Chapter 22

41.8K 484 37
                                    

Chapter 22

DOMINIQUE'S POV

Haaay... Bakit parang ang tigas na ni Yhan-yhan?

*tusok tusok*

Malambot si Yhan-yhan diba? Pero bakit eto? Ang tigas? Hmp! Bahala na nga. Matutulog pa ako. Nakakaantok pa. Maya-maya nakarinig ako ng may humihilik. Ay? Humihilik si Yhan-yhan? Baka si Manang lang yon. Pinabayaan ko na lang at natulog ulit ako.

Teka? Matigas si Yhan-yhan? Tapos humihilik pa? May ganun bang teddy bear? Kung hindi 'to si Yhan-yhan? Eh sino 'to?!!!

Minulat ko ang isa kong mata

"WAAAAAAAAH!!!!" sigaw ko at natulak ko naman si Paa kaya nalaglag siya sa higaan.

Waaaaaaaah!!! Oo nga pala. Nakatulog nga pala ako kagabi dahil sa hinila niya ako pahiga! Waaaaah!!! At di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Aray! Ano ba yun?!" sigaw ni Paa, nagising na siya.

Sa lakas ba naman ng pagkakatulak ko. Ewan ko na lang kung hindi pa siya magising. Bigla naman siyang tumingin sa paligid niya at nung nakita niya ako na nasa higaan niya bigla siyang nag-salita kahit mukhang inaantok pa.

"Hooooy Kislaaap! Bakit ka nandito sa kwarto ko ha?!" sigaw niya.

"ABA! AKO PA YUNG TINATANONG MO AH! BAKIT HINDI MO KAYA TANUNGIN YANG SARILI MO!?" sigaw ko rin sa kanya. Ayos 'tong Paang 'to ah. Ako pa nagmukhang may kasalanan? Eh siya kaya 'tong basta-basta na lang nangyayakap!

"Anong pinagsasabi mo dyan!?" nagtatakang tanong niya.

"Kagabi po kasi Sir, lasing na lasing ka kaya inayos ko ang sarili mo. Pinunasan kita, kung pwede nga lang ibuhos ko na lang yung tubig eh. Tapos tinanggal ko sapatos mo pati yung T-shirt mo kas---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nagsalita agad siya.

"Ano!? Tinanggal mo t-shirt ko? As in hinubaran mo ko!?" sabi niya tapos nag-smirk pa.

Aba! Kapal neto ah! Baka iba naman iniisip neto.

"Hoy! Kaya lang naman kita hinubaran kasi ang dumi ng damit mo, nakakaawa at kadiri ka kasi!"

"Psh! Nakakadiri raw. Siguro gusto mo na akong gahasain kagabi noh!?" hilig netong mag-smirk! Tanggalin ko kaya labi neto. Kapal neto!!! Anong gusting gahasain pinag-sasabi niya diyan?

HINDI!!!

HINDI SIYA NAGKAKAMALI!!!

Mwehehe.

Huh? Ano raw sinabi ko?

Tsk. Tsk. Tsk. Erase, erase, erase!

Ang ibig kong sabihin eh...

NAGKAKAMALI SIYA!!!!

"Hoy ikaw!!! Kaya ako nasa higaan mo ay dahil bigla mo akong hinila pahiga kagabi at hindi ako makakawala dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap mo sa'kin, kaya eto tayo ngayon nagising sa iisang higaan. Kung maka-react ka naman dyan parang ako pa yung may gusto!? Kapaaaaal mo! Ikaw babae? Teka! Bakla ka noh?" sabi ko pero siya ngumise lang. Bwisit!!!

"Hindi ako bakla. Gusto mo patunayan ko?" pang-aasar niya pa.

"Manyakis kang bakla ka lumayo ka sakin!"

Bumalik ulit siya sa higaan niya pero dahil nakakainis siya kinuha ko yung nalaglag na unan sa sahig at hinampas-hampas ko sa kanya. Magkatabi na kasi kami ngayon.

"HOY! KISLAP! MASAKIT HA!" sigaw niya. Wala akong pake, ayaw mong maniwala eh. Ako pa pagmumukhain mong may gusto nito? Wow ha!

"Lumayo ka sakin! Manyak ka!" sigaw ko at pinag-hahampas ko pa rin siya ng unan.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now