Chapter 9

49.9K 632 26
                                    

Chapter 9

PRINCE'S POV

Takte! Gabing-gabi na ah! Hindi pa rin sila umuuwi. Tsk! Wala ba silang balak umuwi?!

Kanina pa ko rito sa terrace. Nag-aantay sa kanila. Leche 'tong si Kian baka kung saan-saan na niya dinala si Kislap.

Napatingin na lang ako sa baba nung nakarinig na ko ng paparating na kotse. Ayan na sila. Sa wakas naman may balak pa silang umuwi!

Lumabas na sila sa kotse. Si Kislap naman ay may dala-dalang malaking teddy bear. Tss. Edi kayo na nag-date! paki ko naman sa inyo?!

Pumasok na silang dalawa sa bahay. Mamaya pupuntahan ko si Kian sa kwarto niya. Kakausapin ko siya tungkol kay Kislap.

"Oh Prince? Bakit ka nandito?" Tanong niya matapos niyang buksan ang pinto ng kwarto niya. Mukhang matutulog na ata siya pero hindi pwede kailangan pa naminh mag-usap.

"Sumunod ka sa'kin."

Tulog na silang lahat. Mabuti nga yun eh, para walang istorbo sa'min.

Nauna akong maglakad samantalang siya nakasunod lang sa likod ko. Pumunta ako sa rooftop. Mas maganda na doon na lang kami mag-usap.

"Bakit mo 'ko pinapunta rito? Anong meron?" Tanong niya at umupo siya sa may bench. Ganun din ang ginawa ko.

"Gusto kita kausapin." Sinabi ko yan ng hindi nakatingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa langit na puno ng mga bituin.

"Oh, eh ano naman pag-uusapan natin?"

"Tungkol kay Dom."

"Ano namang meron kay Dom?"

Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "May gusto ka ba sa kanya?"

"Oo. Bakit ikaw? Gusto mo rin siya?"

Napatingin ako sa mga paa ko. "Hindi."

"Oh eh bakit mo pa 'ko kailangang kausapin?" Hindi ko rin alam eh. Ano ba!

"Naninigurado lang. Para hindi ako ma-fall sa kanya at wala tayong pag-awayan."

"Gago. Siguraduhin mo lang."

"So ano may balak ka bang ligawan siya?"

"Oo naman. Ikaw?"

"Paulit-ulit tayo Kian? Wala nga kong gusto kay Dom, sayong-sayo na." Pagkasabi ko nun, parang may kakaiba. Bakit parang may iba akong naramdaman? tsk. Parang ayaw--- tss. Nevermind.

"Okay! Sige sabi mo yan. Walang gaguhan."

"Okay na okay. Ikaw lang naman yung gago eh. Hahaha!"

"Tarantado."

"Siraulo."

"Alam mo ang saya saya ko, dahil wala akong kaagaw kay Dom. 'Pag napunta siya sa akin. Hinding hindi ko na siya papakawalan pa at hindi ko rin siya papaiyakin."

"Ang baduy mo!"

"Sus. Parang ikaw hindi ganito dati kay Danica ah."

"Tss! Wag mo na nga ungkatin yun." Sabi ko at tumayo na ako. "Sige, good night. Goodluck!" Tinapik ko ang balikat niya. Tumango siya at ngumiti.

Ganito lang talaga kami mag-usap ni Kian. Sanay na ako sa ganitong usapan na puro barahan.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga agad ako. Napatingin ako sa kisame.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-explain kung ano 'tong nararamdaman ko. Aish!

***

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon