Chapter 64

19K 362 55
                                    

Chapter 64

DOMINIQUE'S POV

"Sige una na 'ko, Dom. Ingat ka rito okay?"

"Oo. Sige, Raphael. Ikaw rin. Ingat ka." Sabi ko kay Raphael at tuluyan na siyang sumakay sa kotse niya.

Gabi na at ngayon pa lang uuwi si Raphael mula rito sa shop. As usual, kinamusta lang niya ako at nakipag-kwentuhan.

Pumasok na ako at inayos ko na ang mga gamit sa loob. Isasara ko na sana yung shop nang may biglang nagdoorbell. Baka si Raphael lang yun. Baka may nakalimutan.

Pumunta ako sa pinto at binuksan ko.

"Raphael may nakalimutan ka b---"

Nagulat ako sa taong nasa harap ko ngayon. Hindi ko ineexpect na makikita ko siya.

Lalong hindi ko ineexpect na makita ko siyang ganyan ang itsura. May mga pasa siya at tama nga ang sinabi ni Kian sa'kin na lagi siyang nakikipag-bugbugan.

"P-prince..."

Bigla siyang pumasok. Kinabahan ako bigla dahil iba ang aura niya. Halatang amoy alak siya. Tinignan niya ako. Yung mga mata niya, ramdam kong puno ng lungkot.

"B-bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Pwede ba tigilan mo na 'ko!" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot. Nagulat na lang ako sa susunod niyang ginawa bigla niya akong niyakap.

"Kislap. I miss you so much! Lagi kitang naiisip kahit anong gawin ko. Ikaw pa rin ang mahal ko. Pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko kung wala ka. Please Kislap... Patawarin mo 'ko please." Habang sinasabi niya yun ramdam kong parang may basa sa balikat ko. At kung hindi ako nagkakamali, mga luha niya yun.

Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi na ako iiyak kapag makita ko pa siya ulit at magiging matapang na ako pero nagkamali ako. Heto ako ngayon at umiiyak.

Bumitaw siya sa yakap at tinignan niya ako. Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang magkabila kong pisngi. Patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko maging ang sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang mga daliri niya.

Yung puso ko... Bakit ganito? Bakit ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya? Sa tuwing hahawakan niya ako? Sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.

"Kislap, please... Give me a chance. Kaya kong talikuran ang lahat. Please Kislap... Bumalik ka lang sa'kin." Sabi niya. Ilang layo lang ang mukha namin sa isa't isa. Ramdam ko ang pagka-amoy alak niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Prince, tulad ng sabi ko sa'yo dati hindi na kita mahal. Kaya please lang lubayan mo na ako." Binitawan ko na ang kamay niya. Lumayo ako sa kanya.

"Hindi. Hindi yan totoo. Alam kong mahal mo pa rin ako. Ramdam kong mahal mo pa rin ako."

"Ano ba Prince? Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa'yo ha? Ilang ulit pa ba para maunawaan mong hindi na kita mahal?! Please lang umalis ka na rito!"

Hindi ko na mapigilang hindi sumigaw dahil naiinis lang ako sa mga sinasabi niya. Mahal niya raw ako? Pero nagawa niya akong lokohin? Ang galing naman niyang magmahal.

Dahil hindi siya nakikinig sa'kin. Aalis na lang ako. Papasok na lang ako sa kwarto ko.

"Kislap... Please... Sa'kin ka na lang please..."

Matagal na sana akong sa'yo Prince kaso wala eh.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now