Chapter 4

58.8K 793 70
                                    

Chapter 4

DOMINIQUE'S POV

Parang umaalog alog higaan ko ah? Lumilindol ba? Hmp! Bahala na nga yan! Matutulog muna ako. Maaga pa.

Pero maya-maya, alog pa rin ng alog! Leche! OA naman kung lumindol. Makagising na nga. Pagkamulat ko ng mata. Nakita ko si...

"WAAAAH!" B-bakit nandito agad to?

"Ang tagal mo naman magising! Kanina pa kaya kita ginigising dyan. Pero tulog mantika ka lang. Tsk." sabi ni PAA. Psh! Siya lang pala ung nag-aalog. Tae to oh! Ang aga aga pa kaya. Di naman siya masyadong excited nyan? Tsk.

"Eh! Ang aga aga pa kaya. Inaantok pa ko Paa. OA ka naman." Tinakpan ko ng unan yung mukha ko.

"Ah ganon, hindi ka talaga gigising dyan ah?" Obvious ba? Napapanaginipan ko pa si Gdragon eh.

"Hindi--- WAAAAAAAH! Bitiwan mo ko PAA. Unggoy kang Paa ka!" sigaw ko. Eh kasi naman bigla niya akong binuhat pangkasal mula sa pagkakahiga ko. Hunghang talaga to.

Tapos binalik na niya ulit ako sa higaan ko.

"Oh yan ah Kislap. Wag mong sabihing inaantok ka pa niyan." Lintek matapos ka ba namang gawing maleta aantukin ka pa? Urghh.

"Oo na po. Di na ko inaantok!" Punyemas ka! Huhu!

"Yown! Osige. Maligo ka na dyan ka na dyan, ambaho-baho mo na at kakain na tayo."

"Kapal mo ah! Chupe ka na nga. Shoo."

~*~

"Nice one Prince! Magdadate nga pala kayo mamaya diba?" sabi ni Kevin.

"Lul. Di nga to date okay? Kulit din ng ninuno mo eh." sabi ni PAA. Sabay subo ng kinakain niya.

Kumakain na kasi kami ngayon at as usual nag-aasaran nanaman sila.

"Palusot ka pa Prince eh." Nathan

"Ewan ko sa inyo. Ilang beses ba kayo inire ng nanay niyo!? Tsk." Medyo inis na sabi ni PAA. Mwahaha. Ang kukulit kasi.

"Mwahahaha." nagtawanan silang lahat.

Maya-maya nung natapos na silang lahat. Niligpit ko na ung pinagkainan nila at tinulungan kong maghugas si Manang.

"Hija, ako na lang dito may lakad pa kayo ni Prince diba?"

"Ah opo. Pero ayos lang po yun. Hayaan mo siya. Tulungan ko na lang po muna kayo dito."

"Naku hija. Wag ng makulit. Kanina nga pumasok pa yun sa kwarto natin para lang gisingin ka."

"Oo nga po eh. Nagulat nga po ako sa ginawa niya." Masyado kasing excited.

"Osya pumunta ka na sa sala at baka kanina pa yun naaatat."

Pumunta na nga ako sa sala kung saan nandoon silang lahat. Naglalaro sila Kian at Nicko ng play station ata tawag dun. Ewan! Basta may pinipindot-pindot. Haha. Samantalang ung iba nanunuod lang sa laro nila.

"Oh Prince nandyan na ang Prinsesa mo." sabi ni Patrick nung nakita na niya ako.

"Gago ka Patrick." Sabi ni PAA tapos binato niya ng unan si Patrick na nasalo naman agad niya.

"Hahaha. Napapikunin neto."

"Ewan ko sa'yo! Hanap ka na lang ng kausap mo! Hanapin mo si Spongebob!" Luh? Baliw amputek. HAHA.

"Nye nye nye." Asar na sabi ni Patrick.

"Tara na Kislap."

"Yun oh. Magdadate na sila oh. Alam mo Dom, kanina pa yan si Prince atat na atat. Excited amp."

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now