Chapter 21

44.8K 551 104
                                    

Chapter 21

DOMINIQUE'S POV

Nakarating na nga kami sa bar nila Nathan. Grabe lang! Kasi wagas magpatakbo si Paa ng kotse niya parang may karera lang. Halos matanggal nga yung puso ko sa pagpapatakbo niya eh. Yung totoo illegal racer yata 'tong mokong na 'to eh.

"Paa yung totoo trip mo makipag meet-up kay kamatayan ng maaga?"

"Hahaha. Hindi, ikaw trip ko." sagot niya. May sayad talaga 'tong lalaking 'to. PISTI. Pinagtatawanan pa ako.

"Poooosha feeeenk ka with slimy poop." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong niya.

"Wala nakikipag-usap lang ako sa gulong." Sagot ko at bumaba na sa kotse. Sumunod naman si ulupong na kasalukuyan pa ring tawa nang tawa.

Pagpasok namin sa bar. Grabe sobrang ingay. Ngayon pa lang ako nakapasok sa bar. Ganito pala rito? Pasensya naman. Wala 'to sa bundok eh. Hindi afford ng lola niyo. Mwahaha! Pero ang ganda ng bar ni Nathan. Ameyjing! *________*

May mini-stage sa harap tapos may banda na kumakanta. Ang daming tao. Ang daming chicadudels tapos marami ring gwapo. Kaya pala sabik na sabik si Jae pumunta rito. Hoho! May mga nakikita pa nga akong nakikipag-anuhan hehe. Halikan dito, lampungan do'n. Shet! Kaloka!

Sumusunod lang ako kay Paa kahit saan man siya magpunta. Wala naman akong alam dito eh. Maligaw pa ko. Sayang kagandahan ko. Wehehe! XD

"Oh! Ayan na pala kayo!" sigaw ni Nathan. Nandito na kasi kami sa pwesto nila.

Tumabi naman ako kayla Ash na abot tenga ang mga ngiti. Para bang makikita mo sakanila na "Mission Success!"

Pwede ba ipakain 'tong mga 'to kay Chowder? =____=

"Ang lawak ng ngiti niyo ah! " sabi ko sa kanila.

"Hahaha! Masama?" sabi naman ni Jae.

"Ay hindi! Ayos lang!" sabi ko ulit. Super duper fine. Muntik lang naman akong lumipad sa sobrang bilis ni Paa magpatakbo ng kotse niya. Oo! Okay lang! Okay lang talaga. -__-

Nagsimula nang mag-inuman yung mga lalake rito.

"Whoooo! Let's Party!" sabi ni Ryan

"Yeah! Cheers!" sigaw naman nila. Parang mga adik lang eh noh? -__-

Kukuha rin sana si Ash ng alak nang pigilan siya ng kuya niyang magiting.

"Op! Op! Bawal ka niyan." sabi ni Paa kay Ash.

"Kuya! Isa lang please---" di pa man natutuloy yung sasabihin niya eh pinigilan na siya ni Paa.

"HINDI PWEDE!" sabi naman ni Paa. Oooh. Skeri XD HAHAHAHA.

Bigla namang kumanta si Michael. "Ito'y hindi inuming pambata. Magsoftdrinks ka na lang muna! Hahaha!" pang-aasar sa kanya nito kay Ash.

"Che!" at ininom na lang niya ung softdrinks niya. Haha!

Nagsalita ulit si Paa. "Hoy kayong mga babae bawal kayong uminom! Naiintindihan niyo?"

Tumango na lang kaming apat. Habang sila enjoy na enjoy sa pag-iinuman nila.

Si Nathan naman umakyat sa may stage at nagsalita. "Good evening ladies and gentlemen! Sorry to interrupt you but I just want to congratulate my team for winning again in basketball game! Hahaha! Yun lang! Enjoy!" sabi ni Nathan at bumaba na sa stage. Pagkatapos ay bumalik na siya sa pwesto namin.

Maya-maya si Kian naman ang tumayo at pumunta sa stage. May binulong siya sa vocalist ng bandang tumutugtog doon. Kaya naman nung pagkatapos niyang bumulong, eh nagsibabaan yung buong banda at binigay sa kanya yung gitara. Lumapit siya sa mic at nagsalita.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon