Chapter 49

42.8K 437 43
                                    

Chapter 49

KEVIN'S POV

Hi! My name is Kevin and I like dancing at sabi nila ako raw ang pinakamakakalimutin sa Exotic Lions. Well anyway, sabi lang naman nila 'yon. Nandito nga pala ako ngayon sa...

Sa...

Wait...

Nasaan nga ulit ako?

"Nasa bahay ka na pre!" nagulat ako sa nagsalita na si Patrick.

"Huh? Pano mo nalaman nasa isip ko?"

"Ako pa ba? Gwapo yata 'to." Sabi niya kahit wala namang connect yung sagot niya sa tanong ko.

Yeah right, nasa bahay na nga pala ako, specifically sa sala kasama ang buong Exo plus si Dom. Kaninang hapon lang kami nakauwi rito sa bahay. Nagpalipas pa kasi kami kagabi sa hotel. Delikado na umuwi no'n masyado ng gabi. Ang saya nga ng birthday ni Dom eh. Puro truth or dare. Haha. Eh wala naman ako ginawa kagabi. More like wala na kong maalala. Hahaha!

"Kuya Kevin! Pa'no po ito?" tanong sa'kin ng nakababatang kapatid ni Dom, si Sheila. Ang cute cute niya. Kamukha niya ang ate Dom niya. Sabi niya 7 years old pa lang daw siya.

Prince decided na dito muna patuluyin sina Tita since one week lang sila rito. Dom's family will be staying here. They're going to spend their one week with us.

"Sorry baby di ko alam 'yan eh. Kay Kuya Ivan ka na lang magpaturo, baby. Magaling si kuya Ivan mo diyan." sabi ko at tinuro ko sa kanya si Ivan ata agad siyang tumango. Nagpapaturo kasi siya sa rubix cube. Kaso hindi ko naman alam 'yan. Malay ko ba dyan. Sumasakit ulo ko diyan pag tinuturuan na ako ni Ivan sa mga pattern para mabuo yung cube.

"Okay po! Thank you po kuya!" sabi niya at kinurot ko na lang pisngi niya. Hay... May naaalala ako bigla sa kaniya.

"Hoy! Grabe 'to makakurot sa pisngi nung bata oh. Hindi yun si---" tinakpan ko bibig ni Patrick kasi baka marinig pa ng iba yung sasabihin niya. Nandito pa naman buong EXO at si Dom. Baka malaman nila kung sino si... Nevermind. Saka ko na lang ikwekwento sa inyo yung lovelife ko.

"Wag kang maingay Patrick! Ikaw pa lang nakakaalam ng buhay ko."

"Huh? Buhay mo? Anong drama yan Kevs?" pagtatakang tanog sa'kin ni Patrick.

"Oo buhay ko. Siya buhay ko--- aray!" bigla ba naman akong binatukan. Hanep 'to.

"Ang landi mo!"

"Landi ka diyan! Palibhasa wala ka pang lovelife eh."

"Eh ano naman sa'yo. Bata pa 'ko. Strict parents ko."

"Lul!" isa talaga si Patrick sa walang kwenta kausap. Hays!

Buti pa si Alex, may kwenta kausap yun haha kaso busy siya masyado kakabasa ng libro eh. Mahilig yun mag-aral. Mamaya maging kasing talino na niya si Einstein.

"Hindi ganyan. Ganito..." napatingin ako kina Prince at Jake, yung kapatid din ni Dom. Nagpapaturo naman siyang mag-gitara kay Prince.

Wait... Si Prince? Nagtuturo ng gitara? Bago yun ah!

Alam niyo kasi si Prince, ayaw na ayaw niyan magturo ng gitara sa ibang tao. Mabilis kasi maubos pasensya niya eh. Dati nga nung high school pa lang kami, nagpapaturo ako sa kanya maggitara pero ayaw niya tinatamad daw siya. Sus. Pero kita mo naman ngayon, todo effort siyang mag explain sa kapatid ni Dom kung pano tumugtog ng gitara. Pa-pogi points din eh.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now