? Anong sadya mo iho?" tanong sa'kin ng lola ko.

Nandito ako ngayon sa bahay ng lola ko. Dinalaw ko lang siya. Wala kasing magawa sa bahay. Boring eh! May mga kanya-kanyang date. Tsk! Haha! Medyo malayo 'tong bahay ni Lola eh pero may dala naman akong kotse kaya ok lang.

"La namiss lang po kita." sabi ko at niyakap si Lola.

"Asus. Namiss daw ako."

"Oo nga La. Siya nga pala ito oh pasalubong ko sa'yo." sabi ko at nilapag ko sa mesa yung dala kong mga pagkain. Nandito kasi kami sa sala ngayon.

"Salamat iho."

Kung hinahanap niyo ang mga magulang ko, nandun sila sa ibang bansa. May business kasi kami dun kaya si Lola lang pati yung mga katulong namin yung nandito. Only child lang kasi ako kaya nga napabayaan ako sa kusina eh. Hahaha. Dejokelang. Macho na 'ko ngayon noh! XD

*Ring*

Sino kaya nagtext? Baka si Lean na. Siya nga pala sa mga di nakakaalam. Pangalan ng girlfriend ko ay Lean. Malapit lang bahay niya rito eh. Kaya minsan 'pag hindi busy pumupunta ako rito at syempre para na rin madalaw ko ang girlfriend ko.

Inopen ko yung message.

Si Luke lang pala. -___-

From: Luke-oh Loko

Hoy Taba! San ka?

~

Ano ba 'tong si Luke. Daig pa yung girlfriend ko kung makapagtanong kung nasaan ako.

To: Luke-oh Loko

Bakit? Namiss mo na agad ako? XD

~

Haha. Mapagtripan nga 'to. Kung makapag-taba naman 'to! MACHO NA NGA KASI AKO! GRRR! Pakitaan ko pa 'to ng abs eh!

*Ring*

Grabe ha! Ang bilis mag-reply.

From: Luke-oh Loko

Ewan ko sau. Nasan ka nga kasi!?

~

Bakit ba ko hinahanap neto?

To: Luke-oh Loko

Andto ko kayla Lola. Bkt ba? Sabihin mo lang kung namimiss mo na ko pre. Dami mo pa sinasabi eh.

~

Hahahaha. Bakit kaya napatext yung isang yun? Namimiss niya yata ako eh. Hahaha! XD

"Iho alam ko naman kung sino yung pinunta mo rito eh." sabi sa'kin ni Lola.

"La naman. Ano ba yang pinagsasabi mo?"

"Sus! Oo na. Pumunta ka na sa bahay ng girlfriend mo. Dami mo pang palusot diyan." Haha. Nagseselos yata yung lola ko ah.

"Haha. Ikaw talaga La nagseselos ka pa." daming nagseselos ngayon ah. Iba talaga pag gwapo na macho pa! Ehem! XD

"Ay naku ikaw talagang bata ka. Kung anu-ano pinagsasabi mo riyan." sabi niya.

Niyakap ko si Lola. "La naman. Lagi mong tandaan. Kahit na magkaroon pa man ako ng girlfriend, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kaya kita."

"Hay naku! Narinig ko na yan sa Daddy mo. Tignan mo ngayon nandun sila sa ibang bansa kasama ang Mommy mo. Iniwan nila ako rito tapos ikaw, ilang taon na lang ga-graduate ka na at di kalaunan ikakasal ka na. Edi ako na lang ulit mag-isa." ay! Nagdadrama nga si Lola? Hahaha.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now