Chapter 8

57.3K 660 91
                                    

Chapter 8

DOMINIQUE'S POV

Kyaaaah! This is it. This is really is it is it. Mwahahaha! Ohmaygosh! Date namin ni Kian ngayon este Friendly date lang pala hoho.

"Oh hija. Ayan nanaman yang malawak mong ngiti. Anong meron ha?"

"Ah... Eh... W-wala po."

Nandito kami ngayon ni Manang sa kwarto namin. Nag-aayos na 'ko kasi date na namin mamaya! Enebe! Kinikilig ako. Lol! Ang landi ko. Hahaha.

"Wala raw. Saan naman ang punta mo? Paganda ka ng paganda dyan." Chismoso ni Manang. Hahaha!

"Secre---"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kay Manang kasi biglang bumukas yung pinto. Niluwa nito ang isang napakagwapong nilalang. Andyan na pala si Kian! Shems! Ang gwapo niya! Parang nakakita ako ng isang anghel!

"Uhm... Dom ready ka na ba?" Bakit ang pogi ni Kian?! Yung ngiti! parang mahihimatay ata ako.

"Oo. Reding-ready na!" Sagot ko at nginitian ko siya. Pakasal na tayo! Hehe.

"Ay sus! Kaya naman pala. Alam ko na." Sabi ni Manang. Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng nakakaloko.

"Ano pong alam niyo na Manang?"

"W-wala yun Kian. Wag mo na lang intindihin si Manang hehe." sabi ko tapos sinenyasan ko na lang si Manang na 'wag maingay at ayun nginitian niya lang ako ng pagkalawak-lawak.

"Oo nga Kian. Wala 'to. Kinakausap ko kasi yung mga langgam dito. Ang lalaki! Mwahaha!" Luh? Minsan palabiro 'tong si Manang kung anu-ano pinagsasabi. Mukhang may sapak din eh. XD

Natawa na lang si Kian. "Ikaw talaga Manang. Osya sige po may date pa po kami neto ni Dom. Ba-bye!" sabay akbay sa'kin. Emergersh! Wag kang ganyan Kian! Kinikilig ako eh. Ahe ahe. Harot haha!

Nakatingin sa'min si Manang ngayon at iba yung mga tingin niya sa'kin. Ngumiti na lang ako.

Bumaba na kami ni Kian papunta sa sala at nandoon ang sampung mokong. Ang lalapad ng mga ngiti sa'min.

Teka? Saan kaya si Paa. Mula nung iniwan niya yung pagkain niya kagabi hindi ko na siya nakita hanggang ngayon. Ano kaya nangyari dun?

"Ehem! Hindi pa nga kayo nakakapunta sa pupuntahan niyo umaakbay ka na agad Kian." Puna ni Nicko at nag-tawanan sila.

Agad namang tinanggal ni Kian yung pagkaka-akbay niya sa'kin. "Mga loko kayo. Tsk!"

"Nasaan nga pala si Prince?" Tanong ko.

"Si Prince? Nandoon sa kwarto niya nagdadrama." Natatawang sabi ni Patrick.

"Huh? Nagdadrama? Bakit?" Ano namang ipagdadrama nun? Uso pala yun sakanya? Bwahaha!

"Wala. Niloloko ka lang ng mga yan. Wag kang makinig sa kanila." Sabi ni Kian kaya tumango na lang ako.

"Sige mga pare! Alis na kami. Bye!"

"Ingatan mo yang si Ms. Beautiful pare ah!"

"Oo naman. Mas mahalaga pa 'to kaysa sa buhay mo Ivan. Hahaha!" Baliw talaga 'tong si Kian. Pagkasabi niya nun bigla niya akong nginitian. Ang cute niya mag-smile.

Matapos naming magpaalam sa kanilang lahat, lumabas na kami ni Kian at sumakay kami sa kotse niya.

"Kian saan mo 'ko dadalhin?"

"Secret. Basta sa lugar kung saan mag-eenjoy ka!" ngumiti siya sa'kin at kinurot niya ang kanan kong pisngi. Kilig!

Saan kaya kami pupunta neto? Nakaka-excite naman!

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon