Chapter 1

76.5K 1K 139
                                    

Chapter 1

PRINCE'S POV

Nagdadrive ako ngayon pauwi sa bahay. T-teka? May babaeng tatawid ng kalsada! What the heck? Is she crazy? Gusto niya yatang magpakamatay eh.

Bumisina ako para tumabi siya. Kaso...

Natumba siya bigla.

Hay naku naman! Buti hindi ko siya nasagasaan kundi trouble 'to. Tsk!

Lumabas ako ng kotse ko.

"Miss! Miss! Okay ka lang ba? Gumising ka miss! Uy!" sabi ko at inaalog-alog ko siya.

Naku! Pano na 'to? Di ko alam kung saan ko 'to dadalhin. Nahimatay lang naman siguro siya. Urgh! Bahala na nga. Dadalhin ko na lang siya sa bahay namin.

"Manang! Manang!" tawag ko kay manang habang buhat buhat ko 'tong babaeng 'to. Nandito na 'ko sa bahay namin.

"Naku! Diyos ko po! Ano nangyari dyan? Wag mo sabihing---"

"Naku po Manang. Wala po akong ginagawang masama ah. Nahimatay kasi siya, eh di ko alam kung san ko 'to dadalhin."

"Ah. Akala ko naman kung ano na."

"Halika manang, tulungan mo ako. Dadalhin ko siya sa kwarto ko."

"ANO!? Sa kwarto mo?"

"Ano ka ba naman Manang. Wag ka pong maingay baka magising pa sila. Alam mo naman yung mga yun. Wala akong gagawing masama. At saka doon ko lang muna siya papatulugin. Dito lang muna ako sa sala matutulog."

"O'sya sige. Halika na." Tinulungan niya akong buhatin 'tong babaeng 'to.

Pagkadating namin sa kwarto ko, hiniga ko na siya sa kama ko.

"Salamat Manang ah."

"Walang anuman. O'sya sige. Matutulog na ako. Ikaw na bahala dyan ah. Wag ka gagawa ng hindi kanais-nais."

"Opo. Di ako gagawa ng katarantaduhan noh! At saka di rin naman kanais nais yung mukha neto eh." Biro ko sa kanya.

"Naku. Ikaw talagang bata ka! Ang ganda kaya niya. O sige. May tiwala naman ako sa'yo eh. Good night."

"Sige po Manang. Good night din."

Hay... Kainis naman 'tong babaeng 'to. Matutulog tuloy ako ngayon sa sala. Umupo muna ako dito sa couch. Pinagmamasdan ko lang siya.

Hmm... Maganda naman siya.

Maputi...

Matangos ilong...

Kissable lips...

At saka sex--- Ay! Ano ba 'tong mga iniisip ko. Para akong manyak. Makatulog na nga.

Pero bago ako umalis, inayos ko muna yung kumot niya. Baka mamaya lamigin siya. Naka-aircon pa naman.

***

Urgh! Ang sakit ng katawan ko rito. Tae! Dito kasi ako natulog sa sala sa may sofa. Kainis!

"Good morning!" bati ni Sean sa'kin.

"Oh Prince. Ba't diyan ka natulog?" Tanong ni Michael.

"Ah... Kasi may tao sa kwarto ko."

"Ha? Sino?" Tanong naman ni Ivan.

Tsk. Ayan na sila.. Gising na silang lahat. Nagtataka ba kayo kung sino tinutukoy ko?

Mga teammates ko yan sa basketball. 12 kaming nakatira dito sa isang malaking bahay. Pinagawa talaga ng mga magulang namin 'tong bahay. Kasi gusto namin sama-sama kami, tutal magkaka-team naman kami. At saka para mas malapit sa University na pinapasukan namin. Malalayo kasi mga bahay namin. So we decided to live together.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now