Chapter 2

77.7K 936 241
                                    

Chapter 2

DOMINIQUE'S POV

(A/N: Look to your right side to see the GIF. Yan po ung 12 boys. Gwapo noh? HAHAHA.)

Uwaaah! Ang sarap naman ng tulog ko. Ang lambot lambot naman ng higaan nami---

T-teka? Napatingin ako sa paligid ko. Shet! B-bakit ako nandito? N-nasan ako? P-pano ako napunta rito? Pinagmasdan ko ang buong kwarto at sa tingin ko kwarto ito ng isang lalake! Omg! Lalake?! Anong nangyari kagabi? Ang alam ko lang naglalakad ako tapos nahimatay ako tapos may lalakeng lumapit sa'kin tapos... OH MY GOSH! Ibig sabihin...

"WAAAAH!" sigaw ko. Naku jusmiyo marimar! Di maaari 'to! Virgin coconut oil pa ko! AYOKO majontis! MARAMI PA AKONG PANGARAP! "WAAAH!!!"

Ano na lang iisipin nila nanay at tatay? Na sinira ko na ang promise ko sa kanila? At ano na lang ang iisipin ng mga chararat naming kapitbahay? Na pumunta lang ako rito sa maynila para manglandi at magpabuntis? Oh no!!!

Maya-maya biglang bumukas yung pinto. At may nakita akong lalaki. Shit! Siguro ito na yung gumawa ng masama sa'kin! Urgh! Mapapatay ko 'to eh! Humanda siya sa'kin. Sinira niya ang mga pangarap ko!

Bago pa ako makapagsalita ay may biglang pumasok na naman!

Kyaaah!!! Ang popogi nila! Nasa langit na ba ako? O nasa lupa pa rin ako? Ganito ba ang mga rapist sa maynila? Ganito ba mga kidnapper dito? Mga gwapo? Kung gano'n di na ako uuwi sa'min. Hehe. Joke lang. Pero sino kaya sila?

P-pero teka, wag mo sabihing lahat yan?.... UTANG NA LOOOOOB!

"GOOD MORNING MISS BEAUTIFUL!" sabay-sabay nilang bati maliban doon sa lalakeng naunang pumasok.

Teka? Bakit ba ako nandito? At saka bakit ang daming lalaki rito? Ano ba 'to? Na-kidnap ba talaga ako ng mga gwapong 'to? Ang sosyal ko naman at may kikidnap sa'kin tapos mga pogi pa! Pero sorry na lang sila mga gulay lang ang kayang ibigay na pambayad ng mga magulang ko sa kanila.

"WAAAAH! B-bakit ako n-nandito? A-anong ginawa niyo s-sa'kin?" sigaw ko.

"Kaming labing-isa wala. Pero ito baka meron." sabi nung isa sa mga gwapo, tapos tinuro niya yung naunang pumasok.

"Ha? Ano!? Hoy ikaw! Anong ginawa mo sa'kin ha?" galit na sabi ko. Tapos binato ko pa ng unan. Pero nasalo naman niya.

Nagbulungan sila! Ano kayang pinag-uusapan ng mga 'to? Urgh! Nakakainis na sila ha!

"Hoy! Anong binubulong-bulong niyo diyan ha?"

"Wala miss beautiful." Sabi nung isa pang lalaki. Hay! Ba't ba ang dami-dami nila? Nakakaloka!

"Sige, kayo na muna diyan ah." Sabi ulit ng isa pang gwapo!

"Bye!" sabay sabay na sabi nila.

Tapos nagsi-alisan na sila. May pakindat-kindat pa yung iba sa'kin! Ano ba?! Eh bakit lahat pogi? Nasa heaven ba talaga ako?

"Oh ikaw! Ipaliwanag mo nga sa'kin ba't ako nandito!"

"Teka nga! Ba't ba sigaw ka ng sigaw dyan ha! Di ka ba marunong makipag-usap ng mahinahon."

"Eh bakit nga kasi!" Kulit din nito eh 'no? Kanina pa kaya ako tanong nang tanong tapos dedma lang siya!

Lumapit siya sa'kin. Oh no! Anong gagawin niya sa'kin?! Pero yun pala umupo lang siya sa tabi ko. Hay Dominique! Kung ano-ano nasa utak mo! Maglinis ka nga ng utak.

Kinuwento na niya sa'kin ang lahat ng nangyari kagabi. Grabe! Katangahan ko talaga! Urgh! Nakakahiya naman dito sa mga lalaki. Huhuhu. Ang OA ko kasi maka-react eh! Pero kasi kahit sino naman yatang babaeng mapadpad sa ibang bahay pagkagising, ewan ko na lang kung di ka magwala! Saka anong alam ko rito sa maynila? Grabe kaya ang mga krimen dito. Siyempre probinsyana lang naman ako at wala akong alam kaya gano'n ako makareact. Pektusan ko yung mga mapanghusga diyan eh. Pero salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa'kin, salamat at nakita ako ng lalakeng 'to kagabi at dinala niya ako rito at hindi niya ako pinagsamantalahan pati ng iba. Grabe sa dami nilang mga lalake buti talaga walang nangyari sa'kin kundi hindi na ako makaka-uwi ng buhay! Paniguradong lagot ako kina Nanay.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now