Chapter 67

18.4K 342 77
                                    

Chapter 67

PRINCE'S POV

"Good morning Ma'am Danica and Sir Prince! This way po."

Nandito kami ni Danica kasama ang anak naming si Josh sa lugar kung saan ipapaayos na namin ang kasal namin.

Wala na akong magagawa, ito ang gusto ni Daddy para sa'kin. Para saan pa ang ipaglaban ko si Kislap kung siya mismo ayaw lumaban? Para lang akong tanga na naghihintay tumino si Luke.

Oo mahal ko pa rin siya hanggang ngayon pero anong gagawin ko? Hindi siya lumalaban. Di niya ko pinaglalaban. At isa pa kung susubukan ko ulit siyang suyuin baka kung ano gawin sa kanya ni Dad. Nalaman ko ang nangyari sa kanya, sinabi mismo ni Dad sa'kin ang nangyari pangsugod sa kanya ni Kislap sa office niya tungkol sa pagkapahiya nito. At sabi ni Dad wag daw akong mag-alala di naman daw siya ang gumawa noon, pero di rin daw siya magdadalawaang isip na sirain ang buhay ni Kislap kapag di pa ko tumino at di ko tigilan si Kislap. Kung siya lang rin ang mapapahamak sa mga ginagawa ko. Anong dahilan pa ang kailangan ko para tigilan siya?

Nagsimula na kaming sukatan para sa isusuot namin sa kasal namin ni Danica. Magkahiwalay kami ng kwarto. Kasama niya si Josh sa kabila at ako lang mag-isa rito.

"You know what Prince, bagay na bagay talaga kayo ni Danica." Sabi nung babaeng nagsusukat sa'kin. Siya ang gagawa ng isusuot ko sa araw ng kasal namin. Isa sa pinaka sikat na fashion designer sa buong bansa.

"Thanks." Matipid kong sagot. Dahil wala ako sa mood makipag-usap. Salita pa rin siya ng salita doon pero tango lang ako ng tango.

Matapos kaming sukatan ay pinag-usapan na namin kung saan gaganapin ang kasal, ang mga imbitado at ang reception.

Una muna naming pinagplanuhan kung sino ang mga i-iinvite namin sa kasal. Family, friends and other relatives ko at ni Danica ang mga napagkasunduan naming iinvite. Sunod naman naming pinag-usapan ay ang venue ng kasal at ng reception.

Sa totoo lang halos si Danica lang ang nagsusuggest para sa kasal namin. Tumatango lang ako ng tumatango.

"Prince? Are you with us?" tanong ni Danica.

"Sorry, yes. Ano yun?"

"We're asking you the place you want for our honeymoon."

"Kahit saan. Kahit saan mo gusto." Matipid kong sabi.

"Naku. Ang sweet naman ng mapapangasawa mo." Sabi nung wedding planner. Wow. Sweet pala ang ganto. Mga babae nga naman oh.

"Don't worry makakahanap ka rin ng para sa'yo." sagot naman ni Danica.

"How I wish. Hahaha. Let's continue..."

***

DOMINIQUE'S POV

"Salamat Kian sa pagsama sa'kin mamili ng mga gamit ah."

"You're always welcome. Tara hanap tayo ng restaurant. Nakakagutom na eh."

Kasama ko si Kian ngayon, sinabi ko sa kanyang uuwi na akong probinsya. Hindi ko na sinabi sa kanya ang nangyari sa pag-uusap namin ng tatay ni Prince, kahit sino wala akong pinagsabihan.Ano pa naman kasi ang dahilan para sabihin diba? Mas lalo lang magkakagulo.

"Mamimiss kita ng sobra Dom." Sabi niya at bigla kaming napatigil sa paglalakad dahil niyakap niya ako bigla.

"Mamimiss din kita ng sobra." Sabi ko at niyakap ko rin siya pabalik.

Stuck in a TeamWhere stories live. Discover now