Chapter 12

45.3K 589 45
                                    

Chapter 12

DOMINIQUE'S POV

"Hi Sweetie!" sabi ni Ashley at kiniss niya sa cheek si...

Oh my gosh!

OH MY GOSH!

Si Paa!

T-teka wag mo sabihing. Girlfriend niya si Ashley?

"Ano ba Ash? Pa-sweetie-sweetie ka pa dyan." Hmp! Pakipot talaga 'tong PAAng 'to. Pero wait, magjowa sila? Omg!

"Oo nga Ash. Baka mamaya magselos si Dom. Ako na lang i-sweetie mo. Hahaha." Sabi ni Michael. Hala ako talaga magseselos? Bakit naman?

Nandito na silang lahat.

"Seriously, Chael?" Nakataas ang kilay ni Ashley kay Michael.

"Joke lang naman eh. Ito namang si Ash, masyadong highblood. Gwapo naman ako ah. Mwahaha."

"Ha ha ha! Tapos payat si Majinbu." Umirap na lang si Ashley.

Nagsi-upuan na sila. Ah! Kaya pala dito kami umupo ni Ashley. Kasi dito rin pala uupo 'tong mga 'to. Kaya pala. Eh siguro girlfriend si Ashley kaya naman kilala niya talaga silang lahat. Kaya pala kanina ipinagtanggol niya rin ako.

"Oh Dom, ba't naka busangot ka dyan?" Tanong ni Sean.

"Huh? A-ako? Hindi ah." Nakabusangot ba ako? Grabe hindi kaya.

"Palusot ka pa eh. Halata naman."

"Hala ka Ash! Ayan kasi eh!"

"Ewan ko sa'yo Michael!"

"Tss." Paa

"Okay fine! Sorry na kuya." sabi ni Ashley na nakaharap kay...

Paa?

Huh? K-kuya niya yan? Hindi siya Girlfriend? Kuya?

"A-anong sabi mo Ash? K-kuya?" Bigla namang napangisi si Paa. Psh!

"Yes. He's my kuya. Ikaw kasi Dom, you're jelous na agad eh." natatawang sabi ni Ash. Di kaya ako nagseselos.

"Huh? Hindi 'no. T-teka, paano kayo naging magkapatid?"

"Hay nako Dom! I'm Ashley ADDISON." nakangiting sabi ni Ashley at pinakita niya ang ID niya. Oo nga Addison nga rin siya.

Utang na loob! Nakakahiya naman yung pagmumukha ko kanina. Malay ko bang may kapatid pala' tong si Paa, hindi naman kasi nagku-kwento eh. Ay hindi naman pala kami masyadong close. Bakit naman siya magkwekwento? Hmp. Saka bakit hindi naman sila magkahawig?

"Ah okay. Bakit 'di kayo magkamukha?"

"Duh! Magkamukha kaya kami ni Kuya. Ikaw kasi kay kuya ka lang nakatingin. Mwahaha."

"Uy hindi ah." Sabi ko pero kakasabi ko lang na hindi ako nakatingin kay Paa pero automatic na agad na napatingin ako sa kaniya at ang lawak ng ngiti niya. Luh feel na feel niya.

"Hahaha. Whatever. Oy Michael umorder ka na nga dun." Ashley

"Maka-utos ka ah, kala mo katulong mo 'ko."

"Oh bakit aangal ka ha?"

"Sabi ko nga pupunta na 'ko eh. Oy samahan mo nga 'ko Patrick." hinila niya si Patrick na nananahimik. Haha. Adik talaga 'tong mga 'to. Pero teka, mukhang may something sa kanila ni Ashley, hmm...

Naiwan kami rito. Ang iba may kanya-kanyang usapan. Yung iba nagse-cellphone, yung iba nantitrip. Si Kian nasa tabi ko at si Paa, ayun tahimik.

"Uhm... Ash, pwede magtanong?" Ang dami ko kayang gustong itanong sa kanya.

Stuck in a TeamDär berättelser lever. Upptäck nu