Chapter 29

44.3K 448 41
                                    

Chapter 29

ALEX'S POV

"Grabe ganun pala si Dom? Nanghahalik kapag inaantok?" nasabi ko na lang matapos kong marinig yung sinabi ni Prince.

Nandito pa rin kaming Exo sa sala. Si Manang natulog na, sina Prince at Dom naman kanina lang naghahabulan pero biglang tumahimik napagod na yata baka nagsitulog na.

"Bakit wini-wish mo ba na sana ganun din si Pinks? Hahahaha!" sabi ni Luke. Tarantado talaga 'to.

"Baliw ka talaga? Gusto mong masapak?" sabi ko at tatayo na sana ako para puntahan siya.

"Nagbibiro lang naman Lex, masyadong mainit ulo mo eh. Hot na nga ko sinasabayan mo pa ng init ng ulo mo. Hahaha!" Kapal neto. Tsk.

"Isa pa talaga Luke papaliparin ka na ng kamao ko."

"Hahaha. Oo na tatahimik na. Bagay talaga kayo ni Pinky. Parehas mainitin ang ulo. Hahaha!"

Haaay... Baliw talaga 'to. Pano ko ba 'to naging kaibigan?

"Mga pre sana katulad ni Dom yung mga chicks ko. Hahaha!" sabi ni Ryan. Gago talaga 'to oh. Puro chicks nasa utak. Papatirahin ko na 'to sa manukan eh nang mag-sawa siya.

"Gago ka talaga! Puro nanaman chicks yang nasa utak mo." Michael

"Atleast babae. Ikaw puro si 'Hon'. Puro 'Hon tara subuan kita' o di kaya 'Hon I love you' at kung ano pang kabaklaan yang nasa utak mo. Puro si Ivan. Pre iba na yan! Tsk! XD" sabi ni Ryan at ginaya pa yung boses ni Michael sa part ng pagsabi ng "Hon" hahaha.

"Sus! Kung alam niyo lang mga pre!" sabi naman ni Ivan.

"Anong alam?" Tanong ko.

"W-wala yun." sabi ni Michael na parang namula. "Ikaw talaga hon. Kung anu-ano sinasabi mo dyan." Inakbayan niya si Ivan tapos parang may binulong siya.

Hmm... Ano kaya yun? Parang may tinatago 'tong si Michael ah. It must be someone. Hahaha. Naks! Binata na 'tong si Michael. Muhkang may napupusuan. Alam naman naming walang bakla sa'min eh. Alam din naming biruan lang nila Michael at Ivan yung kanila. Hahaha.

"Ang sweet na nina Prince at Dom noh?" biglang sabi ni Nicko.

"Oo nga. Pa'no na yung isa? Hahaha." Nathan

"Sinong isa?" Naku po! Si Kevin talaga parang laging lutang eh.

"Kevs, are you with us?" Nicko

"Of course."

"Si Kian yung tinutukoy namin." Sagot ko.

"Ah... Uhm... What about Kian?"

"Yung totoo talaga Kevin? Gusto mong masapak para mahimasmasan muna?" Sean

Haaay. Bibigyan ko kayo ng fact about Kevin. The fact is si Kevin po talaga ay parang ewan. Hahaha. Minsan kalimutin na parang laging lutang hahaha. Ewan ko ba diyan. Ang hirap i-explain . Hahaha. Basta palagi yan lutang.

"Sigurado pag magkaaminan na back to war again ang dalawa." Ivan

"Oo nga mga pre. Ayoko na makita yung dalawa na nag-aaway dahil sa iisang babae. Naalala niyo ba dati?" Michael

Oo nga. Ayoko na rin nun. Dati kasi nung nag-away sila Kian at Prince, ang tahimik ng barkada. Walang biruan. Tsaka di namin alam kung kanino ba kami pupunta kung kay Kian ba o Prince para kausapin sila na mag-bati na kasi parang walang gustong mauna sa paghingi ng tawad. We were torn between two lovers este friends. XD Pero sa paglipas ng panahon, mukhang bumalik na rin yung dati nilang samahan. Ayos na ulit ang lahat. Pero ngayon, na may dumating na babae na magpapa-ibig nanaman ng mga mundo nila mukhang magkakagulo ulit. Ewan ko ba sa kanila. Bakit lagi na lang sa iisang babae sila nagkakagusto. Iisa yata ang puso ng dalawang yan eh. Buti pa ako. Stick to one lang. Hahaha! Naks! Gwapo kasi ako! Hohoho.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now